Kabanata 9

60.6K 2.7K 590
                                    

Kabanata 9

Mula sa paghihila ng kalabaw ay huminto ako at pinahid ang pawis sa noo gamit ang likod ng aking palad. Heat licked at my sunburned face and coiled around my limbs like a great hot-blooded serpent. Mabigat na ang mga bota ko dahil sa putik kaya naman medyo hirap na rin ako sa paglakad.

Tiningnan ko ang kubo kung saan naroon ang ilan kong kasamahan. Blush seared through my cheeks when I saw Dashiel standing while talking to Mang Abner. Nakikipagusap man ay nasa akin naman ang paningin niya. He's staring at me like he could burn me through his eyes. They look so dark even if we're under the scorching sun.

Ako na ang nagbawi ng tingin at itinuon na lang ito sa pagaararo. Nakatoka akong gawin ito ngayon dahil wala sila Nanay at Tatay. Kinailangan nilang bumisita ng Badian para bantayan ang ina ni Tatay na may sakit ngayon. They will be staying there for three days. Ako muna ang gagawa ng ilan sa trabaho nila sa palayan kung wala naman akong pasok.

Kulang isang oras pa ang itinagal ko sa palayan bago naisipang magpahinga na muna. Naglakad ako patungong kubo. Naroon pa rin si Dashiel, ngayon ay may kausap naman sa cellphone niya. His back was facing me, hand resting on his waist. Saktong pagkarating ko sa kubo ay siyang pagsilip niya sa gawi ko.

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at hinihingal na naupo sa kahoy na upuan. Pakiramdam ko ay doble ang pagod ko ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw. Siguro ay dahil masiyadong tirik ang araw.

Tinanggal ko ang suot na sumblero. Pagkalapag ko no'n sa mesa ay siyang pagsulpot ni Dashiel sa tabi ko. Nilingon ko siya, nakatitig na kaagad siya sa akin. Iniusod niya ang isang baso ng tubig sa tapat ko. Tiningnan ko iyon saglit saka ibinalik sa kanya ang mga mata.

"Salamat..." sabi ko.

Hindi siya sumagot agad. Sa halip ay pinagmasdan niya lang ako, partikular sa aking mukha. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil alam kong halos maligo na ako sa sariling pawis.

"Basa ka ng pawis," aniya. "May dala kang towel?"

Tumango ako. "Oo, naroon sa bag ko. Sandali lang at kukunin ko-"

Asta akong tatayo para sana kuhanin na ang gamit ko nang pigilin niya ang kamay ko at muli akong hilahin paupo sa tabi niya. Taka ko siyang tiningnan. I even look at our hands that look so different together. Sa sandaling pagdidikit ng mga balat namin, pakiramdam ko ay may kung anong kuryente na dumadaloy sa amin.

"Ako na ang kukuha. Which one?"

Suminghap ako, hindi nakatingin ng tuwid sa kanya.

"Iyong k-kulay pink na bag pack." sabi ko at itinuro ang lugar kung saan naroon ang mga kagamitan namin dito.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Dashiel sa kamay ko. I saw him stand up from my peripheral vision. Nang tumalikod na siya para magtungo sa lugar na itunuro ko ay saka ko lang pinakawalan ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan.

Watching his back as he amble meters away from me brought the words that keep on lingering in my head since yesterday.

"Don't mind them, Dreya. It's the other way around."

He didn't tell it straightforwardly but I want to assume that what I think is right. Na baka gusto niya ako, dahil iyon ang sinabi niya. Gusto kong umasa na maaaring ganoon nga. Pero baka ako lang ang nagiisip at nagbibigay ng kahulugan. Baka pinatitripan niya lang ako dahil natutuwa siya sa akin.

Even if I am having doubt towards him, that he might be tripping me or whatever, I still want to defend him against myself. Na hindi naman siguro siya ganoong klase ng lalaki. Na pakiramdam ko, marunong naman siyang rumespeto sa nararamdaman ng ibang tao, lalo na pagdating sa mga babae. Hindi porque galing Maynila ay mangloloko na.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon