Kabanata 21

57K 2.1K 440
                                    

Kabanata 21

"Uwi na tayo, Dashiel. Mukhang uulan." sabi ko habang inililibot ang mga mata sa ngayon ay kulay abo nang kalangitan.

Tinangala ko siya. He's sitting behind my back while arms hooked around my body. We have been in this position for almost half an hour, enjoying the silence while watching the waterfalls. This is one of the priceless memories I will treasure with him as long as I live.

"We have to go," sabi niya habang ang paningin ay nasa kalangitan pa.

Nagbaba siya ng mga mata sa akin at sinalubong ang tingin ko. He softly caressed my chin and we both smiled at each other.

"Hindi ka puwedeng mabasa ng ulan. Baka magkasakit ka."

Tumango ako, titig na titig sa kanya. "Ayoko rin na magkasakit ka."

Bahagya siyang tumungo at pinatakan ako ng magaan na halik sa tungki ng ilong ko.

"Hindi na baling ako ang magkasakit, huwag lang ikaw."

Ngumuso ako. "Hindi tayo puwede magkasakit!"

Humalakhak siya. "Sabi ko nga po."

Natawa ako, napapailing. Isang beses niya pa akong hinalikan sa pisngi bago ako nagdesisyong tumayo na. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya 'yon saka ngumisi. Inabot niya ito at agad na tumayo. He immediately clung his arm around my shoulder as we both looked up to the gray clouds.

"Mukhang malakas ang ulan na ito..." puna ko.

"Pretty much, huh?"

I almost shrieked when the loud thunder boom in my ears. It overhead like the fury of the gods. It tumbled toward us through the darkened clouds, spreading out into the night, hailing the promise of rain to the land below.

"Let's go." Was all Dashiel said before he held my hand and pulled me with him.

Hawak ang aking kamay, lakad-takbo kaming lumabas mula sa talon. Sa gitna ng nagtataasang damo, malakas na umihip ang hangin dahilan para magsigalawan ang mga tuyong dahon sa lupa. We didn't waste any seconds and ran faster.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay bumuhos na agad ang malakas na ulan na may kasamang hangin.

"Fuck," ipinatong niya ang palad sa ibabaw ng ulo ko na para bang sa ganoong paraan ay magagawa niya akong protektahan sa ulan.

Natawa ako. "Hayaan mo na!"

Nilingon niya ako, kunot ang noo na tila ba hindi ako naririnig. "What?"

"Ang sabi ko, hayaan mo na. Huwag mo na akong sanggaan mula sa ulan dahil basa na rin naman ako!" sigaw ko pa dahil baka hindi niya nga ako naririnig dulot ng ulan.

Itinuro ko pa ang buong katawan na halos basa na ng ulan. Maging siya rin naman ay basa na rin. I can even see his rippled chest through his wet shirt. Hinagod niya ako ng tingin, umigting ang kanyang mga panga.

Hinila niya akong muli. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. The rain and wind are going stronger each passing time. Hindi na rin gaanong makita ang dinadaanan dahil madilim na at kung sasalubungin pa namin ito ay siguradong mahihirapan kami makabalik agad.

Lumiko si Dashiel hindi kalaunan. Kumunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta?" pasigaw na tanong ko.

He didn't answer. We continued running until we reached an old and abandoned nipa hut. Nang makasilong dito ay nilingon ko si Dashiel na nasa labas agad ang paningin.

"We have to wait until this rain stops before we go home. Delikado sa daan." sabi niya.

Niyakap ko ang sarili, unti-unti nang giniginaw.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon