Madilim ang paligid. Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko. Nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng paligid. Nasaan naman ako?
Natutop ko ang bibig nang maalala ang nangyari kanina. Ang semi-finals!
Hindi ko na alam ang tamang oras sa ngayon. Ang Cellphone ko ay nasa sports bag ko. Nilibot ko ang tingin ko. Nasaan na ba 'yon?
"She's awake," anang baritonong boses ng lalaki.
Napaubo ako sa dami ng usok na pinakawalan nito sa bibig. Ang buong mukha niya ay natatakpan ng itim na mask.
"Anong kailangan n'yo?" kaswal na saad ko. Pinilit kong hindi ipahalata ang takot sa boses ko.
"Ano ba sa tingin mo ang kailangan ko sa'yo?" anang isang boses ng babaeng pamilyar sa akin.
Sa sobrang dilim ay wala akong mahagilap sa kahit isa sa kanila. I'm not even sure, if how many really are them.
"Bakit hindi kayo magpakita sa akin? natatakot ba kayong mabunyag ang baho n'yo?" matapang kong wika.
Umalingawngaw ang halakhak ng isang lalaki.
Rinig ko ang yapak ng isa sa kanila patungo sa akin. My God! Bakit ba hindi pa nila tapusin 'to? Ang dami nilang alam, nasasayang ng bongga ang oras ko. Lagot ako sa team, lagot ako kay coach at nakakahiya kay Kianna.
Napangiwi ako sa hapdi ng anit ko. Puwersahan nitong hinila ang buhok ko ng puno ng dahas. Subukin ko mang hawakan ang ulo ko ay hindi ko magawa. Nakagapos ang mga kamay ko sa isang lubid.
"Alam kong kilala mo ko..." napangisi ako sa sinabi niya.
"Tama ka, kilala nga kita," nabuburyo na ako sa usapan na 'to. Ayaw pa rin nila akong diretsuhin.
"So, I guess you also know kung anong atraso mo sa akin? seryosong anito.
"Tigilan mo 'ko Mav, alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan sa'yo!"
Sabay-sabay silang napahalakhak.
"You're too insensitive that's why... It's just a warning Claribel, isa pang aligid mo sa mga taong importante sa akin..." naghahamong anito.
"Kingina Mav, napakababaw mo! pakawalan n'yo na nga lang ako, may game pa ako!" iritado kong sigaw.
"Uh, you're being confident huh? 'wag ka nang umasa hindi ka magiging bida 'don. I'm pretty sure, sa mga oras na 'to, tapos na ang game." napapikit ako sa sinabi niya.
"Sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang araw at pagkakataon na 'to, Mav."
"At pwede ba? 'wag ka na ring umasa sa mga kinikilala mong kaibigan. Ano bang tingin mo sa sarili mo? espesyal?" natatawang dagdag na aniya, dahilan upang humalakhak ang dalawang lalaki.
"'Di ba may cheerdance ka pa ngayon?"
"Yup, one hour ahead pa so, don't worry... I still enjoying talking with you, Clari,"
"Nagsasayang ka ng oras. Hindi mo ba alam ang halaga ng oras, Mav?" tikhim ko.
I really can't believe her. I don't know her point. Napakababaw. Ano bang kinagagalit niya? 'Yung kay Lexer noong isang araw? Really? I'm not even scared. Noong unang inakala kong kidnap 'to, natakot ako. Pero nang mabosesan ko na si Mav, walang rason para matakot. The only thing that I got scared of, is the game... I wonder kung anong nangyari. Alam kong galit sila sa aking lahat. Lalo na ang team, siguradong paniniwalain nila ang mga sarili nila na nilaglag ko lamang sila sa larong ito.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...