OCHO

15 4 0
                                    

Bwiset na araw 'to!

Una ay ang wirdong Principal. Pangalawa itong hinayupak na kulang sa aruga. Di ata nabakunahan 'to noong bata pa.

Isisi ba naman ang katangahan sa bola. Bwiset talaga nakakagana ng araw. Kumukulo pa din ang dugo ko sa lalaking yun. Humanda ka sa'kin pag nakita kita ulit.

Tumuloy na ako pag-akyat sa ika-apat na palapag. Tamang hagdan lang pala ang inakyat ko dahil pagliko ko ay ang mismong classroom na.

***

Nasa pinto na ako nang napansin ako ng guro sa harapan. Tumigil ito sa pagsasalita at hinarap ako.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

Banayad lang ang boses niya at halata mo na agad na mabait siya.

"Ako po yung bagong lipat na estudyante. Dito ho ako pinapunta ng Principal."

"So, you are Priya Diáz?"

"Yes, Ma'am. The Principal said that my adviser is Miss Alva."

"I'm Miss Alva. Come inside. I'm discussing about our new topic."

Sumunod na ako sa kaniya. Napatingin sa akin ang mga estudyanteng naroon sa loob.

Sa kabutihang palad nga naman, kahit ganito ang ugali ko ay sinasaniban pa din ako ng swerte.

Ang hinayupak na bumato sa akin ng bola ay kaklase ko. Nakangisi pa ito sa akin. Tila natatawa sa katarantaduhan niya kanina. Bumubulong pa sa tropa niya at sabay silang tumatawa.

Kinuha ni Miss Alva ang atensiyon nilang lahat.

"Everyone, this is Priya Diáz. Your new classmate. Please be good to her. Especially you, Kailus." Masungit na sabi ni Ma'am Alva sa kanila.

"Yes Ma'am!"

Addy pala ha. Ganda ng pangalan ang panget ng ugali. Masayahin ata 'to kanina pa tuwang tuwa simula ng dumating ako.

"Maupo ka na, Priya." Bulong sa akin ni Miss Alva.

Naghanap ako ng mauupuan. Ang napili ko ay ang bandang nasa likod. Sa tabi ng bintana malayo sa hinayupak na Kailus.

Nagsalita ng muli si Miss Alva. Alam ko naman na ang itinuturo niya dahil tapos ko na itong napag-aralan. Pero nakinig pa din ako para ma-refresh ang mga nalalaman ko.

***

Naninibago ako dahil wala akong kasama papunta sa cafeteria nila. Nakailang tanong pa ako sa mga estudyante. Muntikan pa nga akong maligaw dahil mali ang napuntahan ko.

Dumiretso na agad ako sa pila ng mga estudyante kung saan kukuha ng pagkain. Hindi naman masiyadong mahaba ang pila dahil mabilis kumilos ang nagbibigay ng pagkain.

Pagkatapos kong tanggapin ang pagkain ko naghanap agad ako ng mapupwestuhan. May nakita akong bakanteng upuan sa may tabi ng bintana kung saan kita ang garden. Doon ako naupo at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain napansing kong may iilan na tumitingin din sa akin. Nagtataka siguro sila kung bakit may baguhan na napadpad sa school nila.

Huwag na lang nilang isipin ang dahilan kung bakit. Baka magpetition pa sila na paalisin ako dahil sa takot.

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagmadaling umakyat papunta sa room.

***

Mabuti na lang at wala akong nasalubong na demonyo. Kaya lang pagdating ko sa room may narinig akong mga nag-uusap.

"Alam niyo ba kung saan galing ang Priya na 'yan?"

"Hindi nga pre eh. Pero galing daw sa Madrid yan."

"Tsaka mayaman nag-iisang anak din."

"Nabalitaan niyo ba kung bakit napaalis yan sa pinanggalingan niyang eskwelahan?" Boses ni Kailus.

"Hindi eh pero hindi ko na din inisip pa. Di naman ako tsismoso tulad mo." Oo nga naman sana lahat diba hindi tsismoso

"Gago! May nagsabi kasi sa'kin nakapatay daw yan."

"Magtigil ka nga! sa itsura niyang 'yon? Napaka-imposible! di nga makabasag pinggan."

"Sa simula lang 'yan. Maniw-"

Nahinto siya sa sinasabi ng makita akong pumasok. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy lang sa upuan ko.

Sumunod pala sa akin ang hinayupak. Kaya walang ano ano ay inilapit niya ang mukha sa akin.

"Diba nakapatay ka kaya ka nandito ngayon?"

Saad niya sa akin at parang asong ulol na nakangisi.

"Sino?"

"Ik-"

"Kausap mo?" Sabay irap ko sa kaniya.

Nakarinig ako ng hagikhikan. Nanonood pala sa amin ang iilan sa aming mga kaklase.

Kinuha ko ang selpon ko at binuksan ko ito. Mas mabuti pang ituon ko ang atensiyon ko dito kaysa sa pagmumukha niyang nakakaasiwa.

"Aba! Matapang ka din pala." Tila namamangha pa siya.

Mukha mo matapang. Nakakaasar ayaw pa din umalis.

"Pwede ba umalis ka na?"

"Kiss muna." Ngumuso pa siya at mas lalong inilapit ang pagmumukha niya sa akin.

Asa ka tanga.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon