Paradise: Twenty Nine

80 58 5
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan na pananatili ko sa hinaharap na panahon. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa CTR kasama madalas si Yumine at Kianna.

Ilang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang hindi ko naging pagdalo sa semis sa volleyball. Si Kianna ang kumausap sa buong team. Nang sumunod na araw ay sinubukan ko ring ipaliwanag ang tunay na nangyari. Mabilis na naintindihan ni Coach. Nagalit pa siya sa mga staffs sa complex dahil dapat daw ay hinatid nila ako sa arena matapos kong nakuha ang jersey ko.

Ang ilan sa mga team mates ko ay naintindihan ang nangyari. Ngunit karamihan ay pilit pinaniwalaan ang mga nasa isip nila na layunin ko lamang silang ilaglag. Natalo sila sa semis kaya hindi nakapasok sa finals ang Ring Mountain Lady Spikers. Higit akong nakaramdam ng guilt sa sarili ko. Kaya naman ginawa kong diversion ang pagtatrabaho sa CTR. Madalas akong hatid-sunod ni Railey. Sa mga nagdaang araw ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa.

"Ihahatid ka ba ni Railey bukas? sabay na tayo... Pahatid tayo kay Toni," ani Kianna.

Bukas ay may training kami. Naging official player na ako ng RMLS. Ngunit para lamang sa taon na ito. Graduating na si Kianna at huling taon niya na upang maglaro. Tuluyan nang gumaling ang injury niya kung kaya't balik laro na kami.

"Alright... I'll inform Rai," pagsang-ayon ko.

Dumiretso na kami sa CTR. Nag commute lang kami ni Kianna. Masyadong naging busy si Yumine sa pagtatrabaho bilang president ng CTR. Aniya'y lubos niyang kailangan ng pera para sa pag-aaral niya ng Doctoral. 4 years ang kailangan niyang gugulin. Gustuhin man siyang tulungan ni Railey ay pilit siyang tumatanggi sa offer ng kapatid. Hindi daw magandang tingnan at lubos siyang nahihiya sa maaring sabihin ng mommy ni Railey sa kaniya.

"Great day, ma'am! CTR at your service!" masayang bati ko sa customer.

Magiliw na ngumiti pabalik ang babae. Iginiya ko siya papasok upang makalibot ng mga bagay sa loob ng store.

"Ikaw siguro ang model ng store n'yo 'no?" she suddenly asked. Napalunok pa ako sa tanong niya.

"Uh, hindi po..." pagtanggi ko.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa model na kaniyang nabanggit.

"Well, no doubt. Kahit hindi brand news ang mga available sa store n'yo, patuloy pa ring tinantangkilik. The customers continue to came back and forth," aniya habang patuloy na nagtitingin ng mga gamit.

I tried to figure her out. She looks so elegant. high reach personality and professional. I guess, she's in the middle of 20s-30s.

"You're right miss," ngiting tugon ko.

Nagpatuloy ako sa pag guide sa kaniya. Hanggang may napili siyang isang furniture. Couch cover 'yon. Brand new ang nakuha niya. Agad ko siyang iginiya sa counter.

"Lexi, counter na si Ma'am... lead her please?" tumango si Lexi at iginiya ang babae sa counter.

Nag entertain pa ako ng ibang customers. Patuloy ang pagpasok nila. At tulad ng karaniwan, karamihan sa mga ito ay estudyante mula sa malapit na academy sa amin.

"Miss, Claribel?" nilingon ko ang tumawag sa akin.

Ang customer ko kanina. Tapos na siya at balot na mula sa counter ang item na nabili niya.

"Yes po ma'am? need something else?"

"No, nothing. I just ask your name from the counter girl. I'm an magazine model assistant manager, I've seen your personality and I like it a lot." nakangising aniya.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon