DOS

20 5 0
                                    

"For today, we will tackle about Oral Communications." Panimula ni Miss Esma sa pangalawang araw ng pasukan. Tahimik lang akong nakikinig at ganun din ang iba.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ko ang isang lalaking may salamin, maaliwalas ang mukha at nakasuot ng maayos na uniporme. Nakaupo siya sa gawing kanan ng inuupuan ko dahil nasa may gitna kami ni Cree siya naman ay nasa kanang bahagi. Nilabanan ko din ang titig niya hanggang sa siya na mismo ang umiwas.

Sa kuryosidad ko, kinalabit ko si Cree. "Cree, sino yung lalaking 'yon?" Sabay turo ko sa lalaki kanina.

"Ah si Rehan. Siya yung bestfriend noong kinuwento ko sa iyo na sinakal. Kaibigan ko din siya." Sagot niya at pareho namin nilingon si Rehan. Seryoso na ito ngayon na nakikinig kay Miss.

Nagsunod-sunod pa ang mga klase namin. Marami din iniwan na mga assignments. Hindi naman mahirap kaya saglit ko lang siguro itong matatapos mamaya pag-uwi ko. Tumunog na ang bell at si Cree na naman ang kasama kong kumain. Medyo nasanay na din ako sa kaniya kahit na walang preno ang bibig niya.

"Mabait 'yong si Rehan. Kaya lang medyo ilag na din siya sa ibang estudyante kasi lumipat na si Keanu- iyong bestfriend niya." Ayan at nagsisimula na naman siya. "Ang tatag nga ng pagkakaibigan nilang dalawa kaya lang sa tinamong trauma ni Keanu ay inilipat na lang siya."

Grabe siguro ang takot niya noon. Siraulo din talaga ang taong sumakal sa kaniya. Kalalaking tao dapat lumaban din siya. Depende na lang kung ano siya. Alam mo na.

"Bakit hindi na lang din sumama si Rehan?" Tanong ko. Siya naman ay napatigil sa pagkain at sinagot din ang tanong.

"Hindi pumayag mga magulang niya. Mahihirapan lang kasi siya kapag lumipat pa sa bagong school." Napaisip ako sa sagot niya.

Kung talagang matatag ang pagkakaibigan nila pwede din naman na sumama si Rehan. Pero wala din naman siyang magagawa sa desisyon ng magulang niya.

Tinapos na namin ang pagkain dahil sa pagtunog muli ng bell. Pag-akyat namin ay wala pang guro. 15 minutos na ang lumipas kaya nagdesisyon na si Cree na bumaba.

"Priya, punta lang ako sa faculty tingnan ko kung may magtuturo ba sa atin ngayon." Paalam ni Cree. Tumango lang ako at lumabas na siya.

Habang nagsasagot ng ilang assignments naramdaman ko ang isang presensiya sa kanan ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Rehan.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sabay sarado ng libro at notebook ko.

"Wala naman. Gusto lang kitang kausapin."

"Tungkol saan?" Sagot ko.

"Alam mo na siguro yung nangyari sa kaibigan ko. Si Cree pa ba." Panimula niya sa nagbabadyang kwento sabay ngisi.

Tiningnan ko lang siya dahil wala naman akong sasabihin.

"Last year lang nangyari 'yon. Lahat kami nagtataka bakit biglang sinakal ni Sam si Keanu. Hanggang ngayon di namin alam kung anong dahilan niya at kung nasaan na siya."

Napahinto ako at napatingin sa ballpen na hawak ko. Madiin na pala ang pagkakakapit ko rito. Sam. Sana mali ako ng iniisip. Sana hindi iisa ang tinutukoy niya at ang nasa isip ko ngayon.

"Umalis ka na. Hindi ako interesado sa kwento mo." Sabi ko at biglang tumayo.

Diretso ang lakad ko patungo sa pinto ng bigla akong natigilan. May humila sa akin.

"Alam kong kilala mo si Sam." Nanlamig ako sa sinabi niya at agad kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Tigilan mo nga ako! Hindi ko siya kilala!" Dali dali akong tumakbo papuntang rooftop at naupo sa gilid ng pintuan.

Si Sam Álverez siya ang tinutukoy ni Rehan. Ang siya rin nasa isip ko. Ang hayop na iyon pati pala dito sa Pilipinas naghahasik ng lagim. Siya lang naman ata ang nag-iisang anak ng demonyo. Naubos na rin niya ang mga eskwelahan sa Madrid. Kalilipat dahil sa ibat-ibang gulo na sinimulan at kinasangkutan niya.

Tanda ko pa ang sinabi niya sa akin bago umalis sa huling eskwelahan na pinasukan ko.

"Prepárate en tu decimoctavo cumpleaños querida. Nuestra familia te esperará. Recuerda, donde quiera que vayas te seguiré." Be ready on your eighteenth birthday, my dear. Our family will wait for you. Remember, wherever you go I will follow you.

Humahangos pa ako sa pagod paakyat dito sa rooftop nang napatingin ako sa malaking tumpok ng upuan.

May nakita akong buhok ng tao. Lalapitan ko sana ito para makumpirma kung tao nga ba. Malapit na sana ako.

Nagulat ako ng biglang kumalabog ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang lumabas mula roon.

Si-

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon