Isang oras din ang naging tulog ko. Gano'n pa man ay nagpatuloy ang hikab ko. Antok na antok pa rin ako.
"Apat na oras pa hija...Mahahalata sa'yong inaantok ka pa." Medyo natatawang aniya.
"Ang totoo po, natutuwa po ako sa tanawin sa labas..." Namamangha kong tugon.
Totoong namamangha ako. Pilit kong nilalabanan ang antok ko para lang malaya kong mapag masdan ang tanawin sa labas. Payapa ang paligid. Maaliwalas ang dulot ng panahon. Tanaw maski ang hindi naglalakihang paru-paro dahil sa mga makukulay nilang pakpak. At maski ang nananahimik na bato ay nagawa kong purihin sa isip. Nababaliw na ata ako. Napailing na lamang ako. Tuluyan na akong naging ignorante at inosente sa mga bagay.
"Naiintindihan kita apo. Kung ang pagtitig sa tanawin ng labas ang magpapasaya sa'yo, kahit paano. Hahayaan kita, Ikaw ang bahala." saad niya saka pinisil ang kaliwang kamay ko.
Ngiti ang naibigay kong tugon kay Nanay. Muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Mas lalo akong na enganyo sa simoy ng sariwang hangin na dumadaan sa mukha ko.
Nagpatuloy ang aming biyahe. Kahit hindi sabihin ni Nanay. Alam kong probinsiya na ang aming binaybay. Nanatiling tahimik si Nanay. Kahit gustuhin ko mang magtanong pa sa mga bagay. Hindi ko magawa. Natatakot ako.
Pinilit kong iwaglit ang mga pangamba ko. Sinimulan kong isipin ang mga maaari kong gawin sa bakasyong ito. Dahil oras na lumipas ang isang buwan na ito. Tuluyan na akong matatali sa pag-aasawa. Kahit kailan hindi ko pa na-imagine ang sarili ko sa bagay na iyon. Handa na nga ba ako?
Muli kong naramdaman ang antok. Sapat na ang ilang minutong pagtitig sa labas na tanawin. Halos maduling na ako. Hindi ko na kayang pigilan pa ang antok. Binigyan naman ako ng permisyon ni Nanay kaya susulitin ko na ang tulog para sa iilang oras pang biyahe.
Nagising ako sa tuluyang paghinto ng makina ng sasakyan. Pagbaling ko sa labas ay umuulan.
"Narito na tayo Claribel..." Agad kong ibinababa ang bintana ng sasakyan.
Hindi ako tumingin sa gawi ni Nanay. Nanatili ang paningin ko sa labas. Bakit ganito ang hitsura ng lugar na ito? Masyadong layo layo ang mga bahay. Tahimik at wala halos bakas ng maingay at masasayang mamamayan.
"Bakit po gano'n nay? Bakit sobra po atang tahimik?" Nagtatakang tanong ko.
"Umuulan apo, ano ang inaasahan mo? Ang manatili sila sa labas? Gayong mayroon namang bubong ang kanilang bahay upang masilungan." Aniya.
Napayuko ako sa pagkapahiya. Tama si Nanay, Marahil umuulan nga kaya siguro tahimik ang lugar at walang lumilikha ng ingay. Malayo sa inaasahan kong datdatnan na probinsiya.
Nasa harap kami ng mataas na bahay. Ang bakod ay napapaligiran ng mga gumagapang na halaman na may bulaklak. Ang gate ay kulay pilak. May mga nakahulmang hindi pamilyar na kasulatan dito.
Higit na malaki ang bahay namin dito. Ngunit nang makaalis kami doon ay hindi ko na nagawang titigan pa. Hindi ko na maatim makita pa ang bawat istruktura ng bahay na iyon.
Tahimik kong tinitigan ang bahay. Habang si Nanay ay patuloy na inaasikaso ang mga gamit namin sa compartment. Imbis na tulungan ko siya ay napako ang kaisipan ko sa lugar na ito. Iba ang pakiramdam ko sa hindi malamanh dahilan. Ngunit bakit? Hindi ba't narito ako upang magbakasyon at magliwaliw?
Inayos ko ang sarili ko. Pinakatitigan ko pa ang kapaligiran. Tumila na ang ulan para sa tahimik na hapon na ito. Tanaw ang downtown hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
"Lubos ko pong ikinagagalak na mabatid ang pagbabalik ninyo, Madame." Kaswal na tinig ng isang lalaki.
Hinarap ko mula sa likod si Nanay. Mahihimigang pormal na kausap ang isang lalaking mukhang nasa mid 40's. Madame? Pati ang mga tao dito pormal kung makitungo.
Lumingon si Nanay sa gawi ko. Bahagya itong tumalikod nang mapgatantong nakatingin ako sa gawi nila. Humina na rin ang naging usapan nila dahilan para wala akong marinig at maunawaan.
Maya maya pa ay umalis na ang lalaki at bahagyang yumuko. Siguro'y pagbibigay galang. Marahil Madame ang naging tawag niya kay Nanay. Ano ba ang katungkulan ni Nanay sa lugar na ito?
"Mainam pa't tumuloy na tayo apo," kaswal na sambit ni Nanay.
Tumango ako at sa huling pagkakataon ay pinasadahan ng tingin ang tahimik na labas. Ang lungkot ha!
Tuluyan kaming nakapasok. Sa pangunguna ni Nanay. Ay hala jusko! Ang tahimik sa loob! Malayo sa inaasahan kong may mga katulong na sasalubong sa amin upang asikasuhin kami maging ang mga gamit namin. Bakit gano'n? Ibig sabihin kami lamang ni Nanay ang tao dito?
Tahimik si Nanay. Mukhang walang balak magpaliwanag sa akin. Marahil hinahayaan niyang ma-realize ko na kung ano ang nakikita ko ay iyon lamang at wala ng iba.
Malinis ang bahay. Paano napapanatili ang kaayusan nito gayong wala namang umo-okyupa? Napansin ko ang mga malalaking litratong nakasabit sa malamyang kulay berdeng dingding. Naroon ang litrato ni Nanay, Tatay, Si tito, ang panganay na kapatid ni Mama. At sa huli ay si Mama. Mayroon ding isang litrato nilang magkakasama.
Sana all.
Pinatuloy ako ni Nanay sa isang kwarto. Nabanggit niyang kwarto pala iyon ni Mama noong dalaga. Nakakamangha ang istruktura nito. Malinis at talagang maayos. Kumpleto ang kagamitan para sa isang matatawag na kwarto, Malaki rin ito at halos kasing lawak ng kwarto ko sa Manila. Naroon ang Walk-in closet na bagamat mahahalata ang kalumaan sa nagdaang panahon ay maayos pa din. Gawa ng bagong kulay nito. Sakto ang bintana tulad ng tipikal na bintanang kinahihiligan kong pag dungaw.
Kakatwang isipin na namamangha ako sa kwarto ng aking ina. Gayong hindi ko man lang siya nasilayan at nakilala. Kumusta ka Mama? Binabantayan mo kaya ako? Nagagalit ka kaya papa sa hindi niya pagtrato ng maayos sa akin? Nakikita mo kaya ang mga pinagdaanan ko?
"I'm sorry Mama! I'm really sorry. I couldn't even blame Papa for choosing not to be with me. 'Coz after all! you're his first Love. Maybe if we both stayed alive, maybe he could've love me the way he loved you Mama..."
Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng iyak. Hindi ko maiwasan makaramdam ng insecurities sa sarili ko. Hindi ko mapigilang pagduduhan ang kahalagahan ko. Dahil sa mundong ito hindi kailan man magiging sapat para sa akin ng may nagmamahal lamang. Kailangan ko din ng pamilya at tuturing sa akin bilang parte ng pamilya.
***
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...