SIETE

20 4 8
                                    

Madaling nakahanap si Mamá ng bagong eskwelahan na papasukan ko. Pagkauwi pa lang namin sa bahay kahapon ay may tinawagan agad siya. Iyon siguro ang eskwelahan na paglilipatan ko dahil ngayon agad ay kailangan ko ng pumasok.

Nakakamangha din talaga ang Principal ng St. Benedict. Kaya pala gustong gusto na umalis agad ako ng eskwelahan dahil ang pamilya pala nila Rehan ang pangunahing sponsor. Basta talaga usapang pera lahat hahamakin. Mga mukhang pera.

Pera kapalit ang kainosentehan ko sa nangyari.

Hay nako! Nakakawala ng gana mag-aral sa ganitong bulok na sistema.

Bagong uniporme, bagong eskwelahan.

Wala pa man akong natututunan napaalis na agad ako.

Nahinto ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa nito si Mamá.

"Bumangon ka na riyan at maghanda na. Ako ang maghahatid sayo sa bagong school na papasukan mo. Nakahanda na din ang uniform mo diyan sa damitan mo." Lumabas agad siya pagkasabi ng mga habilin.

Ayun na nga ang ginawa ko. Bumangon agad ako at nilligpit ang higaan. Hindi naman ako spoiled para iasa pa sa katulong ang ganitong simpleng bagay.

Pagkatapos sa pang araw-araw na seremonyas hinanap ko agad ang uniform na sinabi ni Mamá kanina. Long sleeve ito at may itim na laso. Maikli ang kulay asul na palda. Isinuot ko na agad ang mga ito.

Tiningnan ko mula sa salamin ang sarili ko. Maganda naman at bumagay ito sa akin. Mukhang ilang buwan ko lang din itong masusuot.

Bumaba na ako at naabutan si Mamá na nagsisimula ng kumain. Naupo na ako sa kaliwang upuan sa tapat niya at nagsimulang kumuha ng mga pagkain na kakainin ko.

"Nakausap ko ang Papá mo." Panimula niya. "Sana daw ay wala na siyang mabalitaan na ganoong pangyayari. Nag-aalala lang siya dahil malayo siya sayo, sa atin."

"Naiintindihan ko ma. Alam mong wala akong kinalaman doon. At kahit kailan hindi ko kayang gumawa ng ganoon kasamang bagay."

Iyon lang ang napag-usapan namin at nagpatuloy sa pagkain.

***

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Mamá. Siya mismo ang nagmamaneho. Nagmumuni-muni ako habang nakikinig ako sa musika mula sa kotse.

Nahinto ako ng maramdaman ang pagtunog ng selpon ko sa aking kamay. Sinilip ko ito at nakitang si Papá ang tumatawag. Agad ko siyang sinagot dahil matagal na din kaming hindi nakakapag-usap. Simula pa noong umalis siya tanging si Mamá lang ang nakakausap niya.

"Estas con tu mama?" You are with your mom

"Yah. Ella está conduciendo." She is driving nilingon ko si Mamá na tutok sa daan ang paningin.

"Como estas ahora, my baby?" How are you now

"I'm fine dad. I'm not excited to go to my new school. Because I'm going to meet again a new teacher, new classmates and not to mention new toxic people." Napairap ako lalo na't alam ko na hindi lang yan ang mararanasan ko.

"Of course that's normal to meet new teacher and classmates. You're a new student. Don't think about those toxic people. Just focus on yourself and study."

Nakakapanibago na hindi niya ako pinagalitan. Dahil na rin siguro sa naging usapan ni nila ni Mamá.

"Yah. Whatever."

"Well, I'll hang up now. I just call to check on you. I love you." Binaba niya din agad ang tawag.

Maya maya ay ipinarada ni Mamá ang sasakyan niya sa tapat ng isang school. Ito na siguro 'yon.

Sumunod lang ako sa kaniya papasok. Walamg mga estudyante sa mga dinadaanan namin ngayon. Alas 9 na din kasi. Nagsisimula na ang mga klase nila.

Pumasok kami sa isang pinto. Bumungad ang magandang babae sa amin. Nakaupo ito sa swivel chair na nakaharap sa amin. Malinis ang buong opisina niya. Tila ba hindi nadadapuan ng alikabok.

"Good Morning, Mrs. Diáz." Bati niya at may napakalawak na ngiti.

Ang creepy naman nito. Parang di nangangalay sa kakangiti. Umiwas agad ako ng tingin ng dumapo ang mata niya sa akin.

"Good Morning, Ma'am Salvador. So, this is my daughter, Priya."

"Good Morning, Ma'am." Bati ko din dito.

"Nice to meet you. Mrs. Diáz, all the papers are done now. She can join now the class of Ms. Alva, her adviser." Saad niya "4th floor of this building, the first room on the left is your classroom. You can go now."

"Mom, I'll go now. It's already second subject." Pagpapaalam ko kay Mamá at lumabas na ng pintuan.

Go Priya! Goodluck sa first day mo sa school na'to. Pag papasigla ko sa sarili ko.

Aray. Hinayupak! May bumato ng bola sa ulo ko.

"Ay sorry, Miss! Ang tanga ng bola." Sabay halakhak niya at nagpatuloy sa pagpapatalbog ng bola.

Putangina!

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon