Nilanghap ko ang simoy ng hangin ng maramdaman ko ang pagdampi nito sa balat ko. Para akong bumalik sa nakaraan. Nakaraan na kung saan naranasan ko ang ibat ibang pakiramdam ng saya, lungkot, at paghihirap.
Hindi ko alam na hindi pala talaga pasyal ang nais ng mga magulang ko. Dahil nagulat ako na ang sinakyan naming eroplano ay patungo pala sa Pilipinas.
Masaya ako nang makabalik muli dito. Isang Linggo na din ang nakakaraan ng magbalik kami dito. Inaasahan ko na rin na may surpresa silang muli. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang mga taong inimbita nila.
Si Cree ay nandito kasama ang nobyo niya. Natutuwa akong makita siyang muli. Ani niya ay pinatawad niya na daw ako dahil nalaman niyang hindi ko kasalanan ang nangyari kay Rehan. At ang ikinabigla ko sa lahat ng sinabi niya ay ang pag-amin niyang muli sa akin.
"Priya, si Keanu nga pala boyfriend ko." Masayang pagpapakilala niya sa akin ng kasama niya. Nagkamayan kaming dalawa.
"Hindi ba siya yung kaibigan ni Rehan?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo siya nga." Nakangiti muli siya. Halata ang saya sa kaniyang mata. Masaya din ako para sa kaniya.
Nagsimula na magsayawan ang mga tao pagkatapos kumain. Ramdam ko ang galak nilang lahat at ganun din ako.
Nakumpirma ko na ang mensahe na natanggap ko sa Madrid ay mula kay Kailus. Ang lalaking hindi ko makakalimutan.
"Hi, Congrats!" Bati niya sa akin.
"Congrats din sa iyo." Payak na balik na bati ko sa kaniya.
"Alam kong huli na, pero pasensiya talaga sa nagawa ko, Priya. Hindi ko yun sinasadya. Hanggang ngayon ikaw lang ang laman ng puso ko."
Alam kong sasabihin niya ito sa akin. Lalo na ito lang ang tanging tyansa niya para makausap ako dahil sa Madrid na kami titira at iiwan na muna ang bahay namin dito.
"Pero hindi ikaw ang laman ng puso ko. Matagal ng tapos ang nararamdaman ko sa'yo Kai." Bumuntong hininga siya at tingin sa malayo.
"Ang tanga ko kasi."
"Buti alam mo." Pabulong na sabi ko. Pero alam ko na narinig niya. "Hindi ako handa sa relasyon kung yan ang hihingin mo sa akin. Tanging kaibigan na lang ang tingin ko sa iyo ngayon. Sana maintindihan mo."
Humarap siya sa akin. Malungkot ang kaniyang mga mata habang tinititigan ko ang mga ito.
"Naiintindihan ko." Ngumiti siya ng mapait.
"Tuparin muna natin ang mga pangarap natin, Kai." Ang tanging binitawan ko na linya sa kaniya.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Mainit ang yapak niya sa akin. Ramdam ko ang pangungulila niya. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya ko sa ngayon.
Nais kong makapagtapos nang maayos kaya iyon ang pagtutuunan ko ng lubos.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.