"Kababata siya ni Rai at Yumine," ani Kianna.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga titig ni Railey. Nanatili ang makinis na braso ni Sity sa kaniya.
"Check in na tayo, para tuloy-tuloy na sa beach party mamaya!" anyaya ni Toni na sinang-ayunan ng lahat.
"Oh, Narineth and Railey, 'wag muna magsama sa isang kwarto ah?" asik ni Kianna.
Napalunok ako sa narinig. Ramdam ko pa rin ang mga titig ni Railey sa akin. Nanghina ang tuhod ko sa mga sandaling 'yon. I knew from that moment, talo ako.
Hinintay ako sa paglalakad ni Toni. Samantalang nauna na sila Kianna. "Surfing tayo later, what do you think, honey?" malawak ang ngiti ni Toni. Bahagya pang nasisinagan ang mata niya ng tirik ng araw dahilan upang lalong ma depina ang magandang mata niya.
"Sure, you'll teach me how, then..." sinikap kong maging normal ang tono ng pananalita.
Kinurot ni Toni ang pisngi ko. Saka walang pag-aalinlangang umakbay sa akin.
"Matatanggihan ko ba naman ang mahal ko?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Napa ubo si Toni nang ma realize ang huling sinabi. Nakagat niya ang labi saka napaiwas ng tingin.
Naging tahimik ang paglalakad namin habang tinutunton ang daan patungong hotel. Walang salitang namutawi sa amin ni Toni. Masyado kaming napalayo sa distansiya ng lakad ng mga kaibigan naming nauna na. Hindi naman magawang mapalis sa isip ko ang mukha ni Railey at ang braso ni Narineth sa kaniya.
Ano bang problema ko? Hindi ko rin alam... From the very first place, hindi ko alam ang pakiramdam. I can't describe how ought I used to be right now. It isn't me anymore.
Nang tuluyang kaming makarating sa suite ay mabilis naming nilapag ang mga gamit. Si Kianna ang kasama ko sa isang kwarto. Si Yumine at Narineth naman anila' ang magkasama sa kabila. At si Toni, Railey at Ford sa dulo.
"Arrgh, kapagod 'no? tulog muna tayo, saka tayo bumaba..." Bakas ang pagod sa boses ni Kianna nang tuluyan niyang ibagsak ang katawan sa kama.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at nilagay sa walk-in closet. Naligo rin muna ako at nagbihis. Nadatnan ko ang tulog na tulog na si Kianna. Nilakad ko ang distansiya patungong pinto nang may kumatok dito.
Laking gulat ko nang makita si Railey sa pinto at seryosong nakatitig sa akin. Sinilip niya si Kianna. Saka inabot sa akin ang shoulder bag ko.
Bumaba ang tingin ko nang maalala ang braso ni Sity sa kaniya kanina. Magkababata sila, at kailan niya lang ako nakilala. Siguro ganito talaga sa hinaharap na panahon. Masyado lang siguro akong nag a-assume sa pagitan namin ni Railey. I guess, he's already taken. Our friends, knew about it. They can even prove it.
"Can we talk?" malamig na aniya.
Muli kong sinilip si Kianna. Masarap ang tulog nito at nakataas pa ang dalawang braso sa ulo. Marahan akong tumango kay Railey, kahit 'di pa man ako sigurado. Maybe this will be the time. I should ready myself. Maybe, he'll tell me about on what exactly are between them.
Huminga ako ng malalim bago siya sinundan patungo sa hallway ng suit, kung saan walang anino ng kahit sino. Ang yapak ng mga sapatos namin ay lumilikha ng echo sa loob. Tanging mga halaman lamang ang umo-okyupa sa hallway. Huminto siya sa isang bench saka ako pinaupo.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hinaplos ang braso ko. Bahagya akong kinalibutan doon. Tinitigan niya ang mata ko pababa sa labi ko. Saka nagpakawala ng malalim na hininga.
"What is it?" halos pumiyok ang boses ko nang sambitin iyon.
"About earlier..." tumango ako upang bigyan siya ng pagkakataon na magpatuloy.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
Fiksi PenggemarEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...