Leli's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nag-uunahan ang panginginig ng mga daliri ko mula sa kamay hanggang paa. Ang apo kong si Claribel, hindi siya ligtas.
Mas lalo ko lamang sinisi ang sarili ko. Noong una ay nagi-guilty ako sa katotohanang may isip na si Claribel at nasa tamang edad na ngunit wala pa siyang nalalaman sa mga bagay bagay na dapat nalalaman niya.
Hindi ko mahinuna ngunit alam kong hindi pa sapat ang nalalaman ni Claribel sa lahat. May ideya na siya sa mga una kong nabanggit. Alam niya na kung bakit siya nabubuhay. At higit sa lahat, alam niya na kung ano ang misyon sa buhay niya.
Masyado akong nagpakampante, maging ang propesyon ko ay nakuha kong isugal dahil sa hindi ko lubos malaman kung ayon ba ang tamang desisyon para sa ikakabuti ko at ng apo ko. Wala rin nalalaman ang manugang kong si Lander. Wala rin akong makitang dahilan para sabihin ko sa kaniya ang ganitong mga pribadong impormasyon dahil sa una pa lamang ay kinasusuklaman niya na ang sariling anak.
Hindi ko maatim ang paraan niya ng pakikitungo. Kaya inako ko ang responsibilidad para sa mahal kong apo. Ang naging ugali ni Lander ang isa sa dahilan kung bakit nagkalamat ang mga plano. Kung bakit lalong nagdudusa at nahihirapan si Claribel ngayon.
Ganun pa man ay hindi ko siya masisi-sisi. Dahil nakita ko kung paano niya minahal ng sobra ang anak ko. Si Clarita Loraine, halos sa kaniya umikot ang mundo ni Lander. Kahit naging hadlang ang mga magulang niya sa pag-iibigan nila ng anak ko. Nakuha niya ito ipaglaban. Bagay na hindi niya nagawa sa naging anak nila. Kay Claribel.
Nagsisisi ako sa lahat. Mula una, pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat. Mula sa manila. Ngayon, dinala ko siya dito sa probinsiya.
"Patawarin mo ako apo... Sa lahat lahat, naging mahina ako. Pakiramdamam ko'y maging ako ay hindi ka nagawang ipaglaban."
Naisambit ko sa sarili ko.
~FLASHBACK~
"Hindi hindi ho mawawala ang respeto at galang namin sa inyo madame. Malaki po ang lugar ninyo sa puso namin, sa maayos at mabuting paninilibihan ninyo sa ating probinsiya..." Bahagya itong yumuko matapos sambitin ang mga kataga.
"Maraming salamat Reo, ipapatawag na lamang kita kay Celyar kung may kailangan ako," ngiti kong tugon. Bahagya pa itong tumungo bago lamakad paalis.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Kalahating oras na ang nakakalipas mula nang magpaalam si Claribel upang lumabas at sinabing maglalakad lakad sa bayan.
Hindi ako tumanggi at hinayaan ito. Sa katunayan nga'y mas mainam pa sa aking malaman na gusto niyang libangin ang sarili.
Alam kong nabigla si Claribel sa mga nasabi ko sa kaniya. Inaasahan ko na iyon noong una pa lamang. At mas lumala pa siguro iyon dahil gayong hinintay ko pa ang wastong edad niya bago ko nagawang baggitin. Hindi ko pa rin maiwasan mag-alala kahit malaki ang tiwala ko sa apo ko.
Napawi ang malalim kong pag-iisip nang tumunog ang telepono sa salas. Dali-dali ko iyong tinungo.
Maaring si Lander.
"Magandang hapon. Sino po sila?" Sagot ko sa kabilang linya. Narinig ko ang mahinang pag klaro nito sa lalamunan.
"Madame diretor," tatawa-tawang tugon nito.
"Senyor," pinilit kong maging kaswal bagamat kinakabahan ako sa pagtawag niya.
"Nais ko lamang sana kumustahin ang kasalukuyang buhay mo at ng apo mo..." Aniya.
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
Fiksi PenggemarEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...