Mabilis na kumalat sa buong school ang insidente kahapon. Usap usapan nila kung sino ang may gawa noon kay Rehan o kung ano ba ang dahilan niya at bigla siyang tumalon mula sa rooftop.
"Nakakaawa naman si Rehan. Sino kaya ang walang pusong nagtulak sa kaniya?"
"Kaya nga. Mukha siyang depress nitong mga nakaraang araw."
"Napansin ko nga din."
"Wala na din siya sa sarili magmula pa noong umaga kahapon."
Hindi ko sinasadya na marinig ang usapan ng dalawang estudyante habang paakyat sa hagdan.
Akala ko ako lang ang nakapansin na wala nga siya sa sarili kahapon. Dahil iba ang awra niya. Parang ibang tao. Malayo sa itsura niya noong una ko siyang makita.
Nakarating na ako sa classroom namin. Sobrang tahimik nagluluksa ang bawat isa sa pagkawala ng aming kaklase.
Maga rin ang mata ni Cree ng makalapit ako sa kaniya at naupo na sa tabi niya kung nasaan ang upuan ko.
"May nakakita daw kay Rehan at sa huling kasama niya kahapon."
Saad niya na nakapagpahinto sa akin.
Si Sam lang ang alam kong nakakita sa pangyayari. Pero hindi naman ugali noon na magsumbong na lang basta.
"Sino ang nakakita?" Tanong ko na puno ng kuryosidad.
"Hindi ko alam. May nagsabi lang sa amin. Nandoon na ngayon sa Principal's Office dahil siya ang tinuring na witness sa nangyari kahapon kay Rehan." Sagot niya habang pinupunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.
Kung ganoon may ibang tao pa pala na naiwan maliban sa amin kahapon. Gumuhit ang kaba sa aking puso. Huminto ang paghinga ko ng mapagtanto ang susunod na mangyayari. Siguradong ako ang ipapatawag.
Ilang minuto lang ang lumipas napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas ito at inuluwa ang di ko kilalang lalaki kasama ang Principal.
Tinuro ako nito. "Sir, siya ho 'yong nakita kong kasama ni Rehan kahapon." Napatingin ang lahat sa akin. Nang makita ng Principal kung sino ang tinukoy agad niya akong tinawag.
"Miss Diáz, sumunod ka sa amin sa aking opisina."
Di na ako nag-atubili sumunod agad ako sa kanila.
Pansin ko habang naglalakad kasunod nila ay ang mga mata na nakamasid sa akin. Alam na agad nila ang dahilan kung bakit ako ang ipinatawag.
Principal's Office
"Sir, siya ho talaga 'yong kasama ni Rehan kahapon." Panimula nitong di ko kilalang estudyante.
"Totoo ba, Miss Diáz?"
"Yes Sir. May pinagusapan lang ho kami."
"Sir, mukhang hindi po sila nag-uusap kahapon. Nag-aaway po sila dahil nagsisigawan na sila at parehong galit ang mga mukha nila."
Naiirita na ako sa lalaking ito. Dakilang tsismoso ata ito. Tamang hinala pa talaga.
Tiningnan ako ng Principal mukhang naghihintay ng paliwanag ko.
"Ikwento mo ang lahat ng nakita mo sa pag-aaway ni Mr. Adler at Miss Diáz."
Nagsimula na magkwento ang tinuturing na witness. Taimtim lang kaming nakikinig sa kaniya.
"Paalis na ho ako kahapon Sir, nang makita ko na may tao pa sa may bandang hagdanan patungo sa rooftop. Nagulat ho ako noon nang magsigawan na sila. Akala ko matatapos na sila dahil tumalikod na si Priya para umalis. Pero hindi pa man siya nakakahakbang bigla po siyang sinakal ni Rehan. Sinuntok din po sa tiyan ni Priya si Rehan dahil ayaw siyang pakawalan nito. Galit na galit ho si Rehan kahapon. Mas lalo pa akong nagulat ng sakalin din ni Priya si Rehan at nagbitiw ng mga salitang hindi ko maintindihan. Nagbago bigla ang itsura ni Rehan at nagmadaling tinungo ang rooftop. Kasunod po noon ay ang sigawan sa baba. Matapos ko hong masaksihan 'yon ay umalis na ako sa takot."
Gulat at may halong takot ang mukha ngayon ng Principal matapos marinig ang salaysay ng estudyante sa harap namin.
"Baguhan ka lamang sa eskwelahang ito! Babae ka pa at nagawa mong gawin ang manuntok at manakal ng kaklase mo! Kailangan kong makausap ang magulang mo bukas ng maaga. Makakaalis na kayo. I can't believe this!" Sigaw sa akin ng Principal.
Wala akong sinayang na segundo at padabog na umalis sa opisina niya.
Ako na naman ang sisisihin nila. Kahit hindi naman ako ang naghulog o tumulak sa kaniya. Kung tinigilan niya lang ako ay hindi na aabot pa sa ganito. Hindi ko aakuin ang anumang paratang nila sa akin. Dahil hindi ako ang may gawa noon.
Hindi pa man ko nakakarating sa upuan ko nang may sumugod sa akin.
"ANONG GINAWA MO KAY REHAN?! IKAW BA ANG PUMATAY SA KANIYA?!" Nanginginig siya sa galit habang binibitawan ang mga salitang 'yan.
"Sagutin mo ako! Ikaw ba?!"
Mataman ko lang siyang tinignan habang galit pa rin ang tingin sa akin.
"Hindi ako ang may gawa." Mahinahon kong sagot sa kaniya habang pinipigilan sumabog sa harapan niya.
"Totoo ba talagang hindi ikaw?! May nakakita sa'yo, sa inyong dalawa. Ikaw ang sinisisi ng lahat."
"Tama na masiyado na akong pagod para sa araw na ito." Tamad kong sagot sa kaniya.
"HINDI AKO NANINIWALA SA'YO! MAMAMATAY TAO KA!"
Mabilis na uminit ang ulo ko at sinigiwan din siya. Punong-puno na ako sa mga paratang niya sa akin.
"Tigilan mo 'ko! Kung ayaw mong sumunod sa kaniya!"
Namutla siya sa narinig mula sa akin.
Kinuha ko na ang bag ko at umalis. Hindi na ako papasok ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.