Lumipas pa ang mga araw at parang aso na nakabuntot lagi sa'kin si Kailus. Kung nasaan ako ay naroon din siya. Walang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako.
Tinutukso na din kami ng mga kaklase namin. Kahit na wala naman akong pake sa lalaki na 'to. Feeling close pa sa akin. Medyo nahahalata ko na din ang isang 'to. Para paraan lang din ang pang-aasar niya para makalapit.
Tulad na lang ngayon. Busy ako sa ginagawa kong report sa subject namin kay Ma'am Alva. Heto siya at may pagsandal sa'kin habang nginangatngat ang straw ng juice na binili niya. Meron din ako pero hindi ko pa iniinom.
Naalala ko noong pangalawang araw ko dito at ang hinayupak napakagaling. Kasama na din ang nangyari sa mga sumunod pang mga araw.
Flashback
Day 2:
"Hi baby!"
Nilingon ko kung sino ang tumawag. Peste! Ang magaling na si Kailus. Nakatingin ito sa gawi ko at nakangisi na naman. May lahing aso ata ito.
"Pst! Di mo ba ako papansinin?" umulit pa nga.
Bahala ka dyan. Ganda ganda ng umaga ko sisirain mo lang.
"Nasaan na good morning kiss ko?"
Di ko namalayan nasa harap na pala siya ng upuan ko. May paawa effect pa sa pagmumukha niya. Gwapo naman siya kaya lang nagiging panget kapag nagsisimula na siyang mang-asar.
"Pwede ba? Kararating ko lang nambubwiset ka agad!"
"Edi mamaya na lang?"
"Ulul ka"
Tawa siya ng tawa habang papalayo sa akin.
Day 3:
Kumakain ako ng payapa sa dating inupuan ko habang tinatanaw ang garden na may iilang estudyante na nagkukwentuhan.
May biglang naglapag ng plato sa tapat ko. Ang peste!
"Sabayan na kita Priya babes nag-iisa ka e." saad niya at ngumiti sa akin.
Daldal lang siya ng daldal habang kumakain. Hindi ko naman siya iniintindi dahil sasakit lang ang ulo ko sa ingay ng bibig niya.
Day 4:
"Priya!" tawag sa akin ng peste
Lumapit siya sa akin dala ang notebook niya.
"Paturo lang sana ako sa Math. May di kasi ako maintindihan dito. Mukha kasing kaya mo naman ipaliwanag sa'kin to."
Tiningnan ko ang itinuro niya. Madali lang naman ito. Hindi siguro siya nakinig kanina kaya di niya maintindihan ngayon.
"Maupo ka rito." turo ko sa katabing upuan ko.
Dali dali naman siyang naupo. Mukhang handa makinig kahit hindi naman. Napairap na lang ako.
Nagsimula na ako sa pagpapaliwanag sa kaniya. Sa umpisa nang pagpapaliwanag ko ay tutok siya sa pakikinig. Ramdam ko din naman na naiintindihan niya. Nasa ayos siguro ang turnilyo ng utak nito.
Kaya lang nang patapos na kami naramdaman ko ang titig niya sa akin.
"So, that's how you'll get the answer to this ques-"
Paglingon ko mata niya agad ang nakatitigan ko.
"Ano ba?! Nakikinig ka ba?"
Napakura-kurap siya ng sitahin ko siya sa paninitig niya.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.