ONCE

16 4 0
                                    

Pagkarating ng ambulansiya at isakay ang katawan ni Kailus ay agad akong umalis. Dumiretso ako sa daanan papunta sa bahay namin. Hahabulin pa sana ako ni Sam ngunit naharang siya ng mga pulis.

Akala ko ay patay na si Kailus. Mabuti na lang ay agaran ang pagresponde ng mga awtoridad.

Pagbukas ko ng pinto naabutan ko si Mamá na abala sa mga blueprint niya sa sala. Napansin niya ako at nagtaka kung bakit napaaga ang uwi ko. Tumingin siya sa orasan at muling tumingin sa akin.

"Napaaga ka ata ngayon, Anak?"

"Maaga ang uwian ngayon, Ma. Walang teacher sa huling klase namin." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Ngayon ko lang din naman kailangan magsinungaling. Dahil gusto kong ipagpahinga ang katawan at isip ko. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Gustong-gusto ko na talaga mahiga at matulog. Para ibang pinagod ako ng  araw na'to.

"Ah ganun ba? O sige magpahinga ka na. Bumaba ka na lang para sa hapunan."

Umakyat na agad ako sa kwarto ko. Hinagis ko ang bag ko sa gilid ng pintuan pagkasarado ng pinto. Isinalampak ko agad ang katawan sa malambot na kama. Kalaunan nakatulog ako at di namalayan ang nangyatari sa aking paligid.

"Mamamatay tao ka!" Anang isang tinig mula sa madilim na lugar na ito kung nasaan ako.

"Pinatay mo na nga ako, pati siya ay papatayin mo din." Umulit pa ito.

Mahina lamang ang boses at tila puno ito ng galit. Pamilyar ang boses na ito. Para bang nakausap ko na siya dati.

"Sino ka ba?! Magpakita ka sa akin!" Sigaw ko sa kung sino man na bumubulong sa madilim na lugar na ito.

Nagpatuloy pa ang mga mahihinang bulong. Dumadami sila at tanging mga boses lang ang mga ito. Kahit saan ko ibaling ang paningin ko ay wala akong makita.

Isang malakas na busina ng kotse ang nagpalingon sa akin. Ngunit huli na ang lahat. Ang nakasisilaw na liwanag na lang ang huling nakita ko. Pagkasigaw ko ay ang paggising ko mula sa masamang panaginip.

6:45 PM

Basa ko sa orasan ng selpon ko. Gabi na pala. Napansin ko ang pamamasa ng mukha ko dahil sa pawis mula paggising ko. Agad akong bumangon at nagpalit ng pambahay.  Hindi pa pa pala ako nakapagpalit dahil naka uniporme pa ako.

Nakaramdam na din ako ng gutom at agad na din akong bumaba. Nadatnan kong naghahain na sila ng pagkain. Dumiretso na ako sa lagi kong inuupuan. Umupo na din si Mamá at nagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla siyang magsalita at magtanong sa akin.

"Kilala mo ba iyong estudyante na nasagasaan kanina?"

Tumigil ako sa pagsubo at sinagot siya.

"Kaklase ko ma." Tipid na sagot ko.

Ayoko ng pahabain pa ang pag-uusap namin tungkol kay Kailus. Pero mukhang ayaw niya dahil nagsalita na naman muli siya.

"Kawawa naman ang batang iyon. Mabuti na lang at agad na naisugod sa ospital." Naaawang saad niya at nagpatuloy na muli sa pagkain.

Bago ako umakyat patungo sa kwarto ko narinig ko pa ang sigaw ni Mamá na uuwi daw si Papá dahil sa mga nababalitaan niya. Lalo na ang mga nangyari sa eskwelahan ko. Una ang pagkamatay ni Rehan na sa akin isinisi. Pangalawa itong aksidente ni Kailus. Nag-aalala siguro siya sa kalagayan ko ngayon.

Nagbabasa ako ngayon ng mga notes namin. Gusto ko na lang magbasa para mawala sa isip ko ang masamang panaginip ko kanina.

*Ting!*

Tumunog ang selpon ko na nakapatong sa May side table.  Kinuha ko ito at nakitang May bagong mensahe.

From: 09399101223

It's me Sam. Meet me at the park in front of your house.

Napatingin ako sa oras. Alas ocho y media pa lang naman. Nagpasiya ako na lumabas. Hindi na ako nagpaalam dahil nasa tapat lang naman ang park at saglit lang din naman ako.

Sinuot ko ang kulay abong hoodie ko. Dinala ko na din ang selpon ko baka sakaling tumawag si Mamá at hanapin ako.

Tanaw ko na agad ang pigura ng lalaki sa tabi ng light post pagkalabas ko. Nakasumbrero ito na itim at nakasuot din ng itim na jacket. Nakatalikod siya sa'kin kaya di niya napansin ang paglapit ko.

"Ikaw ba ang bumangga kay Kailus?" Diretsong tanong ko sa kaniya. Ayoko na ng paligoy-ligoy pa dahil magtatagal lang kami.

"I didn't do it on purpose. I was in a hurry that I didn't noticed there was someone who was crossing that road." Pagdedepensa niya sa sarili.

"What happened at the police station?" Dahil naalala ko na binitbit siya ng mga pulis kanina.

"The father of that student was in there. He wants me to pay for the hospital bills and medicines until he fully recover." Mahinahong sagot niya sabay hinga ng malalim

"Gago ka kasi." Saad ko na alam kong hindi niya maiintindihan.

"What?" Galit na asik niya.

"Nothing. Is this the only thing you wanted to talk about? I'll go now if there's nothing more. I'm still studying for tomorrow."

Hindi naman siya nagsalita kaya naglakad na ako pabalik. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nagsalita siya.

"Rember what I've told you before?"

"Yes. The eighteenth birthday thingy. Why?"

"Don't you ever forget that. That's few months from now."

Seryoso siya habang pinagsasabihan ako. Ganun nga siguro kaimportante iyon. Pero bakit hindi niya sinasabi sa akin kung importante nga. Bahala siya sa buhay niya.

Iniwan ko na siya at tumuloy na papasok sa gate. Dahil sa mga naganap dito, naalala ko na naman ang huling pangyayari sa eskwelahan na pinasukan ko sa Madrid.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon