Paradise: Five

321 211 30
                                    

Tahimik na natapos ang hapunan. Hindi ko alam at talagang hindi ako nabusog.

Sa sobrang tahimik, natuyo na laway ko. Pesteng yawa!

Para akong sasabog sa pagkairita sa mga nakapaligid at matang nakatingin sa akin. Si Nanay ay nanatili ring tahimik at piniling makinig lamang sa usapan.

Si Papa at Mr. Delga ay nasa living room. Tapos na ang dinner ngunit kahit hindi ako pag sabihan ay alam kong hindi pa ako dapat tuluyang bumalik sa aking kwarto.

Dumiretso ako sa veranda. Hinayaang tangayin ang buhok ko ng preskong hangin mula sa labas. Nakaka relax ang tanawin ng mga tala sa kalangitan.

"Wine?" Alok niya sa akin, ngunit nanatili akong nakatingala sa madilim na langit.

Nang maramdaman ko ang mga titig niya ay kusang napadpad ang tingin ko sa gawi niya. Inabot ko ang wine na inaalok niya. "Thank you..." Baling ko sa kanya.

Sumimsim ako roon at nalasahan ang pamilyar na lasa ng Wine na animoy tuluyan ko nang nalimot dahil sa tagal na panahon kong hindi uminom nito. Dalawang taong nakaraang lumipas pang kaarawan ni Nanay noong huli ko itong natikpan. Sinadya niya akong dalhan noon sa kwarto.

"How was it?" tanong niya nang walang nakuhang imik sa akin.

"Bakit mo natanong? Ikaw ba ang gumawa nito? Sarkastiko kong sagot.

I heard his chuckled. It irritates me.

"That's bad. Anyways, how are you? I mean... How's life?" Nag-aalangang tanong n'ya sakin. Timang ata 'to, e. 'Di niya ba naisip na maari akong mainsulto sa tanong niya. Tss, Kumusta daw ang buhay ko. Alin? Ang pananatili sa loob ng kwarto sa ilang taon?

"Hindi ko alam. Wala akong pakiramdam sa paraan ko ng pamumuhay." Mapait kong sagot sa kanya.

"Uh, Claribel..." Nagulat ako sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. Saan niya nakuha ang lakas ng loob na iyon? Pinilit kong bawiin ang kamay ko ngunit nanatili ang pwersa niya.

Mababakas sa mukha ni Ranzo na may gusto siyang sabihin. Doon ko natitigan ang mga mata niyang nangungumbinsi.

"I missed you," hinalikan niya ang likod ng palad ko at marahang binaba ang isa kong kamay.

May kinuha siyang bagay mula sa bulsa ng kulay Gray niyang coat. Matingkad ito at sumisigaw ang pisikal na itsura bilang mamahaling gamit. Iniwas ko ang tingin ko. Lumalalim ang pagwawala ng sistema ko sa loob loob.

Hindi ganito ang inaasahan kong magiging huling araw ko bago mag bakasyon.

"I knew, you'll grow this beautiful. Even though the fate chose to separates us back then from those moments we've spent together..."

You're not going to propose, aren't you?

Inihilig niya ng bahagya ang likod upang mahawi niya ang buhok kong bagsak na bagsak ang pagkakaladlad. Pumunta siya sa likod ko upang tuluyang maisabit ang gintong kwintas na may disenyong berdeng paru-paro. Kinapa ko ito at marahang hinawakan. Ang ganda niya. Hindi ko ito maaaring tanggihan. Ngunit nangangati ang kamay kong tanggalin ito at ibalik sa kanya.

Ngumiti siya ng bahagya. Bagamat kakikitaan ng sinseridad ang presensiya niya'y hindi ko makuhang magpadala sa mga salita niya.

Hindi ako marunong magtiwala.
Alam niya mismo sa sarili niyang hindi naging maganda ang samahan namin noon. Hindi iyon tulad ng ibang mahahalagang bagay para maalala. Dahil bata pa lamang kami at wala pang ka muwang muwang. Tanging laro ang inaatupag.

"You know what? I met a lot of girls...Noong unang nabanggit sa akin ni Dad na plano n'ya akong ipakasal. Hindi ko nakuhang sumang-ayon. How I hate the fact that for sure he'll get this plan to assures company's beneficial matter. But then, not until...He mentioned you." Tuloy tuloy niyang saad.

"Is that so?" tikhim ko.

"I never heard some informations that could conclude your status in life," ang mata niya ay sumisigaw sa sinseridad habang nagsasalita. Ang laki na rin ng ipinagbago niya.

Hinayaan ko lamang siyang magpatuloy sa mga salitang 'di ko lubos maintindihan mula sa kanya.

"But I like you Claribel Jaide. I promise to pursue the best things in life with you. I'll be a good husband for you. No, I'll be a great husband for you." Naiiling niya iyong sinabi na para bang iyon na ang pinaka corny na salitang binitawan niya sa harap ng isang babae.

"That's too advance for your mindset, It's shocked the hell out of me, Ranzo."

Ginagawa niya ba ito bilang parte ng plano? Kung iisipin, masyadong malabo para sa isang Ranzo Medric Delga na magustuhan ako. Aminado akong hindi masagwa ang mukha ko. Marami rin ang nagtangkang manligaw sa akin noon. Ngunit matapos kong sungitan ay umaatras na. Babae din ako kailangan ko din magpakipot 'no? Duh.

Kung sa bagay. Maaring sa una lang din niya matipuhan ang mukha ko. Masyado akong simple at kontento sa ganitong uri ng postura ko. Maaaring sa kalagitnaan ng pagsasama namin ay piliin niya na ang mangbabae. Hmm, Boys rules.

"Don't settle yourself for me yet." I sighed. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko mag english jusko! Lagot ako kay nanay.

"Why wouldn't I?" he shrugged. "Look Claribel, everything's came and been settled. Our parents assured and took everything's to be fine. Our age's fit well and right for marriage, too. We no longer needed to think. All we need is to..."

Inilapit niya ang mukha sa akin. Nalalanghap ko na ang wine na nagmumula sa hininga niya. Hindi ko gusto ang mga kilos niya. Masyadong agresibo. Nakakaumay.

Matagal niya ako tinitigan sa mata. Ang mukha'y hindi pa rin inaalis. Samakatuwid ay mas inilapit pa. Ngunit bago pa man niya tuluyang mailapat ang labi niya ang akin ay umiwas na ako.

Sinasabayan lamang kita sa trip mo pero hindi ibig sabihin no'n ay makukuha mo na ako.

Lumakad na ako at walang pagsisising iniwan siya sa balkonahe ng veranda. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng mga magulang namin sa naging pag-uusap namin. Walang importante doon. Hindi dapat nila makalimutan na walang pagmamahal na kasali sa magiging kasal na 'to. These are their games, no feelings involved. I'm the player. So, I'll better to play it.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ilang oras ko din hindi na okyupa ang kwarto ko para sa hindi magandang pagsasalo-salo. Mas masarap pa rin kumain mag-isa. Hindi ako naiilang.

***

Paradise To The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon