Unwanted mission
Nagdaan ang ilang araw na pananatili ko sa probinsiya. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis, paghahardina at pamamasyal sa downtown. Madalas akong papuntahin ni Nanay doon kung may ipapabili itong uri ng mga halaman Unti unti ko na din nasanay ang sarili ko sa pagiging tahimik ng lugar na ito. Doon ko napagtanto na hindi ito normal na probinsiya. Pinipili kong manahimik sa tuwing napapansin ko ang kakaibang bagay dito. Alam kong mayroong hindi sinasabi sa akin si Nanay, gayong kitang-kita ko naman ang paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao.
"Teka sandali! Pakiusap hintayin n'yo ko! kausapin n'yo ako...May kailangan akong malaman, pakiusap!"
Nagtutuloy-tuloy sa pagtakbo ang dalawa. Nanatili sa pagbaliwala sa mga sinigaw ko.Wala akong nakuhang tugon mula sa kanila.
Pakiusap! May nais akong malaman.
Hirap na hirap man ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Umaliw ang ulan sa paghihirap na nangyayari sa akin.
Ano ba ang nangyayari?
Huminto ang dalawa. Tumingin sila sa gawi ko. Napansin ko ang pagngiwi ng babae sa kasama nitong lalaki. Waring nagkaunawaan sila.
"Diyan lamang kayo! Pakiusap may kailangan akong malaman! Tulungan ninyo ako pakiusap!" Humahagulgol kong sambit. Desperada na ako sa hindi malamang dahilan.
Sandali pa nila akong tinitigan bago tuluyang tumalikod at umalis. Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha kong walang tigil sa pagdausdos mula sa mga mata ko.
"Hindi! Huwag muna kayong umalis!" Asik ko sa pagsigaw. Tila sa pagkakatong iyon ay hihinto sila para sa akin.
Muli ko pa silang hinanap ng paningin, ngunit wala na sila. Kailangan ko silang sundan!
Tama susundan ko sila!"Claribel gumising ka! Claribel apo," nagising ako sa marahang pagyugyog ng katawan ko.
Nakita ko si Nanay, bagamat hindi ko pa malinaw na naaaninag ang mukha niya ay bumabakas ang pangamba at pag-aalala dito.
"Nananaginip ka apo. Umayos ka at umupo..." alalay niya sa akin.
Kung gano'n ay panaginip iyon? Panaginip ang lahat mula sa una?
"Nasisiguro kong sila muli ang laman ng iyong panaginip." Buntong hiningang aniya.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Anong alam ni Nanay?
"P-paano niyo po nalaman?" Nanginginig na tanong ko.
"Ano po ang alam ninyo sa mga ito?"
"May dahilan ang lahat apo..." Bahagya itong tumikhim. "Kung bakit ka buhay, kung bakit ganiyan ang buhay na mayroon ka at kung bakit wala kang nalalaman sa mga bagay." Malumanay na aniya. Kung gano'n ay may hindi nga ako nalalaman.
Kumunot ang noo ko at lalong nanginig sa kaniyang sinabi.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin? Bakit gan'yan na lamang ho kayo magsalita?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kinakabahan na talaga ako.
"Ako ang nagdesisyon na piliin kang mabuhay." Panimula niya.
Alam ko ang bagay na iyan.
"Ang probinsiyang ito na kinabibilangan namin ng iyong ina ay sumasailalim sa nigromansiya at kaukulang misyon at katungkulan sa buhay. Kung saan... Ako ang namumuno bilang direktor..." Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Walang mapaglagyan ang paghuhumirantado.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...