Paradise: Thirty One

104 66 11
                                    


"E, bakit ka nandito ngayon? akala ko ba ba-biyahe ka papuntang olangapo para doon?" tanong ko kay Toni.

"Hindi na, pinasabay ko na lang kay Tito Craig. Umuwi kasi siya dito sa manila." I nodded.

"Deal na, Claribel. Maaga tayo mag shopping bukas!" Kianna uttered. Tumango na lamang ako.

Kaya kinabukasan ay tinupad ko ang pagsang-ayon ko sa kanila. Maaga kaming nagtungo sa sikat na Mall sa maynila. Naglibot kami. Ilang beses pa akong namangha na tila ignoranteng tao na ngayon lang nagkaroon ng tiyansang maka apak sa mall.

Panay ang yaya ni Kianna na kumain muna kami dahil todo ang reklamo nito na gutom na siya.

Huminto kami sa isang classic restaurant. Kita sa glass wall ng resto ang dami ng tao sa loob. Dito nila pinili dahil anila'y miss na miss na daw nila ang mga best sellers na pagkain dito.

"Ako na oorder, hanap kayo ng spot natin..." untag ni Kianna.

"Here's my card. Use mine, libre ko," sabay lahad ko ng card ko.

Sa mga nagdaang buwan ay lubos kong ikinagagalak ang pagkakaroon ko ng sapat na ipon mula sa pagtatrabaho ko sa CTR. Minsan ko na ring nabanggit na bubukod na ako ng unit sa kanila. Ngunit hindi sila pumayag sa ideyang iyon. Malaki ang space ng condo nila. Kaya sa huli ay napagpasyahan naming maghati-hati na lamang ng gastusin.

The guilt never leave mo, tho. Hanggang ngayon ay wala silang alam tungkol sa akin. Ang alam lamang nila ay hindi pa rin lubos na bumabalik ang ala-ala ko. Sometimes I doubt. Medyo kaduda-duda na rin kasi ang kalagayan ko. I wonder if they notice it for some point.

"Alright," tinanggap naman ito ni Kianna.

The last time I offered it. Hindi sila pumapayag that's why I never stop to resist it.

"Tara doon, Clari!" hila sa akin ni Yumine nang may mapansin itong puwesto.

"Bilisan mo! baka may dumating. Maunahan pa tayo."

Mabilis naman kaming nakaupo. Sakto ang bilang ng upuan na nakuha namin. Doon namin hinintay si Kianna para sa Dine in.

Napalingat ako sa wallet ko nang mapansin doon ang isang calling card. Sinipat ko ito at kinuha. Ito 'yung card na offer sa akin sa magazine modeling. Nagkibit balikat ako at binalik ito sa wallet ko.

Ilang saglit ang nakalipas ay dumating na si Kianna dala ang mga order.

Nang matapos kaming kumain ay muli pa kaming naglibot. Hanggang sa nagyaya na si Yumine na mamili na kami ng mga damit na kakailanganin namin sa beach.

Pumasok kami sa mga bilihan ng girls suit. Panay mga stuffs lamang ng babae ang naroon. Malamang, girls suit nga, e.

Panay ang butingting ng dalawa sa mga swim suits na iba-ibang disenyo. Madalas pa nila akong pagtripan at itapat sa katawan ko ang kung anong mapili nila. Panay naman ang iling ko sa mga ito.

"Dali naman na, Clari!" hila sa akin ni Yumine.

Nanlaki ang mata ko nang ilapat ni Kianna ang two piece sa hugis ng katawan ko.

"Bongga! okay! kunin na namin 'to miss!" aniya sa sales lady.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko ma-imagine ang magiging histura ko sa two piece na 'yon. Maganda ang kulay niya. Isang navy blue at masasabi kong babagay sa kulay ng kutis ko. Ngunit hindi ko sigurado kung kakapit ba sa katawan ko ang bagay na na 'yon.

"Call n'yo si Railey. Magtitingin lang ako ng pwedeng mabili para kay Ford," ani Yumine.

Pumanhik ito at tuluyan kaming iniwan ni Kianna sa railings ng 3rd floor sa mall.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon