TRECE

16 4 2
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Sabado pala ngayon at walang pasok. Alas nueve na din pala kaya kumakalam na din ang sikmura ko.

Mamaya pala ang dating ni Papá. Kaming dalawa ni Mamá ang susundo sa kaniya. Wala akong ideya kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-uwi niya. Ang tanging naiisip ko lang ay ang mga nangyari sa school nitong nakaraan lang.

Bumangon na ako at dumiretso sa CR nitong kwarto ko. Habang naghihilamos ng mukha nakatulala ako sa salamin na nasa harap ko. Tutuloy na sana ako upang banlawan ang mukha ng mapansin ko ang mukha ni Rehan sa salamin. Agad kong tiningnan ang likuran ko. Wala naman akong nakita. Namalik-mata lang siguro ako. Tinapos ko na ang paghihialamos at lumabas na.

Kumuha ako ng black na t-shirt na may print ng pangalan ko. Pinacostumize ko ito nung summer. Kaibigan ko kasi ang gumagawa kaya sinubukan kong magpagawa. Maganda din naman kaya naging paborito ko na. Isinuot ko na ito. Nagsuot din ako ng maong shorts. Simple lang ang suot ko dahil sa garden lang naman ako tatambay.

Bumaba na ako sa dining area. May nakahanda ng pagkain doon. Mukhang umalis na din si Mamá may aasikasuhin lang daw kasi siya sa opisina niya at babalik lang agad.

"Ma'am Priya, kumain na lang daw ho kayo sabi ni Madam. Mamayang alas diez daw ho siya babalik para sunduin ang Papá mo." saad ni Manang Celi ng makita ako sa lamesa. Siya ang mayordoma dito sa bahay.

"Sige po. Maraming Salamat." Ngumiti lamang siya sa akin bilang tugon. Tinuloy niya na din ang ang ginagawa niya kanina nang dumating ako.

Nagsimula na akong kumain. Fried Chicken, Afritada at kanin ang laman ng plato ko. May tig isang baso naman ng tubig at juice sa tabi ng plato ko.

Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Mayroon kasi akong gustong basahin na libro na matagal ko ng hinahanap. Ngunit malayo ang bilihan ng libro mula dito sa bahay kaya wag na lang. Gusto ko sana ipabili na lang kay Mamá kaya lang ay pauwi na din yun. Mag-iisip na lang ako ng pwedeng gawin.

Umakyat ako ikalawang palapag sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Kinuha ko ang laptop ko at bumaba na sa garden. Nagdala na din ako ng maiinom kung sakaling uhawin ako.

Binuksan ko ang laptop ko at nagpunta sa search bar. Nilog-in ko agad ang account ko pagkakita ko ng site. Habang tinitingnan ang notifications ko napansin ko ang isa mula sa school namin. Pinindot ko ito at binasa.

'OUR NEW SCHOOL QUEEN IS IN A RELATIONSHIP WITH MR. LYNDON TYLER CARSON'

Sino ba ang school queen namin? Hindi ko nga alam na may school queen pala. Si Lyndon ay alam kong anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon. Pero wala akong ideya kung sino ang school queen.

Bahala na nga wala naman akong pake kung magsyota sila. Kahit maghiwalay pa sila ngayon.

Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa ng mga nakikita ko sa newsfeed ko. Nakita ko ang post ng isa sa mga kaklase namin. Nakalabas na daw ng ospital si Kailus. Nagpapahinga na lang ito  sa bahay nila ngayon.

Humahapdi na ang mata ko sa kakabasa. Iniligpit ko na ang pinag-inuman ko at ang laptop ko.

Dumating na din pala si Mamá. Hindi ko man lang namalayan. Pumasok na ako sa loob at napansin na bihis na siya.

"Magbihis ka na. Pupunta na tayo ngayon  sa airport dahil malapit ng dumating ang Papá mo."

"Ito lang susuotin ko, Ma. Iaakyat ko lang po muna itong gamit ko at baba na agad ako."

"Sige bilisan mo na lang antayin kita sa garahe."

***

Malapit na kami sa airport. Si Mamá ay kausap si Papá sa selpon niya. Kalalapag pa lang daw sinakyan niyang eroplano.

Maya maya lang ang nakarating na din kami. Mag-antay pa kami ng ilang minuto bago namin siya nakita at sinalubong.

"I miss you two! It's nice to be back!" Bati niya sa amin sabay yakap.

Di na rin kami nagtagal doon at nagpasiya ng umuwi agad.

Nang makarating na sa bahay, dumiresto na ako sa kwarto. Pagod ako ng mahiga sa kama. Sana hindi na lang ako sumama saglit lang din naman pala kami doon. Akala ko ay may mga pupuntahan pa. Ngunit kung hindi rin ako sumama ay baka kagalitan pa ako. Wala din naman kaming pasok. Matutulog na lang muna ako.

***

"Priya, what happened on that suicide incident?" Tanong niya sa akin.

Nasa hapag na kami at naghahapunan. Alam ko na din na masasama 'tonsa usapan ngayon.

"I don't know, Dad." Walang ganang sagot ko.

"They put the blame on Priya. Accusing her that she did pushed that student. But according to the witness, Priya was just standing in front of their classroom when the student fell on the ground." Paliwanag ni Mamá. Napag-usapan na nila ito pero tinatanong pa din ako.

"Then why did you transfer her to another school?"

"I don't want to waste my money on that school. I can't believe you let her study to that kind of school." Medyo galit na sagot ni Mamá kay Dad. Tumataas na din ang tensiyon sa pagitan nila kahit kalmado lang naman silang pareho.

"At kapag may nangyari na naman sa bagong eskwelahan niya ngayon, hindi ako magdadalawang-isip na ibalik siya sa Madrid. Even if your mother don't want to see her agan."

Ramdam ko na may galit ang lola ko sa akin. Ang Mama ni Dad. Pero hindi ko alam ng puno't dulo nito.

Parang imposible na walang mangyayari sa school ko ngayon. Lalo na at nag-uumpisa na naman. Ang aksidente na nangyari kay Kailus. Kahit na hindi ako ang bumangga sa kaniya. Maaring ako ang dahilan dahil kami ang huling magkausap at magkasama ng araw na iyon.

Natapos naman ng payapa ang hapunan namin. Wala na din agad ang tensiyon na namuo kanina. Nadala lang siguro ng emosyon niya si Mamá.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon