Kabanata 26
Nasilayan ko ang pag rehistro ng gulat sa mga mata ni Dashiel habang nakatingin sa gawi ko. He even stopped from walking as his dark eyes didn't leave mine. Tumungo ako, hindi alam kung ano ba ang dapat maramdaman gayong nakita ko siya.
Masaya ako kanina... masaya pa rin naman ako. Pero aaminin kong hindi na gaano matapos maabutan kung gaano kalambing si Lauren sa kanya.
Kaibigan lang, hindi ba? Ibig sabihin ba no'n ay wala na rin ako dahilan para magselos?
"We should try that restaurant, Dash—" dinig ko pang saad ni Lauren ngunit nanatili akong nakayuko. "What's wrong? Bakit ka huminto?"
I felt a gentle caress on my shoulder. I lifted my eyes and found Ma'am Cheska staring at me, a comforting smile was etched on her natural pink lips.
"It's alright, Dreya. You don't have to worry about them." she guaranteed.
Hilaw na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. It's then I heard a chuckle beside me. Nag angat ako ng tingin at nakitang iyong kasama nila Zadriel at Tate ang tumawa. She's smirking at me. May katapangan ang awra ng mukha niya. I can see that she's somehow looks like Ma'am Adrianna.
"Dashiel is actually better than my brother here, Dreya."
Zadriel groaned. "Ako na naman ang nakita mo, Anya."
"I'm just telling the truth, Zadriel. Mabuti nga at nakahanap ka ng katapat mo dito kay Tate."
"Subukan niya lang magloko. Puputulin ko german si—"
Tinakpan ni Zadriel ang bibig ni Tate.
"Too much words, woman." he whispered.
"Adrestia..."
Awtomatiko akong napatingin sa harapan nang marinig ang pamilyar na tawag na 'yon. My eyes locked with Dashiel. His eyes hold emotions I couldn't name. Naroon pa rin ang gulat sa mga mata niya pero natatabunan na 'yon ng pagtataka.
Hindi sinasadyang napatingin ako kay Lauren. She's not smiling at me. As a matter of fact, she looks cold and stoic — like my presence here isn't welcome.
Alam ko. Aminado naman ako. Lalo pa ngayong napapalibutan niyo akong may sinasabi sa lipunan. Kahit ano atang gawin ko, hindi ko kailanman maiaalis sa isip ko na masiyado akong mababa kumpara sa kanilang lahat. Kumpara kay Dashiel. Kahit anong gawin ko, hindi ko kayang isipin na nababagay kami sa isa't-isa dahil ang totoo, hindi naman talaga.
"Ah, D-Dashiel. Magandang gabi." nauutal na bulong ko, hindi gustong napapaligiran kami ng pamilya niya.
Panay ang pagbaluktot ng mga daliri ko sa mga paa dahil sa tensyon na nararamdaman. Pasimple akong tumingin sa paligid at napansin na halos lahat nga sila ay nakatingin sa akin, pwera lang roon sa Zion Monasterio na tila walang pakielam dahil nasa cellphone nito ang atensyon.
"Maybe we have to leave and give them privacy?" si Ma'am Cheska bago ako hinawakan sa kamay dahilan para muli ko siyang tingnan. "Dreya, hija, dito ka na maghapunan. Marami akong ipinahanda."
Hindi pa ako nakakaapuhap ng sagot nang bitawan niya na ang kamay ko at tumalikod, kasabay ng ilan pang miyembro ng pamilya nila.
"Take care of your woman, Dashiel. Sumunod na kayo sa dining area pagkatapos."
Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. I have no choice but to look at Dashiel who's still staring intensely at me, like I did something wrong.
"Sunod ka na sa dining area, Dash." si Lauren saka dire-diretsong naglakad patungo si nilakaran nila Ma'am Cheska. She didn't even dare to look at me.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...