"Apo, bumalik ka na sa amin, pakiusap..." mabilis na tumulo ang mga luha ko sa mga salitang binibitawan ni Nanay."Nay, si mama. Hindi ka pa ho siya nahahanap." hinaplos ko ang buhok niya at pilit inalo.
"Tumingin ka sa mga mata ko, Clar, apo..." mahinahong aniya, pinalis niya ang mga luhang nag-uunahan sa mata ko.
"Babalik ka sa amin, tapusin mo ang misyon mo. At bumalik ka'yo ni Lorraine sa amin ni Lander,"
Marahan akong tumango, "Babalik kami, Nanay. Pangako, at kapag dumating ang araw na 'yon, sisiguraduhin kong kasama ko si mama."
"Mahal na mahal kita, apo. 'Wag mong kakalimutan." muli niyang hinaplos ang pisngi ko at doon pinakawalan ang isang matamis na pisngi.
Napabalikwas ako ng bangon mula sa panaginip. Si nanay... Hinihintay niya ang pagbabalik ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa marahas na kirot mula rito.
Paano ko nagawang ipangako ang pagbabalik ko kasama si mama gayong hindi ko alam kung paano at saan siya hahanapin.
Bumangon na lamang ako at walang ganang gumayak. Napag-isipan kong mag jogging muna sa labas at maglibot sa kalawakan ng manila. Alas singko pa lamang ng umaga. 7:30 pa ang alis namin ni Kianna para sa training. Ngunit ani Railey ay mas maaga niya akong susunduin. Nasabi ko na rin kay Kianna kagabi na hindi ako makakasabay sa kanila ni Toni.
Nag suot ako ng racer back at jersey short. Itinali ko ang buhok sa isang bun. Basta ko na lamang dinampot ang earphones para sa mahaba-habang jogging.
Tahimik ang paligid nang lumabas ako. Liwanang pa lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid.
Bago ko tuluyang binuksan ang music ng phone ko ay tumunog ito para sa isang mensahe. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ni Railey.
Railey:
Goodmorning, ready for training?
Mabilis akong nag tipa. Ang aga niya naman gumising ngayon.
Ako:
Yup!
Binuksan ko ang camera ng phone ko at kumuha ng isang litrato sa labas. Agad kong sinend kay Railey ang picture.
Railey:
Ow, out for jogging? you are with girls?
Ako:
Nope. Tulog pa sila, biglaan lang 'to. Napag-isipan ko lang habang maaga pa.
Mabilis muli siyang nag reply.
Railey:
Okay, hintayin mo 'ko. I'll jog with you.
Nagulat ako sa huling text niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Hindi na lang ako nag reply at sa huli ay hinantay siya sa isang gazebo.
Nakinig muna ako ng music sa phone ko. At nakahalukipkip na naghintay sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas at may natanaw akong dalawang couple na nagjo-jogging din malapit sa field ng parke. Napangiti ako. May dala silang aso at mukhang tuwang tuwa sila makipaglaro dito.
"Do you want dog too?" gulat akong napalingon sa nagsalita.
Smirk grin was written in his face. Amoy na amoy ko ang pamilyar na bango mula sa kaniya. He's wearing black round shirt at white jersey short. He looks good. Mali. He looks so hot!
Hinila niya ang ulo ko at tumama ito sa labi niya. Hinalikan niya ang buhok ko. Napangisi siya.
"Wala ka pang pawis, hindi ka pa tumakbo?"
BINABASA MO ANG
Paradise To The Future
FanfictionEvery person has a silent purpose and hidden mission in life. But not all had a visible perception to stands within it. The woman who lived after her mother sacrifice and her grandmother decision. Claribel Jaide Del Asuncion, has a mission to tak...