Paradise: Twenty One

130 85 3
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Tinunton ko ang kusina at nadatnan ko si Yumine na naghahanda ng mga pagkain sa container.

"Goodmorning, Yumine. Need help?" Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang mga kubyertos para ibalot sa tissue.

"Clari, nakausap na namin si Coach. Pumayag na siya sa temporary substitution mo," nakangiting aniya. "Sigurado ka na ba talaga?" napatikhim siya. Tumango ako bilang tugon.

"Malinis ang intensiyon kong tulungan si Kianna, kahit sa ganitong paraan lamang Yumine." napangiti siya sa sinabi ko.

"You're talking deeply again, that's so you Clari..." Sumilay ang malawak na ngisi sa labi niya.

"I'll take a bath first, saglit lang ako!"

"Sige, ando'n na lahat ng damit mo sa kwarto, ikaw na bahala," sigaw niya, dahil mabilis akong kumaripas patungo sa kwarto.

"Alright. Thank you!"

Mabilis kong hinalughog ang mga damit ni Kianna at Yumine na binigay nila sa akin. Ang sabi nila ay mga damit nila itong never nilang ginamit, I doubt tho, mukha kasing mga bago kaya lubos na nakakahiya kung pinaggastusan pa nila ako ng mga damit.

Sa huli ay pinili ko na lamang ang pares ng v-neck floral top at black jeans. Nagmadali kong tinakbo ang banyo at naligo.

Pagkalabas ko ay bihis na rin si Yumine. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko.

"I know, you already knew that you need to gain weight for the game..." Nakataas ang kilay nito.

"Yup, I'll start in gym later..." Tumango s'ya.

"Let's go, then."

Mabilis kaming nakarating sa Blueland Hospital. Ngayong araw na rin na 'to ang discharge ni Kianna. Naipaliwanag ko nang maayos sa kanila kahapon ang pagiging former volleyball player ko when I was in High school, hindi nagduda si Kianna. Kung kaya't madali siyang pumayag bilang tugon sa suhestiyon kong pagpalit sa posisyon niya bilang open spiker. Ngunit hindi naging madali sa akin, kunin ang loob ni Toni para pumayag. Mabilis siyang umalma matapos malaman ang bagay tungkol 'don. Hindi ko malaman kung ang dahilan ng hindi niya pagsang-ayon ay ang kalagayan ko, o sadyang wala siyang tiwala para palitan ko ang husay ni Kianna sa paglalaro. Kung kaya't dahil din doon mismo ay malamig ang pakikitungo sa akin ni Toni.

Tulog si Kianna nang datnan namin. Mukhang dito lamang sa hospital niya natatanging nababawi lahat ng pagod na ginugol niya sa training.

Mabilis namang dinaluhan ni Toni at Railey ang mga pagkain na dala dala namin.

"Claribel, won't go in CTR right now." Panimula ni Yumine, bagay na ikinagulat ko.

"No, Yumine. Sasama muna ako sa'yo, then after no'n, saka ako didiretso sa Coach ni Kianna." Umiling ito, nakagat ko na lamang ang labi ko.

"First, you really need to meet Coach Monvollantez right away. Second, hindi mo pa alam kung saan ang lugar. Have you?" Napailing ako. "Third, today's will be your first physical training after you had an orientation with Coach,"

"Okay, then..." Napatango ako. "Someone's need to accompany you..." Sabay lingon nito sa boys, na busy'ng kumain.

"Ako na!" mabilis na lumipad ang tingin ko sa dalawa dahil sa sabay nilang pag-volunteer. Napangisi si Yumine sa inasta ng dalawa.

"Mga siraulo! 'pag ako 'yan, paniguradong wala kayong pake!"

Napairap sa kawalan si Toni, saka umiwas ng tingin sa 'kin. Dumapo naman ang tingin sa 'kin ni Rai ng may nanliliit na mga mata.

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon