Kabanata 3
Paulit-ulit kong binabasa ang ilang pangungusap sa aking notebook habang wala sa sariling sumusulyap sa malawak na palayan. Amid the wheat, amid the soft golden ears, moves the unseen wind. It moves my hair and sea of summer grass all the same.
Mayroon akong nakatakdang long quiz bukas sa isang major subject at ngayon lang ang pagkakataon para makapag aral ako. Dito ko naisipan sa tambayan gawin ito dahil mas nakakapagisip ako ng maayos. Mabuti na lang rin at wala gaanong gawain ngayon kaya hindi ko kailangan tumulong.
"Naiinis talaga ako kay Jeffrey. Hihiwalayan ko na nga siya!" si Maricel na ikinawaglit ng paningin ko sa hibla ng mga palay.
Nilingon ko siya, nakatanaw rin siya sa kawalan ngunit salubong ang mga kilay habang magkakrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Sinong Jeffrey?" tanong ko.
"Iyong nobyo ko sa kabilang bayan. Ang sabi niya ay padadalhan niya ako ng load. Namuti na ang mga mata ko at wala pa rin!"
Tumaas ang mga kilay ko. "Hindi ba at nobyo mo rin iyong si Michael na taga kabilang baryo rin? Huwag mo sabihing pinagsasabay mo sila?"
"Ano naman ang masama? Parehas ko naman silang hindi sineseryoso. Past time lang ang dalawang iyon, Dreya. Hindi ganoon ang mga tipo ko."
"Kung ganoon ay bakit nagsasayang ka pa ng oras sa kanila?"
"Bored ako!" humalakhak siya. "Ang mga tipo ni Sir Dashiel ang gusto ko. Gwapo na mayaman pa. Siguradong kapag nagustuhan ako ng isang tulad niya ay aahon ako sa hirap at makakaalis na sa lugar na ito."
Umawang ang labi ko sa lantaran niyang pag amin tungkol sa pagkakagusto niya kay Sir Dashiel. Gusto kong matawa na hindi ko maunawaan. Imposible kasing magustuhan siya ng isang tulad ni Sir Dashiel. Siguradong ang mga kauri lang niya ang pagtutuunan niya ng atensyon. Iyong mayayaman at nasa alta sociedad. Pero siyempre ay hindi ko sasabihin iyon kay Maricel dahil sasama lang ang loob niya.
"Ikaw ba, Dreya? Hindi ka ba nangangarap na mapansin ni Sir Dashiel?"
Mabilis ang naging pagkalabog ng dibdib ko sa naging tanong niyang iyon. Sa kabila ng kakaibang pakiramdam ay pinili kong tawanan siya at umastang normal lang ang tanong niyang iyon.
"Masiyadong mataas si Sir Dashiel para pangarapin, Maricel. Alam ko kung saan lang ako nababagay."
Kahit na ang totoo, may kung anong kuryente ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya dahil ngayon ko lang naman naramdaman ang ganoon.
Kahapon, nang sabihin niyang natutunaw siya, hindi ko alam kung ano ang dapat isagot. Siguradong ang pagtitig ko sa kanya ng ilang beses ang tinutukoy niya. Nakaramdam ako ng matinding pagkahiya noon sa kanya. Mabuti na lang at nagbukas ng tema si Aling Josie kung kaya nawaglit sa akin ang atensyon niya. If he continued staring at me for a little longer, I might be the one who melted.
"Sabagay. Tsaka imposible rin naman na magustuhan ka niya dahil masiyado kang makaluma. Halata naman kay Sir Dashiel na modernong babae ang mga gusto," natawa siya. "Kagaya ng mga babae sa Maynila."
"Kaya imposible rin na magustuhan ka niya dahil hindi ka isang Manileña."
Ngumiwi siya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi malabo. Kung umasta naman ako ay para rin akong taga roon."
Natawa ako, hindi sinasadyang magtunog nangaasar.
"Huwag mong pilitin, Maricel."
Isang irap pa ang natamo ko mula sa kanya. Natawa na lang ako at isang beses na umiling. Ibinalik ko ang tingin sa notebook at muling nagbasa.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...