Kabanata 20
Pagpasok pa lang sa canteen ay mas dumami ang taong nakatingin sa amin. Naiintindihan ko iyon dahil halos sabay-sabay ang lunch break ng mga estudyante rito. Pinilit kong huwag na silang bigyan ng atensyon at ituon na lamang ito kay Dashiel.
Nga lang, hindi ko sigurado kung hanggang kailan siya malayang maglalakad dito sa eskwelahan namin. He's an outsider. Siguradong kapag nalaman ng director ng school na ito na nagpapagala-gala siya rito ay paaalisin siya.
Ayaw kong mapahiya siya kapag nagkataon.
Ngumuso ako sa naisip.
Sa parteng unahan kami naupo. Bakante pa iyon at kaming dalawa pa lang ang uupo kung sakali.
"I'll order for us. What do you want?" si Dashiel.
Nilingon ko siya. "Kanin at gulay na lang. Sigurado ka bang ayos lang sa'yo dito, Dashiel?"
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Why? Don't you want to eat here? Sabihin mo lang at dadalhin kita sa ibang lugar."
Sunod-sunod ang naging pag iling ko. "Ikaw ang inaalala ko—"
"I'm fine," itinago niya ang ilang takas na buhok sa gilid ng tainga ko at ngumiti. "Tayong dalawa lang ang narito. Huwag mo silang pansinin."
Gusto ko sanang sabihin na hindi naman iyon ang inaalala ko kung hindi ang baka makita siya ng mga matataas sa eskwelahan na ito at paalisin siya sa harap ng madami.
Ngunit naglalaro pa lang sa isip ko ang posibleng mangyari ay natanaw ko na ang school director namin na papasok sa canteen namin dala ang seryosong ekpresyon sa kanyang mukha. Napaayos ako ng upo, malakas ang tibok ng puso habang kabadong nilingon si Dashiel. Mataman siyang nakatitig sa akin, salubong ang kilay at tila ba nagtataka sa inaasal ko ngayon.
Kung paaalisin ko pa siya ay huli na dahil siguradong siya ang pakay ni Mr. Calumpang dito.
"D-Dash—"
"Mr. Monasterio, pasensya na po at ngayon ko lang kayo nagawang puntahan. Nasa kalagitnaan kasi ako ng isang meeting nang sabihin sa akin ng isa sa mga professor na narito kayo."
Kumunot ang noo ko. Nilingon siya ni Dashiel at tumango.
"It's alright, Mr. Calumpang. I'm not really here for business." sagot ni Dashiel na mas lalong ikinakulubot ng noo ko.
I anchored my eyes back to our school director and found him standing straightly in front of us. Puno ng paggalang ang tingin na ipinupukol niya kay Dashiel dahilan para lalo akong magtaka.
Mr. Calumpang is known for his strict attitude. Halos lahat ng estudyante na narito ay takot sa kanya dahil alam ng lahat kung paano ito bilang isang namumuno. What makes him show this kind of attitude to someone like Dashiel?
"Ano po ang pakay ninyo rito kung ganoon?" tanong nito saka ako binigyan ng mabilis na sulyap.
"I'm here for Miss Dela Cruz. I hope you don't mind me strolling around your school."
Kumurap-kurap ang matanda at muli akong tiningnan. He later on chuckled and shook his head.
"Walang problema, Mr. Monasterio! Ikaw pa ba. Malaya po kayong magikot-ikot dito."
"Thanks. I'm sorry but we're are already hungry. She still has class at exactly one."
"A-Ah! Sige po. Gusto ninyo bang ipahatiran ko kayo ng pagkain?" aligagang tanong ni Mr. Calumpang, tuluyan nang nawala ang pagiging strikto.
"No, thanks. I'll do it myself. Please, excuse us."
"Just call me whenever you need something. I'm just in my office. It's our pleasure to have you here, Mr. Monasterio."
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...