"The Principal called me this morning. They want to talk to me including the parents of the student who died. Yes.. We'll go now. I'll call you when we're done talking. Bye. Take Care."
Rinig kong boses ni Mamá pagbaba ko sa hagdan. Mukhang pinapapunta na siya ng Principal.
"Ano na naman kaya ang dahilan ng pagtawag sa akin, Priya?"
"Hindi ko po alam. Wala akong kinalaman doon."
Mabilis kong tinapos ang pagkain. Naiirita ako tuwing maiisip ko na ngayon nila sasabihin ang desisyon sa akin. Sa bagay na hindi ko naman ginawa.
***
Nakarating agad kami ni Mamá sa eskwelahan. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at mga gurong napapadaan.
Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin? Mukha naman kasing hindi nanay ang kasama ko. Daig pa ang ingay ng takong ng masungit na guro sa suot niyang stilleto na sa bawat yapak ay nagsusumigaw ng awtoridad.
Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa opisina ng Principal.
Pagpasok namin nandoon na ang mga magulang ni Rehan.
Mga galit ang mukha na nakatingin sa amin. Hindi naman iyon napansin ni Mamá. Nagtungo agad siya sa upuan sa tapat ng lamesa ng Principal.
"Good Morning, Mr. and Mrs. Alder and also Mrs. Diáz."
Bati ng Principal sa mga magulang ni Rehan at kay Mamá. Tiningnan ako saglit ng principal at nagpatuloy na sa pagsasalita.
"Mrs. Diáz, napagdesisyunan po ng mga guro at mga magulang ni Rehan na paalisin na sa eskwelahang ito ang inyong anak na si Priya."
"Bakit naman ho paalisin ang anak ko kung wala naman kayong matibay na ebidensiyang siya nga ang may gawa sa nangyari sa kaniyang kamag-aral?" Tanong ni Mamá matapos isalaysay ng punong-guro ang napagdesisyunan nila.
"Ipinagtatanggol mo pa talaga 'yang anak mo ano?" Sabat ng tatay ni Rehan.
"Kailan pa naging pagtatanggol ang pagtatanong Mister?"
"Huwag mo akong pilosopohin. May nakakita sa anak mo at anak ko na siyang huling magkasama bago ang pangyayaring iyon!"
"Maliit na alitan lamang iyon ayon sa anak ko. Depensa lang ang ginawa niya dahil sa ginawang pananakal ng anak niyo." Nahihimigan ko na ang inis ni Mamá sa pakikipagsagutan sa tatay ni Rehan.
"Pero sinakal niya din ang anak ko!"
"Kung sakalin kita ngayon malamang ay ganoon din ang gagawin mo. Depensa lamang iyon!"
"Paaalisin ko ang anak mo dito sa paaralan na ito! Kung ayaw mong paalisin yan rito, ipakukulong ko 'yang anak mo!" Galit na galit ang mukha niya at nakatitig ng masama sa akin.
Nagulat kaming lahat mula sa kalabog na galing sa lamesa. Hinampas pala ito ng punong-guro. Napuno na ata sa away na nasasaksihan niya sa kaniyang opisina.
"Please respect my office. Mrs. Diáz, please respect the school's decision with your daughter."
"I won't respect your decision, Sir. You don't have enough evidence that shows involvement of my daughter." Sumama ang mukha ng principal sa naging pahayag ni Mamá.
"But don't worry, I'll transfer her immediately. No need to put my daughter in jail." Dugtong ni Mamá pagkatapos ay tiningnan si Mr. Adler. "I won't waste our money just to spend thousands in this school that has no justice on innocent student."
Hindi na kami nag-aksaya ng oras at nagpaalam na. Wala na ni isa ang nagsalita sa kanila. Hanggang sa di namin inaasahan ang biglang pagsasalita ng kanina pang tahimik na si Mrs. Adler.
"Dapat lang ilipat na ang anak mong demonyo bago pa niya patayin ang mga estudyante dito." Mula sa pagkakayuko ay unti unti niyang iniaangat ang ulo at tumingin ng masama sa amin.
"Hindi mamamatay tao ang anak ko para paratangan mo siya. Itikom mo na lang ang bibig mo kung ayaw mong makakita ng totoong demonyo sa mismong harapan mo."
Tuluyan na kaming umalis ni Mamá. Iniwan silang bakas ang takot sa mukha dahil sa linyang binitawan bago kami lumabas.
Nagtinginan muli ang mga estudyante na nadaraanan namin palabas ng gate. Naramdaman ko ang isang titig hindi malayo sa pwesto ko.
Si Cree na walang ekspresyon ang mukha na nakatitig sa sakin. Hindi ko na nagawang magpaalam dahil alam kong galit pa rin siya sa akin dahil ako ang sinisisi niya.
Napansin ko ang isang lalaki na nasa bandang likuran niya.
Si Rehan
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.