"Kapagod..." ani Yumine.
"Oh! bakit ang talim ng tingin mo sa 'kin?" saad ni Toni.
"Kasalanan mo, e. Nagyaya-yaya ka pa sa road trip, road trip na 'yan!"
"Woah! look who's talking...Nakuha mo pang mag reklamo, ikaw ba nag-drive? pagod na pagod ka? e, 'bat ka pa sumama?" 'di makapaniwalang tugon ni Toni.
Grabe talaga silang dalawa. Kahit natatawa na lang kami sa kanila. 'Di pa rin namin maiwasang maaapketuhan, paano't kahit maliit na bagay ay pinag-aawayan nila.
"Ano ba kayo? nag-enjoy tayong lahat kanina. Bakit kayo nagsisisihan sa pagod? wala na ba kayong pwedeng pag-awayan na medyo malalim naman ang dahilan? grabe kayong dalawa!" Kianna sighed.
"Right...You two must get along..." dagdag ko.
Dumapo ang paningin nila sa aking lahat. Sabay-sabay dumapo ang paningin nila sa orasan pabalik-balik sa 'kin. Alas onse na ng gabi. Kadarating lang namin galing road trip. May training pa kami bukas. Shit!
"Oh! no, Clari..." alam ko na agad ang tinutukoy nila.
"Ayos lang, hapon pa naman 'yon. Mababawi ko rin ang lakas ko sa pagtulog. Don't worry," saad ko para mabawasan ang pag-aalala nila.
"Change, now... Magpahinga ka na." Malamig na saad ni Railey.
Tumango ako sa kanila. Naglakad na ako patungo sa kwarto. Ngunit agad ding huminto. Tahimik silang lahat.
"Magha-half day ako sa resale bukas..."
Nagkatinginan silang lahat. What's with them?
"Please?" kumbinsi ko sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang si Kianna at Yumine. Nanatiling tahimik ang boys.
"Alright. Dito matutulog ang boys. Isa sa kanila ang maghahatid sa inyo ni Yumine all the way to CTR. Pero 'wag niyo piliting gisingin ang sarili niyo ng maaga." Ma awtoridad na ani Kianna.
Napatango kaming lahat. Lumipad ang tingin ko kina Railey at Toni. Pareho silang walang emosyon at tahimik.
Mabilis akong naligo. Hindi ko na rin nagawa pang hintayin na matuyo ang buhok ko. Pagod na ako at hinahanap na ng katawan ko ang lambot ng higaan. Muli kong inalala ang nangyari kanina sa road trip. Nawala ang atensiyon ko sa pakikisabay sa kasiyahan ng mga kaibigan ko.
Naalala ko na. Nakakaalala na ako. Kung paano ako nakarating sa panahong ito. On how I sudden summoned in year 2063. Kung paano ako nawalan ng hininga. At kung paano ko naiwan si Nanay sa kasalukuyang panahon.
Alas siete na nang magising ako. Not bad.
Pagkalabas ko ay ligo na ako at bihis, suot ko ang tank top na sky blue at black buttoned short. Nag flat shoe na lang ako.
Dumiretso ako sa kusina. Sinisikmura ako kaya gusto ko munang mag timpla ng hot chocolates. Parang umatras naman ako nang mamataan si Railey na nag-iisa sa kusina. May hawak itong tasa at tahimik na sumisimsim dito. Agad nagtama ang paningin namin. Ako rin ang umiwas.
This past few days. I was intimidated by him. I don't know the reason why. It was just happened.
Klinaro niya ang lalamunan niya. Hindi ko pa rin siya nililingon.
"Ako ang maghahatid sa'yo," aniya. Ramdam ko na ang mga titig niya sa 'kin.
Sa'yo? Kasama ko si Yumine ah.
"Ford fetched Yumine this earlier..." dagdag niya.
Alright, then. I have no choice.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanficEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...