Kabanata 25

57.7K 2K 245
                                    

Kabanata 25

"Mag-iingat ka roon, anak. Tatawag ka sa amin palagi, ha? Balitaan mo agad ako kung ano magiging resulta ng unang araw mo roon."

Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko, hindi ko hinayaan pa ang umiyak sa harap ni nanay dahil alam kong madadagdagan lang ang bigat sa kalooban niya. Maging si tatay, hindi man sabihin ay alam kong hindi rin gaanong sang-ayon sa pagluwas ko patungong Maynila.

Isinara ko ang zipper ng bag ko at nag angat ng tingin sa kanila. Their eyes hold sadness as the watched me pack my things.

"Huwag kayong mag-alala. Tatawag agad ako oras na dumating ako ng Maynila."

Tumango sila.

"Susunduin ka ba ni Sir Dashiel, anak?" si tatay.

"Hindi, tay. Hindi niya alam ang tungkol sa pagluwas ko. Gusto ko sana siyang supresahin."

Nakitaan ko nang alinlangan ang ekpresyon ng mukha ni nanay.

"Malaki ang Maynila, Adrestia. Paano kung maligaw ka roon? Mabuti nang mayroon kang puwedeng tawagan oras na mangailangan ka ng tulong."

Ngumiti ako. "Puwede naman akong magtanong sa iba kapag nangyari 'yon, nay. Gusto ko lang talaga siya supresahin."

Lumapit sila sa akin hindi kalaunan. They bent down and hugged me. I can feel the sadness flowing through that hug. This was the main reason before why I didn't like to try my luck in Manila. Malaki ang posibilidad na doon ko makamit ang pangarap ko bilang maging isang guro ngunit ang kapalit ay malalayo naman ako sa mga magulang ko.

Pero hindi ba at kaya nga ako nagsikap na makapagtapos ay para mabigyan sila ng magandang buhay? Nakakalungkot man tanggapin pero hindi ko iyon matutupad kung hindi ako hihiwalay sa kanila.

Isang kaway ang ginawa ko kela nanay at tatay bago ako tuluyang sumakay ng bus papunta sa Pier na maghahatid sa akin sa siyudad ng Maynila. Barko lang sasakyan ko, masiyadong mahal kung mag-e-eroplano pa ako. Baka sa pamasahe pa lang ay maubos na ang perang inipon ko.

Mabigat ang kalooban ko, iyon ang totoo. Pero kailangan ko magsakripisyo. Para rin naman sa kanila ito.

Isang sulyap pa ang ginawa ko sa kanila bago tuluyang lumisan ang bus. Huminga ako ng malalim, humigpit ang kapit sa dalang bag. Isinandal ko ang ulo sa upuan at ipinikit ang mga mata, pinapakiramdaman ang sarili.

Kaya mo 'yan, Adrestia. Tatawag ka naman palagi sa kanila. Kahit maya't-maya pa.

Mahigit isang oras nang dumating ang bus sa Pier kung saan tanaw ko na ang barko na sasakyan ko. Kaunting oras na lang ay aalis na rin naman kaya sumakay na ako.

Nang makapasok at maiayos ang mga dalang gamit sa loob ng cabin room ay nagpasya akong lumabas muna sa balkonahe at magpahangin. Iilan lang ang taong nasa labas, ang iba ay nakatayo at pinapanood ang madilim na karagatan. Marahil ay nasa kanya-kanyang silid na ang mga pasahero at nagpapahinga, tutal ay alas-dos pa lang ng madaling araw.

The see breeze whispers like a lover, placing salty kisses on my cheek and tousling my long black hair. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago sinilip ang cellphone ko.

Litrato namin ni Dashiel ang bumungad sa akin. We're in the waterfalls when we took that picture. He's hugging me from behind as we both smiling at the camera. I know he's already asleep right now. Alas otso pa ng gabi ang huling paguusap namin.

He doesn't have any idea that I'll be leaving for Manila now. Nang makapasa sa board exam, ang tanging alam niya ay dito sa probinsya lang ako mag-a-apply. Little did he know that I passed resume on some of the prestigious schools there.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon