KABANATA III

60 9 0
                                    

Carlotta’s Point of View


Kinabukasan, muli nanaman akong nagising dahil sa ingay ng ulan sa labas. Narinig ko rin ang tugtog ni Lola Selia. Inaantok akong umupo sa kama at kinuha ang phone ko para tingnan kung anong oras na.

Tinatamad ako maligo dahil malamig ang panahon tapos sasalubong pa sa akin ang magandang tugtog na ‘yon, nakakagaan ng araw. Naglamos lang ako at nagsipilyo. Isa lang ang banyo rito at nandoon pa iyon sa baba kaya kailangan ko pang bumaba. Pumanik lang ulit ako at nagbalot sa kumot at inabala ang sarili sa cellphone.

Hindi nagtagal nakaramdam din ako ng gutom. Napagpasiyahan kong mag-grocery. Nagke-crave din kasi ako sa pagkaing wala naman dito. Tsaka napansin ko ring wala na gaanong laman ang refrigerator. Bibilhan ko na rin si Lola Selia ng ibang pagkain para hindi naman pare-parehas ang kinakain niya lagi at bigla na lang nawawala para mamalengke pa.

Nagsuot lang ako jacket at nagdalawang isip pa kung magdadala ba ng payong, hindi naman din na umulan pero kung magdadala pa ako mahihirapan akong magbuhat ng plastic ng groceries ko. Sumisilip na naman din ang araw kaya baka hindi na umulan mamaya.

“Lola Selia, sa’n banda po ang grocery store dito?” tanong ko kay Lola Selia nang makababa ako.

“Diyan sa kanto, Carlotta. Aalis ka?” tanong ni Lola Selia.

“Opo, bibili po ako ng pagkain at para hindi na po kayo mamalengke,” paliwanag ko.

“Mag-ingat ka huh?” bilin ni Lola Selia. “Ay, hindi! Sasamahan na kita,” pagpupumilit ni Lola.

“Ayos lang po, Lola.” Napatingin naman ang atensyon ko sa kalan. “Oh, may niluluto po kayo, oh,” alo ko.

Pasalit-salit ang tingin ni Lola sa akin at sa niluluto niya. Hindi niya alam ang pipiliin. Sa pinta ng mukha niya gustong-gusto niya akong samahan.

Kinagat ko ang aking labi. “Sige po, Lola. Alis na po ako!” nagmamadali kong paalam.

“Carlotta, mag-iingat ka! Umuwi ka agad at huwag makipagkita kung kani-kanino!” bilin pa ni Lola na humabol hanggang portiko.

Kahit na nagtataka sa bilin niya at tumango na lang ako saka nagpatuloy na.

Medyo malayo na ako, nakita ko ang isang mini store. Mayroon itong sign na may nakalagay na ‘Jaja Mini Store’. Parang natural na tindahan lang iyon ngunit ikaw ang mamimili ng bibilhin mo. Meron din itong cashier.

Marami-rami ang nagrocery ko, nasa apat na plastik. Bumili ako ng selyadong mga gulay at karne. Buti mayroon ding bigas na nakapack na kada kilo. Bumili rin ako ng mga chichirya, softdrinks, chocolates at in can foods na rin para hindi na minsan kailangan ni Lola magluto. Bumili na rin ako ng iba’t ibang klase ng gamot, incase of emergency. Buti meron silang gano’ng paninda.

“Hi, ngayon lang kita nakita rito,” bungad sa akin no’ng nasa cashier.

Lalaki ito at sing edad ko lang ata. Maganda ang ngiti sa akin kaya ginantihan ko ang ngiti niya. Mukha siyang mabait at pala-kaibigan.

“Bakasyonista lang. Diyan ako sa Ancestral House ng mga Lagbas nakatira ngayon,” nakangiti kong sagot.

“Gano’n ba, sa inyo pala ‘yan.”

Ang Lalaki Sa Ulan [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon