CATORCE

13 5 0
                                    

Nakatutok ako ngayon sa selpon ko matapos akong tawagan ni Papá. Umalis daw sila ni Mamá at baka hatinggabi na makabalik.

Kararating ko lang dito sa school. Lunes na at hindi pa din pumapasok si Kailus. Grabe siguro ang tinamo niyang galos sa katawan mula sa pagkakabangga. Hindi na rin ito kumalat pa sa loob at labas ng school dahil ayaw nila na masira ang pangalan ng eskwelahan.

Tumuloy na ako sa paglalakad. Dadaan muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig. Masiyado pa kasing maaga kung aakyat agad ako patungo sa classroom namin. Wala pa naman ang iba kong kaklase dahil late silang pumapasok.

"Isang mineral water po, ate." Bili ko sa babaeng nasa counter.

Inabot naman kaagad niya ang tubig ko. Binayaran ko na ito at tumalikod na. Binuksan ko ang tubig habang naglalakad palabas ng cafeteria. Habang umiinom napansin ko ang babaeng akala mo kung saan na party papunta. Makapal ang make-up nakalukot ang dulo ng buhok at may bitbit na handbag sa kaliwang kamay. Sa kabila naman ay ang mamahaling kape na sa labas pa ata niya binili.

Mabilis itong naglalakad at parang tanga na nagmamadali naka-shades pa wala namang araw sa loob.

Sa kamamadali nitong maglakad hindi niya ako napansin na nakatayo sa gilid. Nabangga niya ako at hindi man lang nagsorry.

Ang hawak niyang kape ay natapon sa sahig. Hindi ko alam kung paano niya hinawakan iyon at basta na lang natapon.

"Oh My Goood! My coffee! Look at what you did!"

Naghihisterya na agad siya dahil sa kape. Nanlilisik pa ang mga mata at lumalaki ang butas ng ilong na nakatingin sa akin.

"Excuse me? Ikaw ang bumangga sa akin. Pwede ka magsorry hindi yung mageeskandalo ka pa riyan." inis na sabi ko sa kaniya.

"What?! Bayaran mo ang kape ko! Ang mahal mahal niyan alam mo ba?! Teka nga hindi mo ba ako kilala? Mukhang bago ka ata dito."

Jusko naman kape lang parang ikamamatay niya pa. Hindi ko nga siya kilala. Asa naman na may balak akong kilalanin pa siya. Lalo na sa kaartehan niya ngayon.

"Kaya kitang bilhan ng sampung ganiyan. Magsorry ka sa'kin dahil ikaw ang May kasalan kung bakit natapon 'yan." Mahinahon kong sagot sa kaniya. "Bakit importante ka ba sa eskwelahan na ito at dapat kilala kita?"

Nagulat siya sa sagot ko. Hindi makapaniwala na hindi ko siya kilala.

"Seriously?! I am no other than the school Queen. I am the gorgeous Queen, Shynne. And for your information you should know me because I'm the girlfriend of the son of Mr. Carson, the owner of this school." Maarteng saad niya at may paghawi pa ng buhok sa gilid ng tainga.

Seryoso? Siya ang girlfriend ni Lyndon Carson? At queen pa ng school na ito? Naalala ko ang post na nabasa ko noong Sabado. Maaring siya nga iyon hindi ko din kasi binasa ng buo ang post na iyon. Mukhang nakapost din doon ng picture niya

"Ano ngayon kung ikaw ang QUEEN ng school na'to? Ikaw pa din ang may kasalanan kung bakit natapon 'yan. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Bahala ka bumili ng MAMAMAHALIN mong kape."

Iniwan ko siya doon na inis na inis. Napakagandang umaga nga naman nito. Kay aga aga nabubwiset ako. Kahit may kaharian pa kayo dito wala akong pake.

***

"Everyone please study our lesson for tomorrow. Si Priya lang ang nakasagot sa mga tanong ko. Pinatulog niyo ba ang mga notes niyo sa bahay niyo?" Si Miss Alva habang inaayos ang gamit niya.

Break time na namin. Kanina kasi ay May biglaang recitation. Mabuti na lang at nakapagbasa ako nung weekends at may naisagot. Ewan ko kung ano ang mga ginawa nila at hindi sila nakasagot sa mga tanong.

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Handa na akong lumabas ng makarinig ako ng tilian mula sa labas.

"Aaaaah! Nandyan si Lyndon!"

"Girl maayos ba mukha ko?"

"Gaga ka! Kasama niya si Shynne oh."

"Tinatanong ko lang kung maayos mukha ko ayoko magmukhang basura pagdaan niya 'no"

"Ang gwapo niya talaga pakshet!"

"Ano ba ginagawa niya dito sa building natin?"

"May pupuntahan daw sila ni Shynne. Nakasagutan daw kasi yung transferee."

Ano kaya ang sinumbong nung maarte na yun sa syota niya? Kailangan pa talagang kausapin ako. Mga hangal.

"Excuse me, who is Ms. Diáz?" Narinig ko ang boses ng lalaki mula sa pintuan.

Nakarinig ako ng yapak sa likuran ko at hinarap ko ito. Ang anak ng may-ari— si Lyndon. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin. Kapit tuko naman ang so called Queen na si Shynne sa kanang braso niya.

"What do you need?" Tanong ko agad.

"Bakit mo siya binangga ha? Natapon tuloy ang mamahalin niyang kape." Maangas na tanong niya sa akin.

"Dahil lang sa kape? Susugurin niyo ako? Anong binangga? Ako bumangga sa kaniya?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Sinong tanga ba ang hindi tumitingin sa dinadaanan kaya nakabangga at natapon ang kape, ha QUEEN?" Binalingan ko ng tingin si Shynne. Yumuko naman siya at tila napapahiya.

"Ni hindi nga nagsorry yan sa akin. Tapos susugurin mo pa ako? Ayos yan!" Iritang saad ko sa kanilang dalawa.

"Bayaran mo na la—" Punyemas na kape!

"Huwag kayong mag-alala pababahain ko ng mamahaling kape ang bahay ng girlfriend mo. Makakaalis na kayo." Sabi ko at itinuro ang pinto.

Wala naman silang nagawa at ibinalibag pa ni Lyndon ang isang upuan na malapit sa kaniya.

Mga hangal. Susugod sugod maling impormasyon naman ang dala. Pag-umpugin ko kayo ngayon. Halatang puro kaartehan lang ang alam sa buhay.

Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon