Paradise: Eleven

200 132 2
                                    

Napasinghap ako ng hangin. Waring nagtitimpi sa pagpapakilala niya sa pangalan.

Kianna, huh?

Hindi ba naisip nito na ang pagkakakilalan niya ang nais kong malaman at hindi ang pangalan niya lamang. Tss.

Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Dumako doon ang paningin ko. Inaasahang si Nanay ang makikita doon, ngunit hindi. Nakikita ko sa peripheral view ko na nananatili ang tingin sa akin ni Kianna. Habang ako ay napako ang paningin sa babaeng pumasok mula sa pinto.

"Kianna Madrigal! Ano gaga ka. An'yare sa'yo? ha? ayos ka na ba? Aba naman 'no! Iba ka din. Hindi namin alam kung tinatakasan mo lang kami sa CTR. Arrrghh! you're so fetch! Ang sakit mo sa ulo!" Tuloy-tuloy na sigaw nito. Wews! Lakas ng boses.

"Oh!" Turo sa akin ni Kianna nang hindi nililingon yung isang babae.

"Ay! newest recruit mo 'te? bakit nakahilata?" baling nito sa akin.

"Hi, I'm Yumine Andrei..." Ngiwing pagpapakilala nito.

Yumine? Ayos ah.

Napatingin ako kay Kianna.

"And you are?" tanong ni Kianna. Animong naiinip. Isa-isa niyang pinatatalon ang mga daliri niya sa braso. Kanina ko pa kasi hindi sinasagot ang tanong niya.

"Claribel Jaide..." Balak ko sanang sabihin ang buo kong pangalan. Pero dahil nalilito ako sa lahat ng nangyayari. Hindi dapat ako magpakampante sa mga taong nasa harap ko.

Bumuntong hininga si Kianna. Saka Bumaling kay Yumine na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Kinikilatis ata ako.

Mga gaga. Ako nga dapat kumilatis sa inyo. Hindi ko kayo kilala.

"Bakit ako nandito? at ano ang ginagawa niyong dalawa dito? Si Nanay, nasaan ang Nanay ko?" pag-uusisa ko. Bahagya kong itinaas ang kilay ko. Nilalabanan ang mga titig nila.

"Mama's girl with hoodie, huh?" Ngisi ni Kianna.

"I was driving yesterday. I'm on my way to CTR..."

Seryosong saad ni Kianna. Saka bahagyang lumingon kay Yumine. Tumango naman si Yumine aat sinang-ayunan ang kasama.

"I should've been with my friends. The traffic made me suffer from streets. So I decided na umikot ng direksyon para iwas traffic sa pasay. Madilim na at masikip ang tinahak kong daan. I'm almost one hour late. When I was in the middle of the narrow road. I saw you there unconscious." Tuloy tuloy na paliwanag nito. Waring inaalala ang mga nangyari kagabi.

"Did you just say Pasay?" Nalilitong tanong ko. Ang huling naaalala ko ay nagpunta kami ng probinsiya ni Nanay para sa isang buwang bakasyon. Pati ang misyon ko ay malinaw na nagpoproseso sa akin. Ngunit kung nangyaring bumalik kami ng maynila ay hindi ko alam.

"Yep, pasay. We actually live there," Tatango tangong saad ni Kianna.

Kung ganon Ikakasal na ako? Napapikit ako sa naisip.

"Hey, you okay?" Tanong ni Yumine.

Sumasakit ang ulo ko. Nasaan na ba si Nanay?

"By the way, can you lend me your contact with your family. So I could Notify them with your situation right now. I ask the doctors with your things. But they can't find any single stuff that is important. You just have your umm.. Hoodie,"

Hoodie? Kailan ko sinuot ang hoodie ko? Bakit ba wala akong maalala?

"I don't have mobile phones..." Mahina kong saad. Umawang ang bibig ng dalawa. Animong big deal ang hindi pagkakaroon ng bagay na iyon.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon