Kabanata 17

60.8K 2.3K 326
                                    



Kabanata 17

Hindi ako dapat magselos — iyon ang palagi kong iniisip sa tuwing makikita ko kung paano tratuhin ni Dashiel si Lauren. They're best of friends since they're little and that's totally out of my business.

Isa pa, siniguro naman sa akin ni Dashiel na magkaibigan lang sila. He wouldn't dare to introduce me to her if there's something going on between them. Wala pa rin naman akong karapatan magselos dahil hindi pa kami. Nga lang, ang hirap talaga pigilan. Tama si Dashiel. We don't need any label to stop this jealousy from taking its toll on us.

Hilaw ang naging ngiti ko habang pinapanood si Dashiel at Lauren na magkaharap at masinsinang naguusap sa malayo. Ngayon na ang balik nila sa Maynila. It's supposed to be three days ago but Lauren still wanted to explore around. Hindi rin natuloy ang sana ay pagpunta namin ni Dashiel sa Sirao Garden dahil hindi niya puwedeng pabayaan ang mga kaibigan. Napagdesisyunan namin na ngayon na lang ituloy ang pagpunta roon pagkahatid sa kanila.

It's later on when Lauren suddenly hooked her arms around Dashiel's waist and embraced him tightly. Narinig ko ang bahaw na halakhak ni Dashiel saka niyakap pabalik ang kaibigan at hinaplos ang buhok nito.

Tumungo ako, malalim na bumuntong hininga.

"Are you jealous?"

Mabilis akong nag angat ng tingin nang marinig ang tinig na 'yon. Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita si Ma'am Cheska na nakatingin sa kung saan habang may matamis na ngiti sa kanyang labi. She's radiating in her white flowing dress and curly hair set in a pony tail. Para siyang isa diyosa na hindi kailanman umi-edad.

"P-Po?" tanong ko, hindi gaanong sigurado sa narinig mula sa kanya.

Nilingon niya ako, hindi inaalis ang ngiti roon.

"I know that my son likes you, Dreya. Hindi niya man sabihin sa amin, alam kong may pagtingin sa'yo ang anak ko. Tell me, is he already courting you?"

Literal na nanglamig ang mga palad at talampakan ko. Hindi kailanman nabanggit ni Dashiel na may alam sila Ma'am Cheska sa amin. We have never talked about them yet. Pero kung ganito ang klase ng tanong niya, paniguradong may nararamdaman na siya.

"Opo, Ma'am Cheska. Pasensya na po—"

"Why are you apologizing?" she chuckled. "It's not that liking you is a sin. Alam kong iniisip mo na hindi ka nababagay sa anak ko dahil sa katayuan ninyo sa buhay. Those facts will never bother us, Dreya."

Tipid akong ngumiti. "Mahirap po iwasan, Ma'am Cheska."

She sighed. "Hindi si Dashiel ang tipo ng lalaki na nanghahamak ng isa tao dahil sa estado nito. I know my son too well. Might at least give him a chance..." she smiled at me and I couldn't help but to smile, too.

Masiyadong maganda ang ngiting iginagawad niya sa akin. Ngiting totoo, ngiting alam kong galing sa puso.

"Back to my question. Are you jealous of her?"

My lips held a light smile. Gusto kong sabhin ang totoo pero pakiramdam ko ay nakakahiya iyon sa parte ko lalo pa at ina ni Dashiel ang kausap ko.

"Hindi naman po. Alam kong m-magkaibigan lang sila."

Muli siyang ngumiti at itinuon ang atensyon kela Dashiel at Lauren. I followed her line of vision and found the two still hugging each other. Ayos lang 'yon. Ganun siguro talaga dahil maaaring matagal na ulit bago sila magkita. I heard that Lauren is about to go back to Brooklyn where she truly lives in.

"You shouldn't be. They're just really close. Malapit sa amin ang batang iyan dahil naging malaking bahagi ng buhay ko ang ama niya. Lauren is such a sweet woman but she's just a little sister to Dashiel."

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon