UNO

36 6 0
                                    

"Magandang umaga, Priya." Bati ko sa sarili. Alas 6 y media na ng umaga. Heto at tapos na ako sa mga seremonyas ko sa sarili ko.

Tinitingnan ko ngayon ang bagong uniporme ko kakatapos lang ata itong plantsahin. Nasa senior high na ako ngayon at ito ang unang araw ko. Isinuot ko na ang palda at isinunod ang pang-itaas na damit. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba patungo sa kusina.

"Kumain ka na Priya. Damihan mo para hindi ka madaling gutumin sa eskwelahan." ani ni Mamá.

"Magsabay na kayo ng Papá mo. Kakausapin daw siya ng principal niyo para sa pagpasok mo ngayong araw." Dagdag niya pa habang sumusubo ako ng pagkain.

Nag-iisang anak lang ako at nakukuha ko ang mga gusto ko. Pero hindi ako tulad ng iba na abusado. Si Mamá ay isang Civil Engineer noong di pa ako pinapanganak. Ganun din sa Papá. Sa Spain siya nakadestino umuwi lamang siya dahil sa akin. Gusto niya daw na makausap ng personal ang principal para makapag-aral ako ng maayos sa magandang paaralan na siya mismo ang pumili.

"Termina tu comida ahora Priya. Iremos ahora." Finish your food, Priya. We will go now Sabi ni Papá sabay higop sa kapeng kanina niya pa hinihipan.

Tinapos ko na ang pagkain ng kanin at hotdog sa plato ko. Uminom muna ako sa nakahandang baso ng gatas bago tumayo at tumungo na sa garahe.

"Goodluck on your first day, my lady." pahabol pa ni Mamá ng makaalis na kami ni Papá. Sana naman maganda ang magiging simula ng araw na ito. Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ang paligid habang nasa sasakyan. Di inaasahang nahagip ko ng tingin ang babaeng kapareho ko ng uniporme at napatitig din sa akin.

Di ko namalayan na andito na pala kami sa mismong school. St. Benedict of Nursia High School. Basa ko sa isip ng makita ang gate ng malaking eskwelahan.

Halatang mayayaman ang mga nag-aaral dito. Mga nagkikislapang sasakyan ang nakita kong nakaparada sa kanang parte ng gate. Ngunit wala naman akong pake. Wala naman akong hilig sa sasakyan.

"Priya, come follow me to the Principal's office. I'll just talk to him about some school matters." gamit ang matigas niyang ingles ay sinabi niya iyan. Di naman siya sanay mag ingles dahil nga na adopt niya na ang wika ng mga Espanyol. At mas sanay siya sa latin at hindi sa Tagalog o Ingles. Marunong din naman ako pero kokonti lang ang alam ko.

Nakarating kami sa pangatlong palapag ng gusali kung nasaan ang opisina ng principal. Dahil si Papá lang naman ang makikipag-usap ay siya na lang ang pumasok sa loob.

May apat na building dito. Pare-parehas konektado ngunit iisa lang ang may rooftop. Sa baba sa kaliwang bahagi ay may basketball court, sa kanan naman ay ang malawak na field puno ng mga estudyanteng hinahanap ang kanilang bagong silid para sa buong taon. Nang may biglang nangalabit sa akin. Kaya napatigil ako sa pagtingin sa buong eskwelahan.

"Kamusta! Bago ka lang ba dito?" anang isang estranghero na babae sa akin. Naalala kong siya iyong nakita ko kanina sa kalsada. Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Ay, ang taray naman." Iniwasan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa pagtanaw sa ibaba. "Hala ka diyan. Sorry ha kung kinalabit kita layo kasi ng tingin mo. Siya nga pala ako nga pala si Cree Student Council dito sa school. Ikaw, anong pangalan mo?" Naiirita na ako sa ingay niya. Ayoko sa lahat ay yung madaldal. "Priya" maikli kong sagot sa mahabang litanya niya. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko ito. Maya maya ay lumabas na din si papá. Di ko na pinansin si Cree, yung babae.

"Ya terminé de hablar con el director. Enjoy your first day, my baby." I'm done talking to the Principal ani niya sabay halik sa aking noo. "I'm leaving now." At tuluyan na nga siyang umalis sakay ng kaniyang sasakyan nakita ko pa siyang kumaway.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon