Si Sam ang lumantad mula sa tumpok ng mga lumang upuan. Kagigising lang ata at mukha pang naalimpungatan. Sabog sabog ang buhok at nakabukas ang unang tatlong botones ng kaniyang polo. May ngisi sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ako.
"My dear, you look like you run a mile." ani niya at humalakhak. Sarap tusukin ng ngala-ngala nitong demonyo na'to.
"Ano 'tong nabalitaan ko?" Tanong ko sa kaniya na nagpatigil sa kaniya sa pagtawa. Nahulaan niya agad ang tinutukoy ko.
"Well, he's so stupid the he can't see me walking. I just grabbed his neck and pinned him on the wall." Simple niyang sabi na akala mo pinitik niya lang ang kawawang estudyante.
"Do you know what happened to that student?" Tanong kong muli.
"Of course, I was there when they said he was in trauma." Di na ako nakapagpigil at kinwelyuhan ko siya.
"Tigilan mo na'to." Nang gigigil na saad ko bago ko siya binitawan.
"I am born to do things I wanna do. Freely." Nakangiti pa siya ng sabihin ang linyang yan.
"You're an evil." Yan lang ang nasabi ko sa dami ng kademonyohan na ginawa niya at nasaksihan ko lahat. Maliban na lang ng lumipat na siya dito sa Pilipinas. Hindi ko nasaksihan ang ginawa niyang yun kay Keanu.
"You too, my dear. Can't wait you to become one." Ani niya at parang bulang naglaho sa harap ko.
Sana iyon na ang huli naming pagkikita. Dahil sa tuwing nagkikita kami, nagsisimula ang gulo sa eskwelahan.
"PRIYAAA! PRIYAAA!"
Narinig ko ang boses ni Cree kaya nawala ang isip ko sa pag-iisip ng mga posibleng mangyari lalo na't nagkita kami ni Sam.
Bumukas bigla ang pintuan ng rooftop. Iniluwa nito si Cree kasama si Rehan. Nawalan ng emosyon ang mukha ko ng makita ang pag-aalala sa mukha niya. Lumapit si Cree sa akin habang si Rehan naman ay naiwan sa pintuan.
"Priya, anong ginagawa mo dito?! Kanina ka pa namin hinahanap. Bigla ka na lang daw umalis ng room sabi ni Rehan." Napatingin ako kay Rehan na ngayon ay nakayuko.
"Nagpahangin lang ako dito. Anong balita?" Pagtatanong ko para hindi siya magtaka kung bakit napatingin ako kay Rehan.
"Wala nang papasok na teacher ngayong umaga sabi ni Miss Esma. Half day na lang din ngayong araw kasi may meeting lahat ng teachers mamayang hapon."
Ganun nga ang nangyari. Napaaga ang uwian namin kaya sinimulan ko na ang paggawa ng mga assignments. Para makapagpahinga na din ng maaga.
Kumakain kami ng hapunan ng kamustahin ni Mamá ang pag-aaral ko. Umalis na din si Papá patungong Madrid para sa kaniyang trabaho. Kaya kami na lang ni Mamá ang magkasama ngayon maliban sa mga katulong.
"Kamusta naman ang unang dalawang araw mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Maayos naman po at may bago na akong kakilala." Sagot ko sa kaniya. Nag-usap pa kami tungkol sa mga naganap sa bawat araw namin ng nagpasiya na akong umakyat sa aking kwarto at magpahinga.
Fast forward...
Dumaan ang Linggo at wala namang nagbago. Sabay pa din kami ni Priya na kumakain. May mga dumadagdag pa na gawain sa bawat asignatura. Inaasahan ko na din ito lalo na at preparasyon ito para sa pagkokolehiyo.
May isang bagay lang ako na napapansin. Ang palaging pagsunod ni Rehan samin ni Cree. Hindi napapansin ni Cree pero lagi kong nakikita na nakatitig sa amin si Rehan. Isang beses ng paalis na kami ng cafeteria nahuli ako at nauna si Cree. May humatak sa akin patungo sa hallway na walang dumaraan. Hinarap ko ang walang hiyang humila sa akin.
"Hindi ba't kilala mo talaga si Sam?! Bakit hindi mo aminin?! Ayaw mong ilantad iyang baho ng kaibigan mo! Napakademonyo! Nawalan ako ng kaibigan dahil sa kaniya! Kaya sabihin mo sakin kung nasaan siya at ako mismo ang gaganti!" Nang gagalaiti niyang sigaw at nanlilisik pa ang mga mata. Ngunit walang epekto ito sa akin dahil sana'y na ako sa ganoong reaksiyon. Lalo na at si Sam ang dahilan.
"Oo na. Kilala ko na. Demonyo talaga siya. Huwag mo nang subukan na gumanti dahil wala ka sa kalahati ng kakayahan niya." Sagot ko sa kaniya.
Nagtitimpi lamang ako dahil masiyado siyang desperado. Lumipat lang naman ang kaibigan niya at hindi namatay.
Natahimik na lang siya sa sagot ko. Tila nawalan ng lakas at nabitawan ako. Kinuha ko itong tyansa upang makaalis na.
"Tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin." Pahabol ko at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
Priya El Hechizado
Mystery / ThrillerWhat would you do if things around you began to bewilder your psyche and entered the world of chaos? Find out the truth of unraveling the mystery of Priya the Hexed.