Kabanata 12

56.2K 2.2K 134
                                    

Kabanata 12

"Matalino kang bata, Adrestia. Bakit hindi mo gamitin iyang isip mo sa mga sandaling ito. Ano na lang ang iisipin ng pamilya nila sa atin? Sa'yo? Tumanggap ka pa talaga ng mamahaling gamit galing sa kanya!"

Isang malalim at mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos marinig ang litanyang iyon ni nanay. Nagtungo ang mga mata ko sa cellphone na hawak nang bigla itong umilaw.

Dashiel:

Already in the office now. Still sleepy. Kumain ka na?

We've been texting eversince he left for Manila since last night. Kagabi lang rin dumating sila nanay galing sa siyudad. Wala akong balak sabihin pa sa kanila ni tatay ang tungkol sa amin ni Dashiel, o sa balak nitong pangliligaw sa akin. Mas gusto niyang siya ang maunang magsabi sa mga magulang ko kesa sa akin mismo manggaling.

Nga lang, nawala sa isip ko na hindi ko dapat ginagamit ang cellphone na bigay niya sa akin dahil siguradong magtataka sila nanay kung saan ito nanggaling. It's already too late before I realized that.

Ako:

Tapos na. Sana ay uminom ka ng kape para hindi ka gaanong antuki—

Hindi ko na na-i-send pa ang mensahe na 'yon nang marahas na hablutin sa akin ni nanay ang cellphone ko. Tiningala ko siya at nakitang kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa screen no'n. She seems like reading our conversation. Her eyes narrowed when she glance at me.

"Nahihibang ka na ba talagang bata ka?"

"Emma, hayaan mo muna magpaliwanag ang bata." sagot ni tatay sa kanya.

Lumabi ako. "Nay, mabuti naman ang intensyon ni Dashiel sa akin—"

"Hindi 'yon ang pinupunto ko, anak. Alam kong mabait na tao si Sir Dashiel dahil mabait rin ang mga magulang niyan. Ang sa akin lang ay ayaw kong pagisipan ka ng mga tao nang hindi maganda. Nasa ibaba tayo, Dreya. Mataas na tao ang pinipili ng tadhana na ipalaro sa'yo. Natatakot akong sa bandang huli ay ikaw rin ang masasaktan."

Bumuntong hininga si nanay at inilapag ang cellphone sa ibabaw ng kahoy na mesa sa aking harapan. Bagsak ang balikat siyang naupo sa tapat ko at isinandal ang batok hindi kalaunan. Pumikit siya, halatang kinakalma ang sarili.

"Wala tayong puwedeng ipagmalaki, Dreya. Tanging edukasyon lang. Sana ay gamitin mo ang utak mo at huwag magpadalos-dalos sa mga desisyong binibitawan mo."

"Wala ka bang tiwala sa akin, nay?"

Nagmulat siya ng mga mata at pagod akong tiningnan.

"Mayroon. Sa mga taong nakapaligid sa'yo, wala. Hindi ko gustong dumating ang araw na kutyain ka nila at paratangan na kumakapit ka sa mas angat sa'yo para lang yumaman tayo."

Tinitigan ko si nanay, lumilipad na ang isip. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating sa akin. Hindi maiiwasan na pagisipan ako ng mga tao ng hindi maganda oras na malaman nilang may namamagitan sa amin ni Dashiel. Now that Maricel already knows that we're up to something, hindi imposibleng may ipinagkakalat na siya.

Tahimik ang naging trato sa akin ni nanay kalaunan. Ayaw kong pilitin na intindihin niya ako kung hindi pa naman siya handa. I haven't tell Dashiel about our confrontation yet. Ang sabi niya ay magiging abala siya sa buong maghapon dahil sa trabaho.

Malamya ang pakiramdam kong sinusundan si Browny na patungo sa mansyon nila Dashiel pagsapit ng hapon. Nakasanayan niya na 'yon sa araw-araw kahit pa wala namang ginagawa doon. Maging ako.

"Browny, wala naman si Dashiel diyan. Umuwi na tayo." tamad na sagot ko at sumilip sa cellphone.

Umaga pa simula nang huli siyang magtext sa akin.  Hindi dapat pero naghihintay ako na muli siyang magparamdam. Hindi naman ata na makaramdam ako ng ganito dahil wala naman kaming relasyon. Hindi siya obligado na i-text ako kada oras.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon