Kabanata 28
"We also need this."
Hindi mapigilan ng noo ko ang kumunot nang ituro ni Dashiel ang washing machine na sa itsura pa lang, mukha ng high-tech at mamahalin.
"Hindi na natin kailangan 'yan, Dashiel. Kaya ko naman labahan ang damit natin ng manu-mano."
From pushing the big cart, he glanced at me and raises his thick eyebrow.
"That I won't let happen."
Bumusangot ang mukha ko dahil doon. He noticed my reaction that made him let out a deep chuckle. Kinabig niya ako, ipinulupot ang kamay paikot sa leeg ko at hinalikan ss aking pisngi habang naglalakad.
"You will pay for everything I'll buy, don't worry."
Iyon palagi ang sinasabi niya sa tuwing kukwestuyunin ko siya sa mga bagay na binibili niya ngayon.
Lately before dawn, after we both settled our issues and surprised me with his sudden decision that he'll live with me, he asked me to buy some things in that small apartment for our own convenient.
Nung una ay tumanggi pa ako. Pero tama siya nang sabihin niyang kung hindi kami bibili kahit na lamesa pang kainan ay mahihirapan kami. I feel shy... until now knowing that I can't even share when it comes to the money he will spend.
Kaya naman sinabi kong kapag nagsimula na ako sa trabaho ay unti-unti kong babayaran ang lahat ng ginastos niya sa pamimili. Nga lang, mukhang aabutin pa ako ng ilang tao bago ko mabuno ang magiging utang ko sa kanya. He literally buy everything. Magmumukhang condominium ang maliit na kwarto na iyon dahil sa mga gamit na ito.
"Sa dami ng pinamili mo, mukhang ilang taon pa bago ako matapos sa pagbabayad sa'yo." nanghahaba ang ngusong hinaing ko.
Natawa siya.
"Handa akong tumanggap ng bayad kahit mag-asawa na tayo."
Sinamaan ko siya ng tingin, nagpipigil ng ngiti dahil hindi maitago ang kilig na nararamdaman. He winked at me and that finally painted the smile on my face.
Napailing ako. Kahit may katagalan na ang relasyon namin, hindi pa rin nagbabago ang kilig at saya na idinudulot niya sa akin. He's always that one person who can always put the smile on my lips.
Kahit nagkakaroon ng tampuhan, nagkakaayos rin naman. I don't know what would really happen now that we are going to live with each other. Aaminin kong nagulat ako. Alam kong hindi siya sanay sa buhay na tatahakin ko pero heto siya at muli na namang pinapatunayan kung gaano niya ako kamahal.
I just hope that we won't face any serious problem in the near future. Kung magkaroon man, sana kayanin naming dalawa at manatiling matatag hanggang sa huli.
***
Inilapag ko ang baso ng orange juice sa ibabaw ng bagong center table namin at nag-angat ng tingin kay Dashiel. He's busy fixing our new flat screen TV, all sweaty but still looks perfectly handsome. Basa na ang likuran ng t-shirt niya kaya naman lumapit ako dala ang isang maliit na towel.
Iniangat ko ang laylayan ng puting tshirt niya at ipinasok roon ang towel. Nilingon niya ako at ngumiti.
"Thanks."
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. "Mag-miryenda ka muna. Kanina ka pa riyan."
"This will be done in a few. Tapos ka na sa mga groceries? Kung napapagod ka na ay iwan mo na lang. Ako na ang bahala magtuloy."
"Tapos na ako. Madali ko naman naisalansan…" nakangiting sabi ko, naaalala ang isang damakmak na grocery items na binili niya. "Ikaw nga itong kanina pa maraming ginagawa."
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...