"Nilason mo ba ang estudyanteng iyon, Priya?"
Nandito ako sa bahay ngayon. Kararating lang din ni Mamá mula sa trabaho niya. Umuwi ng wala sa oras dahil sa nabalitaan. Tumawag pala ang staff ng school sa kaniya.
"Hindi."
Nang makita ko kasi ang itsura ni Shynne kanina ay tumakbo ako sa takot. Tinawag pa nila ako dahil ako ang nakita nilang nagbigay ng kape kay Shynne na ininom niya bago ito nahulog sa upuan.
Dinala ang katawan niya sa ospital. Ngunit pagkarating doon ay patay na siya. Sa school pa lang ay wala na pala siyang buhay. Ang dahilan daw ay pagkalason mula sa kape na ininom niya. Iyon ang balita mula sa school at sa school page namin.
Mahinahon pa si Mamá ngayon. Pero dama ko na ang galit niya. Dahil nasa opisina kami ni Dad at kaming dalawa lang ang nandito. Nakatayo siya sa harap ng bintana habang nakatanaw sa garden sa baba.
Sana hindi niya totohanin ang paglilipat niyang muli sa akin sa Madrid. Dahil minumulto ako ng mga masasamang alaala ko sa mga eskwelahan na pinasukan ko doon. Ayaw din naman ni Mamá na tumira pa doon dahil sa ina ni Dad o sa Lola ko. Hindi ko alam ang puno't dulo ng alitan nila kaya wala akong alam. Ang alam ko lang ay galit si Lola sa aming dalawa ni Mamá.
"Kailangan kong makausap ang pamilya ng estudyante na yun. Aasikasuhin ko na agad ang mga papeles mo para maibalik na kita sa Madrid." May pinalipad na sabi niya. Galit na talaga siya sa akin dahil napakaseryoso na niya. Matalas ang mga mata niya na nakatitig sa akin. Agad naman akong napayuko. Kinakabahan sa susunod na mangyayari.
Ngunit bakit kailangan pang ibalik ulit ako sa Madrid? Pwede naman na ilipat na lang ako muli ng eskwelahan dito sa Pilipinas?
Natatakot na akong bumalik doon. Iniwan ko na ang masasamang alaala na mga iyon. Ayoko nang balikan pa ang lahat ng iyon. Hindi pwede dapat dito lang ako. Hindi ako aalis ng Pilipinas.
"Pero Ma! Ayoko ng bumalik doon. Natatakot ako. Diba ayaw din naman sa akin ni Lola? Ilipat mo na lang ulit ako sa ibang school!" Panghihikayat ko sa kaniya na sana magbago pa ang isip niya. Ayoko na talaga bumalik. Ngunit siya si Mamá, lahat ay dapat masunod sa kaniya.
"Buo na ang desisyon ko, Priya. Ibabalik kita sa Madrid para makapag-aral ka ng maayos. Hindi mo na mababago ang isip ko."
Gusto kong umiyak sa harapan niya ngunit natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. Kaya pinigilan ko na lang ang luha ko. Sumasakit na din ang lalamunan ko.
"Simulan mo nang magligpit ng mga gamit mo. Aalis tayo sa sandaling maayos ko ang mga papeles mo. Lumabas ka na." Seryoso niyang saad habang naglalakad pabalik sa upuan na nasa harapan ko. Umupo siya dito at mataman akong tinignan. At nagsalita siya muli.
"Kahit malaki ang ibayad ko sa pamilya ng estudyante at sa eskwelahan para lang sa kapakanan mo, ay gagawin ko. Mas mabuting nasa Madrid ka. Dahil mababantayan kita ng maayos doon. Sa malayo tayo titira kung saan wala ang lola mo." Ayokong nakikitang emosyonal siya dahil pati ako ay nadadamay. Nagbabadya na din ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Hawak niya ngayon ang mga pisngi ko. Sinasalaysay kung gaano niya ako kagustong magkaroon ng kayang pag-aaral gaya ng isang normal na estudyante.
"Payag na ako. Babalik ako sa Madrid." Sana tama ang desisyon ko na ito. Para ito sa ikabubuti ko, para sa pag-aaral ko.
Nagliwanag naman ang mukha ni Mamá at ngunit siya sa akin.
"Mabuti naman. Mahal na mahal kita, Priya. Kaya ginagawa ko ito."
Tumango ako at sinuklian ang matamis nyang ngiti. Para sa akin at para kanila Mamá at Dad.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.