"There's no reason for you to know." Seryosong wika ni Toni.
Napangiwi ang babae. "Is that so, Toni?"
Mas lalong lumaki ang mata ko sa biglaang pagsulpot ni Toni at Yumine sa kusina."Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito Rai?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Yumine. Taas-baba at tusok na tusok ang paningin nito sa babaeng bagong dating.
Napatingin ako kay Rai na seryoso na ang mga matang nakatitig sa babae.
"E-excuse me?" Utal na wika ng babae. "Of course I'm here for Rai..." Lumapit ito at lumingkis ka Rai. Na agad namang inalis ni Railey at iritableng ngumisi ng nakakaloko.
Lunok!
I think, I'm out of place?
Hinampas ni Toni ang dingding ng kusina na siyang ikinagulat naming apat.
Naglakad ito patungo sa babae. "You know what, Mav? Wala kang pinagbago!" Duro nito sa babaeng Mav pala ang pangalan.
Kitang kita sa babae ang pagkagulat at litaw na ang mga namumuong luha nito sa mata. Hindi rin s'ya makakatitig kay Toni na ngayo'y hawak ang magkabilang braso niya.
"The fuck!" Sigaw ni Toni saka binitawan ng marahas si Mav.
"Leave..." Mahinahong wika ni Railey. Napatingin kaming lahat sa kan'ya.
Parang biglang umurong ang sama ng pakiramdam ko na kanina lamang ay halos masuka na ako sa damit ni Railey sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Pero ngayon, nagmistulang gamot sa katawan ko ang mga kasalukuyang nangyayari dito sa pagitan na'ming lima. Hindi ko sigurado kung sangkot ba ako sa pagtatalo nila. Sila lamang ang nagkakaintindihan, Wala akong ideya sa mga usapin nila. Ang tanging alam ko, Dumating si Mav na mukhang na mis-interpret ang nadatnan niya sa pagitan namin ni Railey.
"Can't you hear it?" Ani Toni. Medyo nahimasmasan na ata ito dahil hindi na masyadong nanglilisik ang mata niya sa pagkakatingin kay Mav.
"Leave. Bago ko pa maputol ang middle finger mo... Singit ni Yumine. "Mahinahon pa ako nito, Mav, You know me," Malamig na dagdag niya kay Mav.
Napairap ito kay Yumine saka tumingin sa'kin. Pansin kong mas malala ang naging irap nito at taas-babang sinuri ako na parang nandidiri.
Aba!
"Fine! Next time I'll visit... Isa-isa niya kaming tiningnan nila Yumine at Toni. "I'll make sure na walang mga epal," Saka ito tuluyang tumingin kay Railey at ngumiti ng malawak.
"O! I'll inform Kianna. S'ya ang nagpapunta sa akin here. Sabihin ko na lang na pinaalis n'yo 'ko..."
"See you around, babe." Pahabol niya kay Railey. Hindi s'ya pinansin nito dahil tuluyan na itong bumaling kay Yumine.
"360°. Tss!" Ang akala kong bulong ay nasambit ko pala ng malakas, dahilan para mapatingin silang tatlo sa'kin ng may nagtatanong na ekspresyon sa mukha.
Sobra naman kasing maka-irap 'tong babaeng ito. Halos lumuwa na ang lense ng mata.
"Anong 360°?" Nakakunot na noong tanong ni Yumine.
"Ah, wala..." Ngiwing tugon ko. Kainis ang Mav na iyon.
"Clari...Ayos ka lang? Akala ko nagpapahinga ka na sa mga oras na 'to?" Malumanay na wika ni Toni. Bahagya itong lumapit sa'kin. "Don't mind her, okay?" Saad niya nang mapansin yumuko ako. Ang tinutukoy marahil ay si Mav.
Dumapo ang paningin ko kay Railey. Nakikinig ito sa mga salitang binibitawan ni Toni, na siyang natatanging nagsasalita sa amin.
Hindi nagtagal at lumabas din si Railey. Napansin kong balak pa sana siyang kausapin ni Yumine ngunit tumalikod na ito sa'min nang walang kibong binitawan.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...