Paradise: Seventeen

131 98 6
                                    

Mabilis din akong dinalaw ng antok matapos mismo ako ihatid ni Railey. Kinusot ko ang mata ko nang maramdamang marahang gumalaw ang higaan.

Nadatnan ko si Kianna na titig na titig sa'kin habang nakakunot ang noo nito. "Bakit?" Mabilis kong tanong saka sumandal sa head board ng King size bed.

Agad s'yang umiling saka umiwas ng tingin.

Bumaba ako sa higaan, saka tiningnan ang oras. 8:20 na pala. Mahaba-haba din pala ang naging tulog ko.

"Kararating ko lang...They're waiting for us. Dinner are already prepared na sa rooftdeck." Tila pagod na pagod n'yang saad.

"Let's Go then..." Saad ko. Ayoko maging sound na gutom at sabik sa pagkain, pero nahihiya ako kay Kianna hinintay pa ata akong magising para yayain.

Tumango siya at nanguna sa paglalakad palabas. Tahimik akong sumunod, ngunit gulat na huminto nang bumaling siya sa'kin paharap habang hawak ang door knob.

"You look familiar to me...I d-don't know? but I guess, I've seen you before? Or we met out of nowhere?" Nag-aalinlangan n'yang utas.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Malabo iyong mangyari, Magkaiba kami ng panahon na pinanggalingan. Ngunit maaring nasambit niya 'yon dahil sa paniniwalang saad ng mga tao, na sa mundong ating ginagalawan, pito ang ating kamukha at hindi nalalayong hitsura. Kung kaya't hindi ko na lang din s'ya kinontra. Maaaring isa sa pitong iyon ang nakasalamuha niya na before. At nakita niya sa mukha ko.

"Ah...Nevermind, let's Go!" Anyaya n'ya. Tumango ako.

Pagkadating naman sa roofdeck ay nakahanda na nga ang lahat. Naroon na rin ang TV sets para sa karaoke na nabanggit nila kanina. Ang mata nila ay nakatuon sa'min, animong naiinip na dahil pinaghintay namin sila. Tumango naman si Toni sa'kin saka pinakawalan ang walang papantay na ganda sa mga ngiti niya. Nakabusangot naman ang magkapatid at matamang nakatitig sa'min ni Kianna.

"Akala namin, do'n na kayo naghapunan..." Malungkot kunwaring wika ni Toni saka tumayo at dinaluhan kami. Inayos niya ang upuan at sinenyas na doon ako maupo. Tiningnan ko si Kianna na hanggang ngayon ay kapansin-pansin ang pananahimik.

Dumiretso s'ya kay Yumine na nakataas ang kilay at prenteng nakatitig sa Jowa.

"You didn't answers my calls and any of my texts," kaswal na bungad ni Yumine.

Lahat ng mata namin ay nakasunod kay Kianna sa magiging tugon nito. Umupo ito sa tabi ni Yumine saka kumuha ng pair of chopsticks at nilantakan ang fried siomai.

"Ano ka ba, kilala mo naman si Coach. 'Pag dalawa hanggang tatlo ang absent sa training, doble ang oras ng practice..." Tugon n'ya habang tuloy ang pag-nguya ng pagkain.

"Ikaw 'tong naging busy this past few days, pero hindi mo nagawang lumiban, tapos 'yung mga team mates mo, walang takot kung um-absent!" Wika ni Yumine.

"That's what exactly is the issue. Mukhang may aalis na dalawang team members. Badtrip si Coach, even our team captain is not yet oriented. Actually, sa kan'ya lang kami naghihintay ng announcement, Pero wala din kaming makuhang infos. I tried to approached her this early. Pero parehas kaming nasigawan ni Coach no'ng makita kaming nag-uusap. Malungkot niyang paliwanag sa'min.

Humilig sa kaniya si Yumine matapos matinigan ang saad ni Kianna. Habang si Kianna ay dahan-dahan na lamang pinagpatuloy ang pagkain.

"A-ano ba yan Kians! 'Wag mo ngang dalhin ang problema mo dito! Kumain na tayo..." Gulat kaming lumingon kay Toni, Patay malisya naman itong nakipaglaban sa mga titig namin.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon