Paradise: Six

305 198 24
                                    

Sinilip ko ang orasan. Hala! Ala una na ng madaling araw. Ayos na ang mga gamit ko at nakahanda na. Ngunit maingat na pinaalala sa akin ni Nanay na maaga ang aming biyahe. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iba ang naging epekto sa akin ng wine, marahil nanibago ang katawan ko sa biglaang pag-inom non. O 'di kaya dahil sa mga naging usapan kanina sa ibaba.

Nagising ako sa paulit-ulit na katok sa pinto. Nagmadali akong lakarin at buksan ito. Napahawak ako sa nananakit kong ulo. Ano bang nangyari dito?

"Nanay..." Sambit ko nang mapagtantong kanina pa siya nakakatitig sa akin.

"Ilang oras ang naging tulog mo?" Tumuloy siya sa kwarto. Pinasadahan ng tingin ang gamit ko.

"Ang alam ko lang po ay magpa hanggang ala una ay gising pa ako..." Nakayuko kong saad.

"Ano pa ang hinihintay mo Claribel, kumilos ka na at gumayak! Hindi ko nakalimutang ipaalala sa'yong maaga tayong aalis." Hasik na aniya.

Doon ko lamang napansin na nakagayak na si Nanay. Suot ang tipikal na damit pang alis. Maaga pa sa maaga.

"Opo nay, paumanhin po," tumango ako sa kan'ya bago sinuyod ang daan papuntang CR. Hindi ko alam kung mananatili ba siya dito sa loob upang hintayin akong matapos. O talagang nagpunta siya para gisingin ako kung sakaling nakahilata pa ako.

Mabilis kong tinapos ang pagligo dulot ng hiya ko kay Nanay. Ganon ba kalayo ang probinsiya nila ni Mama para bumiyahe ng ganito kaaga? Siguro nga. Nakagat ko ang labi sa sariling pagtanto.

Sinuot ko ang lumang pantalon ko na maluwag sa dulo. Matagal nang nauso ang ganitong disenyo ng pantalon ngunit umuso uli sa modernong panahon kaya ganito ang naging tipikal kong pormahan. Ginawa kong partner nito ang oversized maroon shirt mayroon ako. Tamang tuck-in ang style. Ginamitan ko rin ito sinturon na itim nang sa gano'y akma akma ang postura.

Pagkalabas ko ng CR ay maayos na ang aking suot. Wala na doon si nanay. Mukhang tama nga ang inisip kong pinuntahan niya lamang ako para gisingin at pagsabihan.

Napansin kong wala na rin doon ang mga sininop kong gamit na dadalhin. Marahil kinuha niya na iyon upang ilagay sa compartment ng pag-aari niyang kotse. Siy rin kasi ang magmamaneho ng aming sasakyan. Hindi na siya nag-abalang humiran ng tauhan ni papa para ihatid kami. Mainam na iyon para mas komportable ako at manatling pribado ang pag-uusap namin ni Nanay.

"Claribel hija. Narito na ang iyong agahan..." Hindi ko napansin ang pagpasok ni Ate Lucy

"Ikaw pala 'yan ate Lucy. Maraming salamat po," ginawaran ko siya ng ngiti. Hindi ko alam kung bakit mapapansin ang lungkot sa kilos ni Ate Lucy. Dapat nga ay ikatuwa niya iyon dahil isang buwan ako mawawala. Isang buwan siyang walang aalahanin hatiran ng pagkain.

"Napakabilis naman talaga ng panahon. Ano?" Sambit niya habang maluha-luha akong pinagmamasdan.

"Ikakasal ka na, magandang dilag ng palasyong ito. Ikakasal na ang alaga ko..." Marahil nagsilbli niya na rin akong alaga dahil sa tagal ng panahon niyang paninilbihan sa akin.

Naiiyak man ay lumapit ako upang hagkan si Ate Lucy. Hindi namin gawain ang maging bulgar sa isa't-isa, dahil tulad nga ng nabanggit ko. Napaka propesyunal n'ya.

Matagal pa ang naging moment namin ni Ate Lucy. Waring sinusulit ang pagkakataon namin upang makapag-usap. Panandalian niyang inalis ang taray sa mukha at naging kalmado. Sa pagkakataong iyon ay lalong sumilay ang natural na ganda mula sa kanya. Nasa middle 30s pa lamang si Ate Lucy. At alam ko lamang ay wala pa siyang asawa.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon