Kabanata 7
Nakaupo sa damuhan katabi ang mga alaga kong bulaklak, walang humpay ang pagtapik ko sa aking binti dahil sa paulit-ulit na pagkagat ng mga lamok. Huminga ako ng malalim, nakapanga-lumbaba habang nakatingin sa mansyon ng mga Monasterio na tanaw mula rito sa amin.
"Umuwi na kaya siya ng Maynila?" mahinang tanong ko sa sarili.
Tatlong araw na simula nang huli ko siyang makita. Iyon pa 'yung kaarawan ni Mang Abner. Pagkatapos noon ay hindi ko na ulit siya nakita. Maaring wala nga siya diyan.
Pero akala ko ba ay dito na siya maninirahan? Iyon ang sabi ni Mang Abner. O, baka naman nasa loob lang ng mansyon at maraming trabaho?
Napalingon ako sa gilid nang mapansin si Maricel na naglalakad habang nakatungo, nagtitipa sa cellphone niya at malawak ang pagkakangiti. Hindi siya lumingon sa gawi ng bahay namin dahil sa sobrang pagkakaabala roon.
Halatang masaya siya. Si Sir Dashiel kaya ang ka-text niya? Malaki ang posibilidad.
Ibinalik ko ang atensyon sa mansyon at ngumuso. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang eksenang nakita ko sa kusina kung saan magkadikit sila at tila maghahalikan. Kung hindi pa ako maalis, malanang ay nasaksihan ko rin 'yon. I don't think I would still choose to stay there and watch them... kiss.
"Oh, Dreya! Nasaan na ang tubig?" si Emilee nang makabalik ako sa mesa.
Malakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may punyal na tumusok rito. Kinagat ko ang aking labi at naupo sa harap niya.
"W-Wala na kasing tubig roon." pagsisinungaling ko.
Kumunot ang noo niya. "Huh? Paanong nangyari 'yon?"
Hindi ako nakasagot agad. Matindi ang pananaig ng kirot sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"Huy, Dreya! Paanong wala ng tubig roon?" ulit ni Emilee.
"Ano k-kasi..." Lumunok ako. "Naubos na ata—"
Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang matanaw ko ang paglabas ni Maricel mula sa entrada ng mansyon, bahagyang nakasimangot ang mukha. Padabog pa itong bumalik sa mesa namin at nilagok ang baso ng lambanog.
"Hinay-hinay!" natatawang wika ni Emilee.
Sunod kong nakita si Sir Dashiel na papalabas ng pintuan. He suddenly stopped there, leaned his shoulders against the wall and anchored his eyes on my direction. Agad akong nagiwas ng tingin at tumayo na.
"Mauna na ako sa inyo. May pasok pa kasi ako. Salamat."
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at tinalikuran na. Before I finally went out of the place, I glanced at Sir Dashiel and saw him staring at me, raising his eyebrow a bit. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanya at nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng bakuran.
Kung hindi pa ako tinahulan ni Browny ay hindi pa ako makakabalik mula sa pagbabalik tanaw ko.
"Bakit, Browny?" matamlay kong tanong na sinagot lang niya ng isang tahol at agresibong pagkawag ng buntot. "Masakit ba ang tiyan mo?"
Muli ay tumahol siya. Bumuntong hininga ako.
"Sige. Sasamahan kitang magbawas."
Nakaugalian niya na 'yon. Gusto niyang kasama niya ako sa tuwing magbabawas siya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kasama pa ako. Wala naman siyang tali at malayang gawin ang gusto niya.
"Nay, padudumihin ko lang si Browny!" pasigaw kong paalam dahil nasa likod bahay siya at naghahanda ng para sa hapunan.
Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Nagsimula na akong maglakad na agad namang sinundan ni Browny. Pasadao ala-singko na ng hapon, kulay kahel na ang langit at ang mga ibon ay nagkalat na sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In Sirao
RomanceAdrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve it. In short, she's a strong and independent woman despite being financially challenged. When Dashi...