DIECI-OCHO

25 3 5
                                    

Nakakawindang ang kwento ni Mamá. Dahil sa kamalian ng mga magulang ko. Nagawa niyang isumpa ang sarili niyang apo.

Tumagal pa si Mamá dito sa kwarto ko hanggang sa kumalma ako. Wala akong maayos na tulog dahil binangungot ako. Ang mga nangyari sa amin nila Rehan, Kailus at Shynne. At sa iba pang estudyante sa Madrid.

Kung hindi niya pinatagal ang pagsabi sa akin, siguro walang mangyayaring ganito. Napigilan ko sana ang bibig ko sa pagsasalita ng ganoon kasamang bagay. Wala akong kaalam-alam na ang mga sinasabi ko pala ay nagkakatotoo. Kaya pala ganoon nalang ang mukha ni Rehan nang magsalita ako ng Latin. Kaya ako nagsasalita ng Latin ay dahil alam kong hindi nila maiintindihan ang sasabihin ko. Ngunit ang nangyari ay iba. Hindi nila naiintindihan ang sinasabi ko pero inuutusan sila nito na para bang kailangan nilang gawin ang sinabi ko.

Ngayong alam ko na ang bagay na ito. Alam ko na ang dapat kong gawin sa sarili ko. Lalo na pagpunta ko sa Madrid. Ang bawat salitang bibitawan ko ay dapat kong pag-isipan bago bigkasin. Ayokong may madamay na naman ng dahil sa akin.

Napatulala pa ako ng mahigit isang oras sa kisame ng kwarto ko. Pagod ang buong isip at katawan ko simula pa kagabi. Hindi pwedeng tumambay lang ako dito dahil baka mabaliw lang ako.

Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Agad kong hinubad ang mga damit ko at binuksan ang shower. Damang-dama ko ang lamig ng tubig. Tila ginigising ang katawang lupa ko. Sinabihan ko ng mabuti ang katawan ko mula mukha hanggang paa. Nag-shampoo ako at conditioner. Pagkatapos ay binuksan ko muli ang shower dinama ang malamig na agos ng tubig sa aking katawan.

Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang lagi ang pakiramdam. Iyong walang problemang iniisip. Pinatay ko na ang shower at dumiretso sa closet ko. Pinili ko ang puting off-shoulder dress ko na regalo sa akin ni Mamá. Isinuot ko muna ang mga undies ko at sinuot na ang damit. Pumili din ako ng puting sapatos na babagay dito.

Gusto kong pumunta sa payapang lugar yung ako lang mag-isa.

Habang nagsusuot ng sapatos tumunog ang selpon ko na nakapatong sa kama.

*Ting!*

From Sam:

Priya, I really need to talk to you. It's very important. Let's meet now.

Nakakagulat naman ang biglang pakikipagkita nito sa akin. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Mabuti na lang at paalis ako kaya makakausap ko siya.

To Sam:

Pick me up. I'm going out today.

Sent!

Binilisan ko na ang kilos ko at bumaba na. Nasalubong ko si Mamá na paakyat.

"Ma, alis lang po ako. Magkikita lang kami ni Sam. May sasabihin daw siya sa akin. Pupunta na din ako sa bookstore."

"Si S-sam iyong p-pinsan mo?" Nauutal niyang tanong sa akin. Bahagyang nanlaki pa ang mga mata niya. Kahit nagtataka ako sa kaniya binaliwala ko na lang ito.

Tumango naman ako sa kaniya. "Opo."

"S-sige mag-iingat ka. Umuwi ka ng maaga at wag magpagabi."

"Opo, Ma. Bye, una na po ako." Bumaba na ako dahil nakarinig na ako ng busina.

Pagdating ko doon naabutan ko si Sam na nakasandal sa kotse niya. Nakaitim siya na polo na nakatulog hanggang siko. At plain black pants na pambaba. May suot pa itong shades. Panangga ata sa araw dahil medyo mainit ngayon.

Sinalubong naman niya ako at binuksan ang pinto ng passenger seat. Pumasok na ako. Umikot naman siya papunta sa driver seat at pumasok na din.

"Tell me now you wanna say. That's very important according to you." Masungit na sabi ko sa kaniya ng paandarin na niya ang sasakyan.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon