Kabanata 30

62.6K 2.1K 600
                                    

Kabanata 30

Literal na hindi nakapasok ang hangin sa aking dibdib habang pinagmamasdan si Dashiel at Lauren sa sala. Humigpit ang kapit ko sa barandilya, ramdam ang kung anong kirot sa puso ko. It keeps on getting more painful as I see how Dashiel let his best friend caress his jawline.

I swallowed. Nag-ipon ako ng hangin sa aking dibdib at nilakasan ang loob para bumaba. Tahimik ang bawat yapak ko, nag-aalalang makagawa ng ingay at mapansin nila ako.

"Dash, I'm sorry." it's Lauren. I can hear the regret through her voice.

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Dashiel kaya naman nang umapak ako sa huling baitang ng hagdan at makita ko siya ng mas malapitan, literal na nanglaki ang mga mata ko nang makita ang ayos niya.

"Dashiel!" tawag ko at dali-daling lumapit sa kanya.

Dashiel suddenly opened his eyes. Umalis siya sa pagkakasandal at umayos ng upo.

"Dreya..." his voice was raspy and deep.

Inilahad ni Dashiel ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko ito dahilan para madali akong mapalapit sa kanya. Kusang umalis si Lauren sa pagkakaluhod sa harap niya nang makitang halos magkatabi na kami.

"Anong nangyari sa'yo?!" tanong ko, iginagala ang mga mata sa kabuuan ng mukha niya.

Putok ang gilid ng labi niya, may bahid pa ng sariwang dugo mula roon na tila ba sinuntok. Umiling si Dashiel, inalalayan akong tumayo pero nagmatigas ako.

"Umakyat na tayo sa kwarto-"

"Hindi, Dashiel. Sabihin mo muna sa akin ang nangyari sa'yo. Hindi ba at sabay tayong natulog? Sa pagkakatanda ko, wala pa iyang sugat na 'yan kanina. Anong nangyari?"

Umigting ang mga panga niya. Binawa ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya at mataman siyang tinitigan. His dark as the midnight sky eyes traced my hand as he looked down as if he's trying to avoid my stare.

"Dash, I'm really sorry. Hindi ko ginusto ang nangyari kanina."

Nilingon ko si Lauren. She's staring intently at Dashiel. Kumunot ang noo ko.

"A-Anong nangyari, Lauren?" tanong ko, umaasang bibigyan niya ako ng matinong sagot.

For the first time, I saw regret in her eyes as she looked at me.

"It's my fault. Dashiel tried to save me from my ex boyfriend. He was trying to harass me and this happened..." her voice cracked and anchored his eyes back to him. "Dash, I'm really sorry. I shouldn't have stayed that long on that bar. Sorry if I made you worried."

Binalingan ko si Dashiel, nakatungo pa rin ito kaya naman hindi ako sigurado sa ekpresyon ng mukha niya. It's seconds later when he ascended his gaze and met hers.

"We'll go upstairs. Magpahinga ka na."

Tumayo na si Dashiel at walang pasabing kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako paalis roon. Hindi pa rin pumapasok sa kukote ko ang mga sinabi ni Lauren kung kaya naman tahimik ako habang paakyat kami ng hagdanan.

Ano'ng nangyari? Iniligtas ni Dashiel si Lauren sa ex boyfriend niya sa bar? Paano nalaman ni Dashiel na naroon si Lauren?

Si Dashiel ang naunang pumasok sa loob n kwarto. Binawi ko ang kamay mula sa kanya dahilan para mapalingon siya sa akin.

Tahimik akong naupo sa kama.

"Akala ko ay sabay tayong natulog..." sabi ko sa kalmadong paraan, hindi siya pinagaangatan ng tingin.

He sighed. "We did."

"Paanong nangyaring magkasama kayo ni Lauren kung ganoon?"

Naupo siya sa harapan ko. I'm trying so hard to look at him for I know that once our eyes meet, tears will fall out of them.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon