Kabanata 23

56.5K 2.1K 487
                                    



Kabanata 23

Sa kabila ng matinding sakit ng ulo at pagkahilo, pinilit kong imulat ang aking mga mata at agad na sinalubong ng kulay puting kurtina. Tumatagos rito ang malamyos na sikat ng araw na tumatama sa aking braso.

Sinapo ko ang ulo, pumikit ng mariin at halos hindi na makagalaw mula sa pagkakahiga. Pakiramdam ko ay wala ako ni isang buto para kumilos.

"Dreya, nak! Unsa man ang gibati nimo? Naa pa bay sakit?"

Awtomatiko akong napatingin sa gilid ko nang marinig ang sunod-sunod na tanong na iyon. Bahagyang kumunot ang noo ko nang masilayan si nanay, at ang nagaalalang ekpresyon sa mukha nito.

"Nay..." namamaos ang boses na tawag ko.

Lumampas ang tingin ko sa balikat niya at nakita ang pagpasok ni tatay mula sa isang pinto na alam kong hindi sa amin. Iginala ko ang paningin sa paligid. Everything around me were unfamiliar.

"Nasaan ako, nay?"

Imbes na sumagot ay yumuko si nanay at sunod-sunod ang naging paghagulgol. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang pati si tatay ay parang talunan na naupo sa sa sofa sa harap ng kama ko.

Sandali... Hindi ba at nasa graduation ball ako kagabi? Nasa lamesa ako kasama nila Maricel. Ang alam ko pa nga ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Nasaan ako?

"Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa'yo, anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkataong napahamak ka."

Confusion hit me.

Napahamak? Ako? Sa paanong paraan?

"Ano bang sinasabi mo, nanay?" naguguluhang tanong ko. "Bakit ako mapapahamak? At isa pa, nasaan ba tayo?"

Bumukas muli ang pintuan, iniluwa noon si Dashiel. His eyes burned with unfamiliar emotion. But they're dark... menacing... merciless. Malamig siyang nakatingin sa akin habang mariin ang bawat hakbang, pero naroon ang pagaalala sa hindi malamang dahilab.

"Dashiel?" tawag ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay diretso lang ang tingin niya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan ang pagkunutan ng noo.

Tumayo si nanay mula sa pagkakaupo sa aking tabi. It's then Dashiel reached my direction and suddenly sat beside me. He immediately leaned down on me and pulled me into a tight embrace.

Nagtataka akong tumingin kela nanay, hindi maintindhan ang bawat inaasal nila.

"Ano ba ang nangyayari?" bulong ko sa gitna ng mahigpit na yakap niya. "Wala akong maalala."

"Because you were drugged."

"A-Ano?" litong tanong ko.

He breathed, I can feel the frustration beneath it.

"You can't remember anything because you were under the influence of drugs, Dreya. Kaya ka narito sa hospital."

"Paanong..." Pilit akong kumalas mula sa pagkakayakap niya. Hinarap ko siya. Malamlam man ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, bakas pa rin doon ang dilim na tila isang malakas na bagyo. "Hindi kita maintindhan, Dashiel."

Tumungo siya, kumuyom ang kamao saka nag angat ng tingin sa akin. He held my hand and kissed the back of it gently.

"Marcus along with his friends and Maricel tried to drug you. Hindi mo na maalala dahil nawalan ka ng malay."

Napabangon ako, agad rin pinagsisihan dahil sa literal na pag-ikot ng paningin ko. Sinapo ko ang ulo.

"Careful..."

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon