"Thank you Coach..." sabay abot ko sa nakalahad nitong kamay.
"See you tomorrow, Del Asuncion,"
Muli pa akong tumango dito. Pinaglaanan at muli kong nilibot ang kabuoan ng sports gym. Ito ang unang araw ng physical training ko, kaya't masasabi kon, isa itong nakakapagod na araw para sa akin.
"Lunch muna tayo, Claribel..." ani Railey sa gilid ko.
Tama ba ang dinig ko? ganda pala ng pangalan ko 'pag gwapo ang tumawag! chos! ang jarot ah!
"Sure, tara!" agad akong sumunod sa likod niya.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga matang nakamasid sa amin. Karamihan pa rin sa mga 'to ay ang mga babaeng volleyball players at mga gymnastics. May mga nakanganga pa at halos tumulo na ang laway kakatitig kay Railey.
Ukitnayo ni ubeng, sarap n'yong bangasan!
Half-run ang ginawa ko para maabutan si Railey. Mabilis kasi ang lakad nito. Napapangiti na lang ako 'pag namamalayan niyang mahaba ang distansiya namin. Lilingon ito sa liko, saka papameywang na maghihintay sa 'kin. Bagalan mo naman kasi!
Muling namutawi ang katahimikan sa pagitan namin sa loob ng celton n'ya. His jaw clenched a bit. His broad shoulder flex a crisp movement when he started the engine.
Hindi ko makalimutan ang mga nangyari sa loob ng physical training center kanina. Ang biglaang pagsulpot n'ya. Ang pagpuna niya sa lalaking lumapit sa 'kin kanina. Nag-init ang pisngi ko at bahagyang napangiti.
Eh? what was that all about, Clar?
"Napagod ka ba?" tanong niya nang hindi lumilingon sa gawi ko. Nakakunot ang noo nito at diretsong nakatitig sa daan.
"Medyo. Natagal tagal na rin kasi no'ng huli akong sumabak sa training..."
"I see... Saan mo gustong kumain?"
"Ah, kung saan na lang malapit."
True enough. Mabilis niyang pinarada ang sasakyan sa tapat ng isang resto. Malaki ang katagang pangalan sa tuktok ng bubong nito. 'Grilled Phantom'. Sa labas pa lamang ay kumalam na ang sikmura ko sa gutom at bango ng mga pagkain na nagmumula sa loob.
Dire-diretso kaming pumasok at pumwesto sa glass wall.
"Dito na lang tayo."
"Sige,"
Magiliw kong pinagmasdan si Railey. Pakiramdam ko'y may bago sa kaniya. Mukhang nasa mood ito ngayon dahil masyadong marami ang nailababas na salita sa bibig.
Tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong order-in. Mabilis ko naman itong pinaunlakan. Sa huli, ay pinili ko ang best seller nilang spicy chicken sisig at regular rice. Nagulat pa 'ko nang agad niyang binalik ang menu list sa waiter at sinabing same order na lang kukunin niya.
Hindi nagsisi ang panlasa ko, dahil satisfaction ang tangi kong naramdaman matapos naming kumain. Ang sarap ng dishes nila at payapa pa ang ambience ng resto.
Dumiretso kami palabas. At gaya ng dati, ay nauuna muling maglakad si Railey. Nanlaki ang paningin ko nang matanaw ko sa malayo ang isang lalaking pamilyar sa aking paningin. Diretso itong nakatingin sa akin na may ngisi sa labi. Teka, sino nga siya?
"Lance?" tama, si Lance nga.
"Who?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Railey, nanatili ang paningin ko Lance. Mabilis itong pumanhik sa likod ng railings ng hagdan, hindi kalayuan sa amin. Mabuti pa, itanong ko na lang kay Yumine kung bakit lumiban si Lance sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...