QUINCE

19 4 0
                                    

"Oh kainin mo na'to. Bagong luto pa daw 'yan."

Heto at kasama ko na naman si Kailus. Kagagaling lang niya sa practice nila ng basketball. Nagpabili na din ako ng spaghetti. Dahil alas tres na at wala akong matinong kain. Dagsa ang mga gawin ngayon sa school.

Mahigit isang Linggo na din ang nakalilipas matapos ang sagutan namin ni Lyndon. Nakikita ko pa din silang dalawa na naglalampungan kung saan-saan dito sa school. May isang beses na pauwi na ako nadaanan ko sila sa may hallway ng katabing building namin. Grabe akala mo wala ng bukas ang halikan nila.

"Hey eat this!" Utos niya sa akin.

Napatagal pala ang pagkakatitig ko sa binili niya habang iniisip ko ang dalawang iyon. Sinimulan ko na itong kainin habang siya ay abala sa pagkalkal ng gamit niya.

Nandito kasi kami ngayon sa may garden sa mismong damo nakaupo. Nakaharap siya sakin at busangot ang mukha tila hindi makita ang hinahanap.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya. Mukhang nahihirapan na kasi siya sa kakahanap.

"Yung selpon ko kasi nawawala." Tuloy pa din siya sa paghahanap.

"Ang tanga mo. Nilagay mo sa bag ko kanina."

"Bakit hindi mo sinabi?!" Inis na tanong niya.

"Nagtanong ka ba?"

Tila napikon siya at inabot ang bag ko. Madali niya itong nahanap.

Tapos na akong kumain at siya naman ay abala pa din sa pagtipa sa selpon niya. Masira sana yan.

"Tumingin ka nga muna sa akin. May itatanong lang ako."

Agad naman niya akong sinunod. Pinatay niya ang selpon niya at umusog papunta sa harapan ko. Bigay na bigay ang atensiyon niya sa akin. Mataman pa itong nakatitig. Seryoso na nakaabang sa susunod kong sasabihin.

"Ano ba 'yon?"

"Diba galit ka sa akin? Bakit andito ka sa harap ko ngayon?"

"Nadala lang ako ng emosyon ko. Pinagbintangan agad kita kahit wala akong basehan. Sorry babes." Sinsero niyang saad. Kaso dinagdagan pa ng endearment na nakakakilabot.

"Huwag ka kasing magpapaniwala agad. Kailangan mo pa pa lang masagasaan para marealize mo pagkakamali mo."

"Ang sama mo naman."

"Alam ko."

"Iniisip ko nga kung paano ako haharap magsosorry sayo habang nagpapagaling ako. Kaso naalala ko makapal mukha ko pagdating sa'yo kaya andito ako ngayon." Natutuwang sabi niya.

Siguro normal lang ang naging reaksiyon niya. Malaman mo ba naman na ang taong gusto mo inakusahang pumatay ng tao. Kaya lang ay grabe naman yun na umabot pa sa pagkakabanggo niya.

"Aalis na ako. May last subject pa. Ayos lang naman sa'yo na hindi pumasok. Mauuna na ako."

Kinuha ko agad ang mga gamit ko. Pinulot ko na din ang lalagyanan ng pinagkainan ko kanina.

"Hatid na kita. Mamaya pa naman kami magpapraktis ulit." Ani niya at binitbit na din ang bag niya.

Walang masiyadong estudyante sa garden at mga hallway. May iilan din naman na nakatambay sa labas nakatanaw sa baba. Paakyat na kami sa floor namin ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Saglit lang kailangan ko mag CR. Paghawak muna ako nito." Kinuha niya din agad ang gamit ko. Pansin kong abala pa din siya sa selpon niya. Ngunit hindi ko na pinuna at tumakbo na sa pinakamalapit na palikuran.

Umupo na ako at inilabas ang dapat ilabas. Pagkaflush ko nakarinig ako ng boses sa labas.

"Maghintay ka lang. Ikaw muna bahala sa transferee na 'yan para hindi masira ang plano ko... Ginagamit ko lang naman ang Lyndon na yun para sa mga luho ko... Oo wag ka mag-alala tayong dalawa lang naman ang nakakaalam... Sige na, bye." Anang boses ni Shynne.

Magaling talaga itong babae na'to. Para sa lang sa sariling luho manloloko. Ang lalaki din uto-uto napikot din ng bruhang 'to.

Lumabas na ako sa cubicle. Nakita ko siyang naghuhugas ng kamay at parang tanga na nakatitig sa sarili sa harap ng salamin.

Agad na napalitan ng takot at kaba ang buong pagmumukha niya. Iniisip niya siguro kung narinig ko ang lahat ng sinabi niya kanina.

"Kanina ka pa diyan?!" Histeryang sigaw niya sa akin.

"Obvious ba?" Saad ko at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay.

"Ano isusumbong mo ko kay Lyndon?! Para ikaw naman ang maging school queen at mapalapit sa kaniya?!"

"Kahit kailan hindi ko hinangad ang titulo na 'yan. Wala akong pake kay Lyndon at lalo na sa'yo. Hindi ako tsismosa para ipagkalat na ginagamit mo lang ang anak ng may-ari ng school na'to."

Idadamay pa ako sa kagagahan niya. School Queen ng school na'to? Joke ba yun? Tatawa na ako.

Nainis naman siya sakin at nagmartsa na patungo sa pintuan ngunit huminto siya at humarap sa akin.

"Kapag kumalat ito sa eskwelahan kakalbuhin kita."

"Hindi ka pa nakakalapit sa akin kalbo ka na. Wag mo ko kalabanin. Hindi mo ako kilala." Seryosong sabi ko sa kaniya. At agad na dumiretso sa pintuan kung nasaan siya. Akala niya siguro may gagawin ako sa kaniya kaya sumalag.

"Tumabi ka, dadaan ako. Ang laki mong harang." Tumabi agad siya at nagpapapadyak pa sa sahig. Napaka-isip-bata.

Paglabas ko sa CR wala na si Kailus. Umakyat na lang ako sa hagdan papunta sa floor namin. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng room at mukhang hinihintay ako. Nilapitan ko naman siya agad.

"Hanggang kailan mo ako lolokohin?"

Diretsahang anong ko sa kaniya na ikinagulat niya. Ngunit agad din sumagot.

"A-Ano bang si-sinasabi mo Priya?" Uutal ital niyang tanong.

"Hindi ako tanga. Girlfriend mo si Shynne hindi ba?"

"Paano mo nalaman yon?" Takang tanong niya sa akin.

"Panong hindi ko malalaman ha? Narinig ko lang naman ang usapan niyong dalawa dahil nasa parehong CR kami. Ano hanggang kailan mo ako lolokohin?" Nauubusan na ako ng pasensiya sa kaniya. Ayaw sagutin ang mga tanong ko.

"M-Matagal na kami. Hinayaan ko lang siya dahil gusto niyang bilhin ang mga luho niya. A-Ayoko naman siyang bilhan dahil mauubos ang allowance ko sa kaniya."

"Tigilan mo na ako at pigilan mo ang girlfriend mo. Hindi ko kailangan ng manloloko. Umalis ka na at wag na wag ka ng lalapit sa'kin."

"Pero Priya totoong gusto kita. Huwag mo naman akong palaguin sayo." Nagmamakaawang ani niya sa akin. Ngunit sagad na ang pasensiya ko sa kaniya.

"Kung totoong gusto mo ako, hindi mo ako lolokohin Kailus. Hindi mo ako pagmumukhaing tanga."

"Pero-"

"Aalis ka o kakaladkarin kita?"

"Kung 'yan ang gusto mo." Tumalikod na siya at naglakad.

Nakita ko naman na palapit na ang teacher namin sa room kaya pumasok na ako.

Nagpatuloy pa ang araw ko ngunit hindi na ganoon kaganda. Akala ko ayos na kasi magaling na siya at nagkakapag-usap na kami. May lihim din pala siyang tinatago sa akin at sa iba ko pa nalaman. Sana mapigilan niya ang balak ng babaeng 'yon.








Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon