Kabanata 5

70.6K 2.6K 478
                                    

Kabanata 5

Hinilot ko ang aking sentido matapos balikan ang mga lesson plan na ginawa ko para sa gaganaping practice teaching ko sa isang araw. Some of the materials I will use for the demo are scattered around me. Ako na lang mag isa ang naiwan sa class room namin at lahat ay naguwian na.

Nag angat ako ng tingin sa bintana na yari sa salamin. It's already six in the evening and the sky was already reflecting the colour of fire. Ilang sandali na lang ay lalamunin na ng dilim ang buong paligid. I should probably get home. Alam naman nila nanay na gagabihin ako ngayon dahil dito. Puwede na siguro akong umuwi dahil halos patapos na rin naman ako.

Bumuntong hininga ako saka inilibot ang paningin sa mga kalat. Nagsimula na akong ligpitin ito. Nang matapos ay binitbit ko ito at halos mapangiwi nang hindi na ako magkanda-ugaga sa pagdadala. Mabigat ang bagpack ko, mas doble ang bigat ng mga materyales na dala ko.

"Hindi bale na, sasakay na lang ako pauwi."

Malinis na ang school ground nang lumabas ako. Tanging ang matandang dyanitor na lang na nagwawalis ng tuyong dahon ang naiwan.

"Mo una nako, Tiyo Delfin." paalam ko na ikinalingon niya sa akin.

Ngumiti siya.

"Naa naman diay ka, Dreya. Nganong naulhi man ka sa pag-uli?"

"Gina-homan man gyud nako ang lesson plan nako para sa practice teaching nako atong sa usa ka adlaw."

"Hala sige. Amping sa imong pag-uli."

Isang ngiti ang pinakawalan ko bago ako tuluyang tumalikod at lumabas na ng eskwelahan. Wala na halos ako makitang habal-habal na puwede kong sakyan pauwi kaya naman nagdesisyon na lang akong maglakad.

Ilang beses nagkadahulog-hulog ang ilan sa mga dala kong materyales. Mabuti na lang at malamig na ang simoy ng hangin kaya hindi rin ako ganoong pinawisan.

Bago pa sumapit ang ala-syete ay nakarating na ako sa baryo namin. Pagtapak pa lang sa mismong kanto namin ay kumunot na ang aking noo. Luminga-linga ako, hinahanap si Browny na  nakasanayan nang sumusundo sa akin sa tuwing uuwi ako galing sa eskwelahan.

"Bakit wala iyon?"

Nagtuloy ako sa paglakad papasok. Tahimik na ang buong lugar. Mula sa distansya ko ay tanaw ko ang malawak na mansyon ng mga Monasterio. Bukas ang ilang ilaw rito ngunit ang mismong harapan ay bahagyang madilim.

As I'm nearing the mansion, my eyes suddenly stopped at the familiar person who's leaning against the gate, looking down while dropping some white mini ball as if he's playing with someone. Pero tama nga, nakikipaglaro nga siya.

Kay Browny!

Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay lumingon na sa akin ang alagang aso. Tumahol siya dahilan para tumingin sa gawi ko si Sir Dashiel. Tumakbo papunta sa gawi ko si Browny at mabilis akong sinunggaban paakyat sa aking binti habang kumakawag ang buntot. Hinaplos ko ito sa ulo at nginitian.

"Nakalimutan mo akong sunduin, Browny..." sabi ko sa kanya.

Pasimple akong nag angat ng tingin. Nakita ko si Sir Dashiel na umayos ng tayo at naglakad palapit sa akin habang nakapaloob ang mga kamay sa bulsa. He's already staring at my face and all I could do was to look down again for my heart is beating aggressively.

Knowing that he's about to come my way makes me feel ridiculously nervous. Bakit ganoon?

"Ginabi ka..." aniya na ikinaangat ko ng ulo mula sa pakikipagkulitan ko kay Brownie.

Tipid akong ngumiti. "May tinapos lang po sa eskwelahan."

Tumango siya saka marahang pinasadahan ng dila ang kanyang pang ibabang labi.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon