EPÍLOGO

26 2 0
                                    

"Felicidades, Lote 202X!" Congratulations, Batch 202X!

Finally! Graduate na ako sa high school. Ang sarap sa tainga pakinggan ang mga salitang iyon mula sa head ng school namin.

It's been two years since I left Philippines. Paglapag pa lang namin dito sa Madrid at makapagpahinga ng isang Linggo, inasikaso na agad ni Mamá ang pag-aaral ko. Mabuti na lang at tinanggap ako dito kahit na kalagitnaan ng school year ako lumipat.

Wala ng nangyaring patayan o kung ano man dito. Dahil wala dito si Sam— ang siyang dahilan ng lahat. May mga nagiging kaibigan na din ako. Hindi katulad dati na nagsosolo lang ako lagi.

Ang saya sa pakiramdam na kahit na nasa katapusan na ako ng high school, naranasan ko pa din sumaya. Dahil sabi nga nila, high school ang pinakamasayang panahon ng isang estudyante. Dahil lahat ay mararanasan mo.

"Priya, let's go." Tawag sa akin ni Dad.

May maliit na salo-salo kasi kami sa bahay. Kasama na din syempre ang mga maid namin. Lahat kami magdidiwang dahil nakapagtapos na ako ng high school ng mapayapa.

Sumunod na ako kay dad sa parking lot ng school namin. Bitbit ko ang sling bag ko sa kanang balikat at ang toga ko naman sa kaliwang kamay.

Sa loob ng sasakyan ay nandoon na si Dad sa driver seat. Si Mom naman ay nasa passenger's seat. Kasama ko sa back seat ang isang karton na may laman na cake. Si Mom ata ang bumili nito dahil bigla siyang nawala pagkatapos ng program.

Nang makauwi kami ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para ilagay ang mga gamit na dala ko.

"Priya, bilisan mo na diyan para makakain na tayo." Boses ni mom mula sa nakasaradong pinto ng kwarto ko.

"Pababa na po!" Pasigaw kong sagot para marinig niya ako.

Narinig ko naman ang yabag ng paa niya na paalis. Maya-maya lang ay lumabas na din ako. Nagbihis lang ako ng bagong dress para sa dinner namin.

"Congratulations to my baby! Cheers!" Masayang bati ni dad sa akin.

Kumakain na kami ngayon ng iangat niya ang kaniyang wine glass na may laman na red wine. Iniangat din namin ni Mom ang wine glass namin at sabay sabay na ngumiti at tumawa.

Masaya ang naging hapunan namin. Nabusog naman ako sa mga hinandang pagkain. Si Mom ang nagluto ng iba dito. Gusto niya daw kasi na special ang kakainin naman kaya naman siya na ang nagluto.

Bago ako pumasok sa kwarto ibinigay nila ang regalo nila sa akin. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang jewelry set na halatang galing kay Mom. Masusuot ko to sa mga party na pupuntahan namin. Ang kay Dad naman ay mga novel books mula sa mga paborito kong manunulat. Alam niya talaga ang hilig ko. Napangiti naman ako habang binubuklat ang mga ito. Nakakaadik talaga ang amoy ng libro.

Inayos ko na ang mga ito at tinago ko sa cabinet ko ang jewelry na regalo ni Mom.

Pumasok na ako sa CR para makapagshower at makatulog na din ng maaga. Bukas kasi ay mag papasyalan kami. Parte pa din ng regalo nila sa akin.

Matapos maligo ay isinuot ko ang pares ko ng pantulog. Habang naglalagay ng lotion ay biglang tumunog ang selpon ko na nasa ibabaw ng kama. Hinagis ko pala ito kanina.

From Unknown Number

Congratulations to the both of us, Babes!

Basa ko sa mensahe mula sa selpon ko.

Iisa lang ang tumatawag sakin ng babes. Biglang kumalabog ang puso ko. Ang dating naramdam ko ay tila nanumbalik.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at sa di malamang dahilan natagpuan ko ang sarili kong nakangiting nakatitig sa mensahe.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon