DIEZ

24 4 3
                                    

"Any clarifications? Violent reactions? Questions?" Pagtatanong ko sa kanila ng matapos akong magpaliwanag tungkol sa ulat ko. Nang makitang wala naman ni isa kanila ang magrereklamo nagsalita ulit ako.

"Okay. That's all. Again, thank you for listening."

Nagpalakpakan sila ng makaupo na ako sa upuan ko. Maayos naman ang naging paliwanag ko sa paksa ko kaya ganito na lang din ang pagkamangha nila. Sana lang tinandaan nila ang mga iyon.

"Pagkatapos ng break time niyo dumiretso kayo sa garden. Kailangan na malinisan agad iyon dahil bungad yun ng eskwelahan. May dadating na mga bisita mamayang hapon kaya pinapalinis yun ng Principal. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Ma'am!" Sagot naming lahat sa kaniya.

Pagkatapos kasi ng isa pang subject namin break time na. Nagpaalala lang si Miss Alva sa amin bago tuluyang umalis sa room.

Paalis na ako sa room para bumaba at makakain na. Himala na walang nakabuntot sa akin ngayon. Wala ba yung tukmol o sadyang hindi ko lang siya napansin ngayong araw? Mabuti na din 'to. Walang manggugulo sa akin.

Akala ko ayos na ang araw ko. Kaya lang pagkatapos kong bumili ng pagkain sa cafeteria nasalubong ko ang tukmol. Pero parang hindi niya ako nakita. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa loob.

Anong problema niya? Dahil ba sa nangyari sa usapan namin kahapon? Inalis ko na lang ang mga tanong sa isip ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang garden.

Kinain ko na lang ang binili kong pagkain habang naghihintay sa President namin. Kinakausap pa kasi siya ni Miss Alva kung paano ang paglilinis na gagawin namin dito sa garden.

Maya maya lang din ay dumating na din ang President namin. Siya kasi ang hinihintay para malaman namin kung sino ang maglilinis sa bawat parte dito sa garden.

Pagpasok pa lang kasi galing sa gate makikita ang mini fountain. Sa kaliwa ay mga hilera ng puno at mga bulaklak may iilang gawa sa batong upuan din. Sa kanan naman ay may mga bulaklak at puno din. Ang pinagkaiba lang hindi lang upuan ang nandoon mayroon din mga lamesa.

Hinati-hati na kami sa grupo. Limang grupo lahat kami. Ang unang grupo ay sa harapan kung nasaan ang gate. Ang pangalawa naman ay sa kaliwang parte. Ang pangatlo naman ay sa kanang parte. Ang pang-apat ay sa daanan bago ang main building. Ang huling grupo naman ang siyang tagahakot ng mga basura.

Kabilang ako sa pangalawang grupo. Si Kailus naman ay sa pang-apat. Sa panglima sana siya kaya lang ay umayaw dahil sa kaartehan. Ayaw niya daw humawak ng basura. Ang arte akala mo naman alcohol ang ipinangliligo sa katawan niya.

Nagsimula na kaming kumilos at nagpunta sa kaniya kaniya naming lilinisan. Naglagay ako ng earphone para hindi ako maabala. Lalo na yung Kailus na yun baka bigla na lang manggulo sa'kin.

Hawak ko ang walis at dustpan winawalis ko ang mga lantang dahon na nagkalat sa pinwestuhan ko. Nagpatuloy pa ako sa pagwawalis habang nakikinig sa kanta.

3 hours later...

Patapos na kaming lahat sa paglilinis. Katatapos ko lang din. Nagpasya akong maupo muna sa lilim ng katabi kong puno.

Wala pang dalawang minuto may tumabi na agad sa akin. Si Kailus. Madilim ang mukha dahil siguro sa pagod sa paglilinis. Humarap siya sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa iba naming kaklase na nagpapahinga hindi malayo sa amin.

"Alam mo hindi naman talaga kita gusto." Panimula niya pagkaupo sa tabi ko.

Akala niya siguro naniwala ako sa sinabi niya kahapon. Huwag ka mag-alala hindi. Sabi ko sa kaniya sa isip ko lang. Hindi ko na isinatinig.

"Oh tapos? Ano yung kahapon?"

Hindi sa umasa ako na may gusto talaga siya sa akin. Gusto ko lang malaman kung para saan ang pekeng pag-amin niya.

"Wala trip ko lang. Asa ka naman na magkakagusto ako sa'yo."

"Hindi ako umaasa."

"Talaga ba? Seryosong seryoso ka nga kahapon akala mo naman talaga. Nasaan na yung bulaklak?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Tinapon ko." maikli kong tugon.

"Alam mo b-"

"Hindi pa."

"Patapusin mo nga muna ako sa pagsasalita. Nakakabwiset ka."

Aba'y baliw na ata 'to. Nananahimik ako dito at nagpapahinga tapos maninira ng araw.

"Nabubwiset din ako sa'yo pero di ko sinabi."

Tila napikon siya sa sagot ko. Mukha siyang bomba na sasabog anumang oras.

"Alam ko na ang dahilan ng paglipat mo dito. Ikaw ang pumatay sa kaklase mo. Kaya ka lang napunta dito ay dahil sa koneksiyon ng magulang mo sa Principal."

Paano niya kaya nalaman? Tsismoso nga pala ang isang ito kaya madali lang sa kaniya makakuha ng impormasyon.

Alam kong dating kaibigan ni Mamá ang namamahala dito. Kaya madali lang din akong nakapasok.

"Anong ipinaglalaban mo?"

"Dapat ang tulad mong mamamatay tao ay umalis sa eskwelahan na'to!"

"Ano ang patunay mo na ako ang may gawa? Mga sabi-sabi?" Naiinis na tanong ko sa kaniya dahil napupuno na din ako sa pinagsasabi niyang wala naman saysay. Natahimik siya. Siguro tama ang hinala ko.

"Basta mamamatay tao ka! Dapat lang na umalis ka din dito! Isa kang demonyo!"

Nagpantig ang tenga ko sa huling salitang sinabi niya. Kailanman ay hindi ako magiging demonyo. Hindi ko na napigilan ang galit ko at dinakma ko ang kwelyo niya.

"Sinusubukan mo ba ako? Ha?!" Naasar na sabi ko sa mismong pagmumukha niya.

Lalo akong naasar ng suminghal siya. Nagawa pang ngumisi ngunit halata na ang takot sa mga mata. Nagtatapang-tapangan na lang.

"Bakit? Papatayin mo din ako?!" Saad niya sa galit na tono.

"Gusto mo na ba?"

Namutla siya sa sinabi ko. Agad siyang nagpumiglas sa pagkakawak ko sa kaniya. Pabato ko naman siyang binitawan.

Tumakbo siya at dumiretso sa labas ng school. Nakipagpatintero sa dami ng sasakyan na mabilis na nagpapatakbo.

"Espero que te atropelle un auto" I hope you get hit by car Bulong ko sa hangin at muling tinanaw siya.

Wala naman na akong kasama dito dahil sa pagmamadaling umalis ni Kailus. Nagpasya akong bumalik na sa room namin. Nandoon na din ang iba.

Ngunit hahakbang na sana ako pabalik sa building namin ng makarinig ako ng bungguan ng sasakyan. Kasunod ay ang tunog ng ambulansiya. Lumingon ako at nakita ang katawan ni Kailus na naliligo sa dugo.

Agad akong tumakbo papunta doon. Mabilis nagsisiksikan dahil sa dumadaming tao na nakapalibot dito. Nahinto din ang daloy ng mga sasakyan.

Nang makasiksik ako ay napatulala ako sa katawan niya. Ngayon na lamang ako nakakita ng dugo na ganito karami.

Sa tapat ni Kailus ang isang itim na sasakyan. Hindi ito tinted kaya kita ang kung sino man ang nasa loob. Napaawang ang bibig ko ng makilala kung sino ang may-ari nito. Halos dalawang buwan na din simula ng aming pagkikita.





Priya El HechizadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon