Kabanata 14
"Hindi ko na talaga ito gagamitin, Dashiel. Ayos na ako sa lumang cellphone ko." giit ko habang nasa biyahe na kami pauwi sa bahay.
He asked me to go with him for a decent snack which is slightly far from the school and I agreed. Sinabi niyang gusto niya akong makasama sa maayos na lugar at iyong makakakain kami ng maayos. Not that he doesn't like kwek-kwek and fish ball, ang sabi niya ay puwede naman kaming kumain doon kailan ko man gustuhin. This time, he wanted some peaceful place. Marahil ay ayaw niya nang palagi kaming pinagtitinginan, partikular sa kanya.
Hindi naman niya masisisi ang mga babae. Masiyado siyang agaw pansin dahil sa kagwapuhan niya. Kahit sino ay buong pusong magsasayang ng oras para lang matitigan siya.
"Are we still going to argue about this? Binili ko 'yan para sa'yo pagkatapos ay isasauli mo lang." sagot ni Dashiel na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Bakit mo naman kasi ako ibinili? Kuntento naman ako sa cellphone ko."
"No offense meant but how can we video call using that phone? You couldn't even download a bigger size application." supladong aniya na ikinanguso ko.
"Ang sama mo. Pinaghirapan nila nanay na maibili 'to para sa akin tapos lalaitin mo lang."
He sighed and then shot me a quick glance. He suddenly took my hand and massaged it gently as if he's trying to calm me.
"Hindi ko nilalait, Dreya. Hindi ko rin sinasabing huwag mong gamitin ang ibinigay nila sa'yo. I just want you to use the phone I gave you for a better communication when I'm away."
"Puwede namang magtext at tumawag kahit iyong luma ko ang gamitin, ah."
He shook his head.
"I'm not contented. I want more than texts and calls, Dreya. Gusto kong nakikita ka kahit nasa malayo ako," he glanced at me again before focusing it on the road. "Take it again, please?"
Bumaba muli ang tingin ko sa cellphone na nasa kandungan ko. Nagbuntong hininga ako saka siya tiningnan. He's already focusing on the road.
"Sige na. Gagamitin ko na lang ulit."
A smile crept on his lips. Binigyan niya ako ng isang mabilis na tingin kasama ang matatamis na ngiti na 'yon na hindi ata ako magsasawang pagmasdan.
"Thanks." he said and I only smiled at him.
Silence lingered in the air and I took that chance to looked beside me and watch the views outside that seems to be moving as we passes by.
Ang dali kong bumigay kanina. Kaunting paliwanag lang niya ay ayos na agad kami. Ni hindi ko pinanindigan ang sinabi kong hindi ko na siya hahayaan pang mangligaw sa akin. Kung sa bagay ay may mali rin naman ako dahil hindi ko muna siya tinanong bago ako gumawa ng aksyon. I already concluded that he's playing with my innocence.
Huminga ako ng malalim. Hindi na ata basta gusto itong nararamdaman ko para sa kanya. Parang mas higit pa roon. Pero paano ko ba masasabing humigit na nga sa pagkakagusto ang nararamdaman ko? How will I be able to prove it by myself when this is the first time I got to feel this emotions?
"Siya nga pala, baka puwedeng huwag mo na ako ihatid sa mismong bahay namin." sabi ko hindi kalaunan at nilingon siya.
Kunot-noo niya akong binigyan ng mabilis na sulyap.
"Why?"
"Alam na kasi nila nanay ang tungkol sa sadya mo sa akin. At medyo hindi nila nagustuhan iyon." pag amin ko.
He didn't say anything for the next few seconds as if he's trying to understand what I have just said. Wala rin naman dahilan para itago ko sa kanya ang totoo.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...