Kabanata 10

68.3K 2.6K 993
                                    


Kabanata 10

Unknown number:

Where are you?

Ibinaba ko ang hawak na libro sa ibabaw ng lamesa matapos marinig ang pagtunog ng cellphone ko. There's a text message from an unknown number. Dinampot ko ito at binasa ang mensahe. My forehead wrinkled after reading it.

Sino 'to? Hindi kaya wrong number lang?

Ako:

Kinsa ka?

Pagkatipa ng mensahe na 'yon ay ibinaba ko na ang cellphone at tumayo. Tanaw ko na ang munting usok na nagmumula sa kawali na pinapainit ko. Nang makitang nakulo na ang mantika ay dinampot ko na ang siyanse at iginisa ang bawang.

I heard my phone beep again. Sinilip ko ito ngunit hindi gaanong pinagtuunan ng pansin. Ang mabangong aroma ng bawang ang bumalot sa buong kusina. Sinunod ko ang sibuyas, hindi kalaunan ay toyo at kaunting tubig. Nang kumulo ay kaunting suka naman ang ibinuhos ko. Huli na ang kangkong. Kaunting pampalasa ay tinakpan ko na 'to at hinayaang kumulo muli.

Bumalik ako sa lamesa saka tamad na dinampot ang cellphone. May mensahe na ulit mula sa numerong iyon.

Unknown number:

I had to ask Mang Abner what that means. Damn, looks like I have to learn how to speak that way for you.

Kumurap-kurap ako. Mang Abner? Hindi kaya si...

Ako:

Dashiel?

Not so long ago when my phone ring, indicating the unknown number. Wala pa man ay nagsimula nang bumilis ang ritmo ng tibok ng puso ko. Heto na naman, para na naman akong kinukuryente.

Sinagot ko ang tawag, biglang nanglamig ang mga kamay.

"H-Hello?" bungad ko.

"Hi..."

Sa mga oras na 'to, hindi ko na kailangan pang kwestyunin kung sino ang nagtetext sa akin at kung sino ang kausap ko. Within a short span of time, I have already recognised his voice.

"D-Dashiel..."

"Hmm. I haven't seen you this morning in the field.  Busy?"

"Ah, nagre-review kasi a-ako. Pasensya na. M-Marami bang ginagawa? Kailangan ba ako doon?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi ka nila kailangan roon..." aniya sa seryosong boses. "Pero ako, kailangan kita."

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone, biglang nanglamig ang palad.

"Dashiel naman..." ungot ko, pilit pinipigil ang kakaibang emosyon sa puso ko na gustong kumawala.

Simula nang harap-harapan siyang umamin sa akin na gusto niya ako, simula nang sabihin niyang ako ang nagmamay-ari ng buhok sa Instagram account niya na siyang napatunayan ko naman, pakiramdam ko ay inalis noon ang pagdududa at takot ko na baka niloloko niya lang ako.

Kung sa bagay, ano ba ang mapapala niya kung pagtitripan niya ako? Why would he waste his time on someone like me if he doesn't truly have the feelings... for me?

At sa tingin ko, wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam ng magustuhan rin ng taong gusto mo. I don't know when exactly I have developed this feelings towards him. Maaaring nung una ko pa lang siyang makita at hawakan niya ang mapuputik kong kamay. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

Isa lang ang alam ko... masaya ako sa tuwing nakikita ko siya. Sa tuwing iisipin kong imposibleng magustuhan niya ako, sarili ko na rin mismo ang kumokontra sa akin.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon