Pagkapasok ko pa lang sa gate ng school kakaiba na ang naramdaman ko. Para bang may mangyayaring masama o kakaiba. Masiyadong tahimik ang mga pasilyong nadaraanan ko.Malapit na din magsimula ang klase kaya umakyat na agad ako sa floor namin kung nasaan ang room ko. Ilang minuto lang din ay pumasok na si Miss Alva. Nagsimula na din siyang magturo sa panibagong paksa namin.
Abala kaming lahat sa pagsusulat at pakikinig sa mga sinasabi niya. Ayaw na sigurong masermunan muli kaya nakikinig na ng mabuti ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ni Miss Alva ay may biglang sumugod papasok sa room namin. Mas tamang sabihin na sa akin.
Si Shynne na sabog ang buhok, magulo ang make-up at mukhang kagagaling lang sa iyak. Diretso ang lakad niya papunta sa akin. Di alintana ang mga kaklase ko at ang guro namin na nagtuturo sa harapan.
Pagkarating niya sa harapan ko ay hahablutin niya sana ang buhok ko ngunit agad akong nakaiwas at tumayo. Galit na galit siya na para bang may ginawa ako sa kaniya.
"Masaya ka na?! Ha?!" Pasigaw na tanong niya sa akin. Tumutulo din ang luha niya sa galit. Nakakuyom pa ang mga kamay niya.
"Masaya? Saan naman ako sasaya?" Takang tanong ko naman sa kaniya. Dahil wala ako ni katiting na ideya sa ikinagagalit niya sa akin.
"Nagmama-ang ma-angan ka pa talaga ano? Sigurado kang wala kang alam? Talaga lang ha?" Hindi siya makapaniwala na akala mo ang tanong ko ay tila ba nakakasira ng ulo para sa kaniya.
"Pwede ba? Payapa kaming nag-aaral dito bago ka dumating." Inis na saad ko sa kaniya. "Ano ba ang ikinagagalit mo sa akin at bakit hindi mo na lang paabutin sa pagkatapos ng klase para mas mahaba ang oras mo sa akin?"
Dapat lang na sabihin niya ang dahilan niya. Sinasayang niya ang oras namin. Kung kailan naman payapa at tahimik kaming lahat tsaka naman siya eeksena.
"Ikaw lang naman at si Kailus ang may alam sa panggagamit ko kay Lyndon! Imposible naman na si Kailus ang nagsumbong sa kaniya dahil hindi niya ako kayang baliktarin. Kaya ikaw lang ang pwedeng magsumbong sa kaniya ng plano ko!"
Lahat ng makarinig sa sinabi niya ay nagulat. Maging siya ay nagulat din at napatakip sa kaniyang bibig. Hindi niya nakontrol ang bibig niya.
Tiningnan ko ang lahat. Ang iba ay hindi pa rin makakabawi sa gulat. Ang iilan naman ay nagsimula ng magbulungan. May nga kumukuha pa ng bidyo at larawan sa kaniya. Mukhang sisikat ka na naman pero hindi dahil sa magandang dahilan kundi sa nakakasuka naman.
"Gaya ng sinabi ko sa'yo kahapon ay hindi ako tsismosa. Wala akong pake sa'yo kaya hindi ko gagawin yun."
"Pero ikaw lang ang kaaway ko kaya posibleng ikaw ang nagsumbong kay Lyndon!"
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Nagsasabi ako ng totoo."
Sarado ang utak niya para sa paliwanag ko. Maaring hindi niya ako paniwalaan. Kaya mas mabuting diretsohin na lang siya kaysa magpaligoy-ligoy pa.
"Demonyita k-"
"Kung demonyita ako, ano ka pa?" Pang-aasar ko sa kaniya. Mukhang epektib naman dahil mas lalo siyang nagalit.
Sisigawan niya sana ako muli ng makarinig kami ng takbuhan. Papunta ito sa room namin. Nahawi ang bilog ng mga kaklase ko sa amin. Hindi ko man lang napansin na nakaikot na pala silang lahat. Umalis din si Miss Alva.
Dahil nabuhos ang atensiyon ko sa mga bagong dating, agad na hinablot ni Shynne ang buhok ko. Nakatali pa naman ako kaya nahawakan niya ito ng buo. Napasunod naman ako sa kaniya. Dahil kung hindi ko isusunod ang ulo ko aya mas lalo akong masasaktan.
Gigil na gigil siya sa akin. Ang dalawang kamay ko naman ay ikinakalmot ko sa kaniya. Mahaba pa naman ang kuko ko kaya sulit na sulit ang kalmot ko. Iniinda niya ang sakit ngunit hindi niya pa din ako binibitawan.
Nakaladkad niya na ako patungo sa labas ng room. Pero bago pa man makalabas ng room ay may kumalas ng kamay niya sa buhok ko. Si Kailus ang siyang nagtatanggal sa kamay niya. Samantalang si Lyndon man ay nakakapit kay Shynne upang mailayo sa akin.
Nagtagumpay naman ang dalawang lalaki sa paghihiwalay sa aming dalawa. Humahangos kaming apat na masamang nagtitinginan.
"Ako ang nagsumbong kay Lyndon, Shynne. Maya wag mong masugod sugod si Priya." Pag-amin ni Kailus sa harap ni Shynne. Hindi makapaniwala siya makapaniwala sa narinig. Akmang susugurin niya si Kailus nang awatin muli siya ni Lyndon na nasa gilid niya lang.
"Pwede ba, Shynne?! Tumigil ka na?! Ang sakit na ng ulo ko dahil sa'yo! Mabuti na lang at naawa pa sa akin ang nobyo mong tanga. Kung hindi ay naghihirap na ako ngayon dahil sa walang katapusang luho mo!"
Hindi na napigilan ni Lyndon ang sumabog sa galit. Sa bawat bitaw niya ng mga salita ay ang pagpula din ng mukha niya sa pagpipigil ng emosyon mula pa kanina. Gigil din siyang nakahawak sa mga balikat ni Shynne na ngayon ay namimilipit na sa sakit.
"N-na-nasasaktan ako! Bitiwan mo 'ko!" Palahaw na sigaw ni Shynne kay Lyndon. Ngunit walang nagbago dito at nagpatuloy lang sa pagpiga sa balikat ni Shynne.
"Talagang masasaktan ka! Dahil sa ginawa mong panloloko sa akin ay limang buwan akong walang allowance!" Nagulat naman si Shynne sa biglang sigaw sa kaniya ni Lyndon.
"Wag mong susugurin ulit si Priya. Kapag ginawa mo pa ulit ito ay ako na ang makakalaban mo." Singit ni Kailus sa pag-aaway ng dalawa.
Basta na lang niya akong hinila at dinala sa rooftop. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakawak niya sa akin. Napalakas ang pagkakahatak ko kaya sumakit din ito kalaunan. Nakita naman niya na nasaktan ako sa ginawa ko. Akmang kukunin niya ito muli ng ilayo ko ang sarili ko sa kaniya.
"Pwede ba? Ano na naman 'tong palabas mo? Tigilan mo na nga ako!" Inis na bwelta ko sa kaniya. Nagpapakabayani pa wala naman akong pake kung magbugbugan pa kami ng Shynne na yun. Baka makawawa ko lang yun.
"Hindi ito palabas. Tinulungan lang kita dahil gusto kita at ayokong inaapi ka ng iba." Mahinahon niyang sagot sa akin.
"Kung ganoon paki tigilan na. At tigilan mo na din ako. Kaya ko ang sarili ko. Tama na panloloko at ang ginawa mo sa akin ang pagmukhain akong tanga."
Iniwan ko siya doon at bumaba na. Dinaanan ko muna ang bag ko sa room. Dumiretso na ako pababa dahil break time na din namin.
Sa labas ng school na ako bibili. Isasabay ko na din ang mamahaling kape ng bruhang iyon. Baka hindi makatulog dahil hindi ko pa nababayaran ang kape niya.
***
Bitbit ko na ngayon ang tatlong kape ng bruha. Tingnan ko lang kung hindi ka magpalpitate dito sa mga kapeng 'to.
Agad ko siyang nakita sa bukana ng cafeteria. Lumapit ako sa kaniya at diretsong inilapag ang mga kape sa lamesa niya.
"Ayan na ang MAMAHALING kape mo." Pagdidiinin ko sa mamahalin niyang kape. Tiningnan niya iyon. Nagliwanag naman ang mata niya ng makitang iyon ang kaparehong kape na natapon niya dahil sa katangahan.
"Salamat naman at binayaran mo din." Kunyari lang galit na sabi niya. Pero sa loob loob at todo ang pasasalamat.
"Okay." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya. Ngunit bago umalis ay may binulong muna ako sa hangin. Sapat lang na marinig niya.
"Desearía que fueras envenenado." I wish you were poisoned.
At nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad. Siya naman ay nagsimula ng humigop sa kape na binili ko.
Wala pang tatlumpong segundo nakarinig ako ng pagkabasag ng baso at sunod-sunod na sigawan ng mga tao sa loob ng cafeteria. Nang lingunin ko ito nakita ko ang katawan ni Shynne na nasa sahig at bumubula na ang bibig.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.